Ethan’s POV

  

Monthsary namin ngayon. Ang araw na ipinangako ko sa sarili ko na hihiwalayan ko na siya. Sa wakas. Matatapos ko na ito. Kailangan ko ng puntahan silang tatlo. Kailangan ko ng lakas ng loob para gawin ito. Teka, lakas ng loob? Kailan pa ako pinanghinaan ng lakas? Nakaka-bad trip.

  

Dre! ” sabi sa akin ni Paolo. Umupo ako at hinawakan ang Wii. Gusto ko munang maglaro.

 “ Anung problema nun? ” tanong ni Paolo. Hindi ko na sila pinansin. 

Malay ko. Hayaan mo nalang. Baka niregla na. Hahahahaha! ” Sabi ni Josef.

  

Tss. Wala akong pakialam. Kailangan kong ibuhos ang galit ko sa sarili ko. Bakit ngayon lang ako pinanghinaan ng loob? Sa isang babae? Feeling ko tuloy napakahina ko. Bakit kapag si Krysh na ang kasama sa pinaguusapan, ang hina-hina ko? Bakit kapag siya ang involved, parang wala akong binatbat?Bakit? Nakaka-inis.

 

 

 Kryshll’s POV

 

 Ngayong gabi na ako aalis. Kailangan ko ng sabihin ito kay Ethan. Bakit pa tumapat sa isa sa pinakaimportanteng araw sa buhay ko eh! Nakaka-inis! Bakit hindi ko pa kasi sinasabi? Kailangan na naming magkita.

 

 Guys. Hindi ko na kaya to. Mamayang gabi na yung flight ko pero hindi ko parin sinasabi sa kanya. ” sabi ko. 

Tama. Baka magalit pa siya sayo. Kung ako sayo, sabihin mo na. Andito lang kami para sayo. ” sabi ni Jam.

Tumango ako. Di ko na talaga kaya. Ayokong mawalay sa kanila pero kailangan kong gawin ito. Eto na ako. Papunta na. Silang tatlo? Ewan ko kung susundan ako. Basta ang gusto ko, masabi ko na sa kanya bago pa ako maka-alis. Magalit man siya, alam ko namang maiintindihan niya ako dahil nangako siya. Alam kong mahal niya ako kaya kahit anung mangyari, maiintindihan niya ako.

 

Asan na kaya siya? Hinanap ko na pero sabi nila Josef, kanina daw andun pero umalis. Wala rin naman sa cafeteria. Wala rin siya sa classroom or sa private room nilang apat. Wala rin siya sa basketball court. Isa nalang ang alam kong lugar kung pwedeng asan siya. Sa likod ng school. Sa lugar kung saan niya ako niyayang maging girlfriend niya. Dali-dali ko siyang pinuntahan.

 

Pagdating ko, hindi ako nabigo. Andun siya. Nakatalikod. 

 

Ethan! ” tawag ko sa kanya. Lumingon siya. 

Happy Monthsary! This is our 124th  day pero… ” sabi ko. Pero hindi siya sumagot. Walang kahit anung reaction sa mukha niya. Okay. Wag ko nalang pansinin pero kailangan ko na itong sabihin sa kanya.

May sasabihin ako sayo. Makinig kang mabuti at sana mai- ” pero pinutol niya.

GAMEOVER. ” bigla niyang sabi. Anu daw? Bigla siyang lumapit. 

Ha? ” tanong ko. Medyo confused. 

Tanga ka ba o nagtatanga-tangahan lang? Hindi mo ba ako naintindihan? Sabi ko, GAMEOVER. ” sabi niya in a cold voice.

Dare to Play a Game Called Love? [COMPLETED]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!