Christian’s POV

 

 

Bakasyon na sa Pinas kaya pinili kong puntahan dito sa States si Krysh. Hindi naman nagtaka yung mga kaibigan ko kasi alam nilang may kapamilya akong bibisitahin dito. Siyempre, hindi naman nila alam na andito si Krysh. Teka, diba dito ang school ni Krysh? Asan kaya siya?

 

Excuse me. Do you know where I can find Kryshll Ruiz the transferee? ” tanong ko sa nakasalubong ko.

Oh. I think I saw her sitting at the bench near the Library.” Sagot niya.

Thank you. ” sabi ko at umalis na.

  

 Asan ba yun? Wala naman siya dito ah! Hindi kaya nakaalis na? Maka-tanong nga ulit.

  

Excuse me. Do you know Kryshll Ruiz? ” tanong ko.

Yes. Why?

 “ Do you know where she is? ”tanong ko.

 “ Oh yes. She’s over there. ” sagot sa akin.

 “ Thank you.

Saan daw? Ah. Ayun. May babaeng naka-upo. Kanina ko pa yan tinitignan mukha namang hindi yan si Krysh kaya hindi ko nilalapitan. Siya ba talaga yun? Malapitan nga. Habang naglalakad...

Si Krysh nga! What the. Nagbago na siya ng sobra sobra. Hindi ko na rin siya nakilala. In fact, hindi ko talaga siya nakilala. Matakpan nga ang mata.

 

Xander? ” bigla niyang sabi. Nagulat ako kaya inalis ko ang kamay ko. Paglingon niya…

Chris?! ” sabay tayo at yakap sa akin.

Nagulat ako kaya hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Kung hindi lang ako naging tanga, at kung ipinaglaban ko sana siya, masaya kami ngayon. Hindi sana siya nasaktan ni Ethan. Pero teka… Xander? 

 

Sino si Xander? ” bigla kong tanong. 

Kaibigan ko.” sabi niya.

 "Oh. Ano, kamusta ka na dito? ” tanong ko.

 “ Ako? So far, wala namang problema. Kamusta na pala mga kaibigan ko? Kamusta na Mama at kuya ko sa Pinas? ” tanong niya.

 “Chill! Isa isa lang! Ayos lang ang pamilya mo. Nami-miss ka na ng Mama mo at ni Kuya Kevin. Silang tatlo naman, ayos din! Nagu-usap parin kami. Kaso, kami-kami lang. Hindi parin nagkaka-ayos si Jam at Paolo. ” sabi ko.

Ganun ba? Kung hindi dahil sa akin, sila parin hanggang ngayon. "

 “ Ano ka ba! Pektusan kaya kita. Tama na nga. Wag mo ngang sisihin sarili mo. Hindi mo kasalanan yun. ” sabi ko. 

Aba! Pektusan pala ha! Eh ikaw? Kamusta ka na? ” tanong niya.

Eto, gusto ka nang kalimutan. ” sabi ko ng pabulong. 

Dare to Play a Game Called Love? [COMPLETED]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!