Kryshll’s POV

Good Morning Philippines! Ang aga kong nagising. Hindi naman siguro ako excited sa lakad namin ni Ethan noh? Tch. Hindi naman talaga. Ah basta. Ang alam ko, magsisimula na ako sa maliliit kong revenge. Bahala siya sa buhay niya.

  

Kinuha ko yung phone ko at tinignan kung may text. 4 new messages. For sure isa kay Shay, kay Mika at kay Jam. Yung isa, probably kay Ethan. Tch.

  

From Mika:

Good Morning, Krysh! Have a Blessed Day! Love you always! :*

  

From Shay:

Morning! Don’t forget to eat breakfast! Take Care, God bless! Mwa! :*

 

From Jam:

Kryshll Xyz Ruiz! Good Morning! Ingat palagi! Love you! :*

Ohhhh. How sweet bestfriends! Haha. Ma-replyan na nga lang sila. After kong replyan, tinignan ko yung isang text. Sabi ko na nga ba kay Ethan to galing eh. Binuksan ko.

 From Ethan <3:

Good Morning, Baby. Eat breakfast, okay? I love you always and forever. Mamayang 5pm ha. Don’t forget. Susunduin kita jan sa bahay niyo. Take Care. I love you so much! <3

Oh! Bakit ko nakalimutan?! Hindi to pwede.

To Ethan <3 :

Good Morning! Ako nalang pupunta jan. Wag mo na akong sunduin. Saan ba yan? Kain ka na din. Love you! :)

Sent!

Wala pang 30 seconds, may reply siya agad!

From Ethan <3 :

I insist. Baka mapano ka pagpunta mo dito. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nawala ka ulit sa akin.

 

Tch. Andrama.

To Ethan <3 :

Wag ng makulit! May surprise din ako! Ang daya naman kung makikita mo. Sige na, please. Magiingat ako, promise. :)

Sent!

From Ethan <3 :

Okay fine. Basta magiingat ka ha. Sa dating puntahan yung lugar. I love you!

 Sus. Dun nanaman. Hindi parin talaga siya nagbabago. Tch.

 

To Ethan <3

Salamat! Ingat ka din :)

  

Dare to Play a Game Called Love? [COMPLETED]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!