Juriel’s POV

Guys, pagbigyan niyo akong umiyak ng umiyak ngayon. Hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko. ” Sabi ni Krysh at umiyak pa ng umiyak.

Hindi talaga tama ang ginawa ng Ethan. Ang tanga namin at hinayaan si Krysh na mahulog sa kanya. Argh! Kayong mayayaman! Wala na kayong ginawang maganda! Ang sasama ninyo! Mga wala kayong kwentang tao

Eto ngayon, si Krysh, sobra sobrang nagdudusa sa ginawa sa kanya ni Ethan. Pano nalang kapag nakaalis na siya? At naisip niyang magpakamatay doon sa ibang bansa? Hindi! Ayoko! Hindi  pwedeng mangyari iyon! Argh!

Hi Girls! Hihiramin ko sa-” biglang pasok ni Paolo. Mag-isa lang siya. Naputol ang sinasabi niya nung nakita niyang umiiyak si Krysh.

Oh! Bakit ka umiiyak, Krysh? ” sabi ni Paolo.

Ah, namatay ba aso niyo? Ay teka, wala kayong aso diba? Pusa kaya? Wala rin naman. Uhm… ” Argh! Napupuno na ako! Hindi niya ba alam na wala na sila ni Ethan?

Paolo! Tumigil ka na nga! Alam mo, kasalanan niyo ito eh! Kayo! Kayong mga mayayaman na akala niyo, kaya niyong bilhin ang lahat. Na akala niyo- ” pero pinutol ako ni Krysh.

Jam. Wala siyang kinalaman dito. Wag kang magalit sa kanya. ” sabi ni Krysh.

Hindi. Hayaan mo ako. Dapat nilang malaman na hindi lahat ng babae sa mundo, laruan. Anu kami? Ha? Past time? Tapos ano, iiwan niyo lang din? Sasaktan at pagmumukaing tanga? Talaga ka- ” pero ngayon naman, pinutol ako ni Paolo.

Hindi kita maintindihan. Bakit?” tanong niya.

Ah, so, hindi mo alam o nagkukunwari ka lang? Ano? Ha? Sabihin mo ang totoo, niloloko mo lang rin ba ako? Kasabwat mo ba si Ethan? Sasaktan at iiwan mo rin ba ako pagdating ng panahon?” sabi ni ko.

Babe, alam mo naming hi-

Wag mo akong, ma-babe babe. Hindi ko na kayo kilala. At lalong lalo ka na. Hindi na kita kilala, Paolo. Hindi ko alam kung laro lang ba lahat ng ito o ano. ” sabi ko.

Alam mo namang hindi ko gagawin sa iyo yun eh. Please, maniwala ka. Mali ka ng iniisip. Kung sinaktan man ni Ethan si Kryshll, labas ako doon. Wala akong alam. Pero, ibahin mo ako. Hinding hindi ko gagawin yun sa iyo. Please, maniwala ka sa akin. Mahal na mahal kita. ” sabi niya. Waaaa! Ayoko na! Gulong gulo na ako!

Mahal? Alam mo ba ang ibig sabihin ng salitang iyon? Ha? Sagutin mo ako! ” sabi ko. Hindi siya nakasagot.

Ayoko na! Ayoko na! Hindi ko na alam, Paolo. Sa tingin ko, mali rin siguro ako ng desisyon. Mas mabuti pang mag-break na tayo. Hindi ko na alam. ” sabi ko. Pagka-sabi ko nun, tumulo ang luha niya.

Please naman Jam oh. Maniwala ka sa akin.  Wag mong idamay ang relasyon natin sa nangyari sa kanila. Hinding hindi kita sasaktan. Please, wag mo akong iiwan. ” sabi niya na umiiyak na rin.

Napaluha ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Pero gusto ko ng tapusin ito. Ayoko ng pagdating ng panahon, ako naman ang masasaktan. Mas mabuti ng ganito. Hanggat mababaw pa ang lahat. Ayoko na ng mga taong umiiyak dahil iniwan ng kanilang minamahal. Ayoko na.

Dare to Play a Game Called Love? [COMPLETED]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!