Kryshll’s POV

Andito ako sa park kung saan kami naging magkaibigan ni Chris. You did it, Krysh! Nagawa mo. Nasaktan mo na siya.

Pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit gusto kong tumalikod at bumalik sa kanya? Bakit gusto kong tumakbo pabalik at bawiin ang lahat ng sinabi ko? Mahal ko na ba ulit siya? O… mahal ko pa rin siya? Ni minsan ba, tumigil akong mahalin siya?

Damn it! Damn it, Ethan! Damn you! Damn all of you! Every part of you! Why are you doing this to me?! Bakit sa lahat ng pagkakataon, pinapahirapan mo ako? Sinabi ko sa sarili ko na kakalimutan na kita. Pero bakit sa tuwing nakikita na kita, nawawala na ang pilit na pagkalimot na tinatatak ko sa puso’t isipan ko? Bakit hindi ko mai-alis sa isipan ko ang katotohanang ikaw ang pinakamalaking kahinaan ko? Ethan, bakit?! Anung meron sayo at nagagawa mo akong guluhin ng ganito?

Nagawa ko nga ba talaga? Nagawa ko ba talagang kalimutan ka? Damn you! Damn you, Ethan! Bakit ba hindi kita makalimutan? Bakit ba mahal na mahal parin kita hanggang ngayon? Bakit ang hirap itago sa sarili ko na ikaw lang ang nagiisang lalaking nagpatibok ng puso ko? At bakit hanggang ngayon, hindi kita magawang ipagpalit? Bakit? Bakit ikaw pa?

Sumakay ako ng taxi pabalik ng school. Bumaba ako ng gate at tumakbo sa kinaroroonan ni Ethan. Pero huli na ako. Wala na siya doon. Nakita ko yung singsing na nakakalat lang malapit doon. Nilapitan ko yun at kinuha at nilapit sa puso ko.

Ethan, ikaw parin at ikaw lang ang mahal ko. Patawarin mo ako. ” At biglang tumulo yung luha ko.

Hindi ko namalayan na tumatakbo na pala ako paalis ng lugar na iyon. Kailangan kong mahanap si Ethan. Kailangan niyang malaman na siya parin ang mahal ko. Kailangan kong bawiin lahat ng sinabi ko sa kanya. Para malaman niyang hindi iyon totoo at mahal na mahal ko parin siya. Pakakasalan ko siya kasi siya lang ang taong gusto kong makasama habang buhay. Ethan, wag kang magtago sa akin, please? Tama na ang lokohan at taguan. Itigil na natin ito. Sawang sawa na ako. Pagod na pagod na ako. Please, ayusin na natin ang lahat.

 

Hindi ko pala kayang lokohin ang sarili ko. Ikaw parin pala talaga ang mahal ko.

Ethan’s POV

Gusto kong pumunta sa pinakamalayong bar. Kung saan walang makakakilala sa akin. Hindi ko kasi mapigilan ang luha ko. Tulo siya ng tulo. Ang sakit! Ang sakit talaga. Ganito pala ang pinaramdam ko sa taong mahal na mahal ko. Ang tanga tanga ko.

 

May tumatawag sa akin pero hindi ko pinapansin. Maya maya ay nag-ring at. Nag-ring ulit. Nakakabingi. Nakakainis. Ang ingay! Patayin ko nalang. Kinuha ko yung phone ko. May 7 missed calls galling kay Krysh.

Si Krysh! Tinatawagan ako! Tatawagan ko na sana pabalik pero biglang may dumating na text.

From Kryshll Ko:

Ethan, Asan ka? I need to see you. Please.

Dare to Play a Game Called Love? [COMPLETED]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!