Chapter 68 - Moved On

2.5K 45 7
                                    

After 4 years… 

Kryshll’s POV

 "Anak! Lagpas alas siyete na! Buksan mo na yung T.V. at manood tayo ng news!” sigaw ni mama mula sa kusina.

 “Opo, ma! ” sabi ko at lumakad palapit sa T.V.

Sakto namang natapos yung patalastas at news na.

Halika na ma! News na.” tawag ko kay mama.

O sige, anak. Matatapos na ako dito.” Sagot naman niya.

Bigla namang may kumalabit sa hita ko. Pagtingin ko, nakita ko si Kristen na bigla namang yumakap sa hita ko. Yun lang kasi ang abot niya dahil 3 years old palang siya. Ngumiti ako sa kanya at binuhat siya at inupo sa lap ko.

Kristen Emily, halika dito. Kamusta na baby? Wala kang kalaro? ” tumango naman siya. 

Aww. Wawa naman ang baby ko. Dito ka muna kay mommy Shi-shi. Lalaro tayo mamaya ha? ”sabi ko at hinalikan siya sa pisngi.

 “Yey! Play kami mommy shi-shi maya! ” sabay taas niya ng dalawang kamay.

 Si mama naman, manonood daw ng news pero ang tagal tagal sa kusina. Matawag nga para medyo bilis bilisan niya. Haha. Sabagay, lola na kasi siya kaya medyo mabagal na. Antayin ko nalang siyang makarating sa sala para makalaro na kami ni Baby Kri—

  

Naputol ang iniisip ko dahil sa news na narinig ko. Pagtingin ko sa screen ng T.V…  Oh my… It’s him.

 

Ethan.

  

Ang sabi sa news, ipinasa na sa kanya ang kanilang kumpanya at tinanggap niya iyon. Titig na titig ako sa T.V.

Good Evening po, Mr. Torralba. ” sabi nung reporter.

 “Good Evening din” sabi ni Ethan at ngumiti.

  

Pumikit ako.

Ang ngiting ni minsan ay hindi ko nakalimutan. Ang ngiting tangi kong hinahanap hanap. May iba na kayang babae sa likod ng ngiting yan? Pero bakit pakiramdam ko, malungkot parin siya? Ibang iba sa ngiti na palagi kong nakikita pag kasama ko siya. Nami-miss ko na siya. Gusto ko siyang mayakap. Makausap. Pero hindi na pwede. Kasi wala na ako sa buhay niya. Isa nalang akong mapait na alaala. Ang sakit parin pala. Sariwang sariwa pa rin ang sugat sa puso ko. Mahal ko pa rin siya. Sa loob ng apat na taon, hindi ko siya nakalimutan. Ang sakit sakit. Lalo na’t alam kong ang ngiting yan ay kailanma’y hindi na para sa akin.

  

It’s been 4 years, Ethan. Sana napatawad mo na ako sa mga ginawa ko. Buti ka pa, naka-move on na. Maayos ka na. Kasi hindi ka na ang dating mapaglarong Ethan na nakilala ko. You’ve grown from a rebellious boy into a remarkable man. You’ve change a lot. Pero ako, andito parin. Oo, may trabaho na ako, okay na kami financially ng pamilya ko. Pero kulang pa din yon. Kasi wala ka sa akin. At hinding hindi ka na babalik pa. 

Dare to Play a Game Called Love? [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon