"Pumunta ka mamaya. Kasi pag kaibigan mo kami, libre ka sa lahat." Kindat ni Jecko.

Nagngingitian sila pero umiling lang ako. "Guys, seryoso, wag na!"

"Pumunta ka na, Sophie." Biglang sabi ni Louisse at saka ako nginitian.

Ano ba yan, ang hirap naman kasi tanggihan ni Louisse. Kung hindi dahil sakanila ni Leone baka magisa pa rin ako hanggang ngayon. Napakamot nalang ako ng ulo. "Sige na nga."

Matapos ang lunch ay dumiretso na ako sa susunod kong klase, sa hindi inaasahang pagkakataon, nakasabay ko si Alec sa labas lang ng classroom. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ako at agad akong hinila sa loob.

"Alec, aray ko!" Reklamo ko nang patulak niya akong isinandal sa whiteboard.

"Labas." Utos niya bigla.

"Ha?" Napakunot ang noo ko. Paano ako lalabas kung ikinulong niya ako sa pagitan ng pader.

Saka ko lang narealize na hindi pala ako ang sinabihan niya noon dahil biglang kumaripas ng takbo papalabas ang mga kaklase ko. Naiwan kaming dalawa ni Alec sa loob.

"Sophie Jaranilla," Parang ine xray ako ng mga violet na mga mata ni Alec. Parang hindi uso ang hangover sa babaeng ito kasi walang bakas ng pagkalasing sakanya. Ang ganda parin niya. At ang rahas.

"Ano bang kailangan mo?" Tanong ko nalang.

"Anong nakita mo sa bahay ko?"

Nanlaki ang mga mata ko. So ibig sabihin naaalala niya yung mga nangyari! Nauwi lang din pala sa wala ang mga panalangin kong makalimot siya sa mga nangyari kagabi.

"N-naaalala mo?"

"I never forget, Sophie. Genius, remember?" Tinuro niya pa ang sentido niya. "Now tell me what you saw."

Tinitigan ko ang mga violet eyes niya at nakitang defensive ang ekspresyon niyon. Mukhang ayaw niyang malaman ng iba ang nangyari sakanya.

"Nabasa ko yung article, Alec. Nakita ko yung picture." Mahina kong sabi. "Pero wag kang magalala, your secret is safe with me."

Halatang nagulat siya sa naging pahayag ko. Akala niya siguro ay gagamitin ko against her ang mga nalaman ko.

Pero agad din naman niyang nabawi ang composture niya. "You better be sure about that."

Tapos pinakawalan na niya ako.

Bumukas na ang pintuan at pumasok ang professor namin. Nang makitang magkatapat kami ni Alec sa harapan ng room at nawawala ang iba pa niyang estudyante ay agad na kumunot ang noo niya.

"Imperial, ano nanaman bang ginawa mo?"

"Wala." Agad na sagot ni Alec at umupo na sa upuan niya.

Tiningnan ko lang siya habang tinatawag naman ni Mam Perez ang mga kaklase naming lumabas.

Tao si Alec. Kailangan kong tandaan iyon. Kung ano mang ugali niya ngayon ay resulta ng pagaadjust niya sa bago niyang buhay matapos matamaan ng kidlat. Eto siguro ang naisip niyang depensa mula sa katotohanang wala na siyang nanay.

Naupo na ako sa upuan ko sa tabi ni Alec at palihim na sumulyap sakanya. Naka tingin lang siya sa kamay niya kung saan mayroon siyang pinaglalaruan na singsing.

Nagsimula nang magklase si Mam Perez pero nahihirapan akong magconcentrate.

Kung mabait na tao nga siya katulad ng naging pahayag nila Louisse, bakit siya nagkakaganito?

Pagkatapos ng klase ay nadatnan ko sa labas ng classroom ko si Leone.

"Sophie, sakin ka na daw sumabay papuntang Sound Wa--" Natigilan si Leone sa sasabihin nang tumigil si Alec sa tabi ko.

Polar OppositesWhere stories live. Discover now