Chapter 1 - Dreams and Visions

35 1 0
                                    

Tuwing sumasapit ang ika-pitong araw ng linggo, ang binatang si Erl ay nagkakaroon ng mga kakaibang panaginip na sa tingin niya ay tila totoo.

Nariyan ang isang tagpo na malakas niyang isinisigaw ang pangalan ng isang tao - pangalan man nito'y di niya matandaan.

Kung kaya sa twing nagigising ito sa mga panaginip ay ang tanging ginagawa lamang niya ay ang mag dasal upang maging matiwasay at mapayapa ang kaniyang pagtulog. Ito ang laging tinuturo ng kaniyang namayapang ina na siyang naghirap para sa kaniya upang mai-ahon siya sa hirap ng buhay. Ngunit maagang namayapa ang kaniyang ina at napunta sa poder ng kaniyang Tito Gaius na siyang nagpapaaral sa kaniya ngayon sa kolehiyo.

Bumangon na mula sa pagkakahiga si Erl at naghanda na sa pagpasok sa eskwela. Matapos ang kanilang agahan ng kaniyang tito ay sabay silang umalis patungong Camelot Dragon Univerity, isa sa mga prestiyosong unibersidad sa bansa.

Ang kaniyang tito ay isang professor sa Chemistry at nakapagtapos ng BS Chemistry rito sa CDU. Kilala bilang strikto at malupit na professor si Gaius ngunit napakamapagmahal na tiyuhin ito sa kaniya kung tutuusin.

Nang maitapak na niya ang kaniyang mga paa sa CDU ay sina lubong siya agad ng kaibigan niyang si Wilson at si Gwen. Parehas silang kumukuha ng kursong Psychology bilang mga 1st year.

Binati niya ang mga ito at sabay sabay na pumasok na sa kanilang unang klase.

--

"Merlin... merlin..." aniya ng isang pamilyar na boses. Tinatawag siya nito na tila humihingi ng tulong. Muli ay nakita na naman niya ang isang tagpo sa kaniyang isipan. Kung saan may isinisigaw siyang pangalan ngunit di niya ito matandaan.

Patuloy na nagpaulit-ulit ang mga tagpong ito ng biglang may naramdaman siyang matigas na bagay na tumama sa kaniyang ulo na siyang kinagising niya.

"Aray... sinu ba-" di na niya naituloy pa ang sasabihin ng makita niya ang namumulang mukha ng kaniyang professor sa pilosopiya. Napatingin na lamang siya sa kaniyang mga kaibigan na tinatawanan lamang siya.

Kung kaya't ipinatawag sa dean's office si Erl gayun din ang guardian niyang si Prof. Gaius na kasalukuyang gumagawa ng research. Dahil sa nalamang kalokohan ng pamangkin, katakot-takot na pangangaral ang natanggap niya rito at sinabihan siyang grounded for 7 days with kaltas sa kaniyang weekly allowance. Walang nagawa si Erl kundi tanggapin ang kaparusahan.

Lumipas ang ilang mga araw at patuloy pa rin ang pagdaan ng mga panaginip sa kaniyang isipan. Nariyan ang mga tanong na 'bakit, sinu, at ano ang mga panaginip na kaniyang paulit-ulit na nasasaksihan.'
Kaya nagdesisyon siyang magresearch sa google upang mangalap ng ilang mga datos na maaring magbigay kasagutan sa kaniyang mga tanong.

"Reincarnation..." basa niya sa isang article na nakita niya sa recommended site sa google. Sinasabi ang mga pangitain o panaginip na paulit-ulit na lumilitaw sa ating isipan ay maaring mga ala-ala mula sa nakaraan nating buhay. Sinasabi na ang mga taong nakaranas nito ay may matinding sumpang pasanin at maaring may kinalaman sa paggamit ng majika sa kanilang nakaraang buhay.

Syempre di naniniwala rito si Erl. Para sa kaniyang isang napakalaking kalokoohan ang lahat ng iyon dahil na rin sa kaniyang pinag-aaralan patungkol sa mga bagay na iyon. Ngunit ang di maalis sa kaniyang isip ay kung bakit sa tuwing napapanaginipan niya ang sandaling may binabanggit siyang pangalan ng taong iyon ay lumuluha siya at nakakadama ng sobrang pighati at galit.

--
Ilang araw bago sumapit ang kaniyang ika dalawangpung kaarawan niya ay nagkaroon siya ng bagong panaginip. Isang Dragon ang nangusap sa kaniya sa isang matalinhagang mga pahayag.

'Sa pagsibol ng araw ng Saturn,
Dalawang puso ay muling matatagpo,
Ang Sol at Luna - manunumbalik,
Oras ng lumipas ay iyong kinabukasan.'

Na tila ba isang banta o maari isang babala na hindi niya maintindihan. "Anong ibig mong sabihin?" Malakas na sigaw nito sa Dragon, ngunit makahulugang ngiti lamang ang ibinigay nito.

Hanggang sa mga puntong ito ang pahayag na iyon ay isang malaking misteryo. Ngunit pa bang kilalang-kilala na niya ang dragon iyon sa di malamang dahilan.

Samantala, may isang dilag na nakasuot ng itim na T-shirt at leggings ang nakatayo sa isang malaking kawa at minamasdan mula rito ang pagmumukha ni Erl. Nagwika ito ng mga sinaunang salita o latin: "ipakita ang natutulog na kalag ng dakilang merlin." Ngumiti ito habang minamasdan ang reincarnation ng dakilang sorsero.

"Muli rin tayo nagkita Merlin, pero sa pagkakataong ito ay sisiguraduhin ko ang tuluyang kamatayan mo." Muli ay nagwika muli ng inkantasyon ang dilag: "manmanan ang kalag maging lihim at hindi hayag." Muli ay ngumiti ito sa larawan ni Erl sa kawang iyon.

"Nakita na rin kita sa wakas merlin... Humanda ka balang araw ako mismo ang tatapos sa sayo." Wika niya na puno ng galit at pagkamuhi sa taong ito.

"Nakikita kong binabagabag ka ng ating nakaraan... Kung kaya naman ika'y aking tutulungan." Isang inkantasyon ang muli niyang sinabi at may kinuha siyang isang garapon na may laman kulay asul na tubig, ito ay kaniyang inihalo sa kawa habang sinasambit ang inkantasyon. Kumuha siya nh punyal at inihalo ang kaniyang dugo na siyang lalo nagpalakas sa inkantasyong gagamitin.

--

Muli ay nanaginip si Erl na tila ba may isang babae naka itim ang nakatingin sa kaniya at ngumingiti. May hawak ito kulay rosas na likido na siyang ibinuhos sa kaniya. Nawala ang lahat sa kaniyang paligid, naglaho ang babae at isa-isang naglaro sa kaniyang isip ang mga tagpo mula sa kaniyang nakaraan. Kung sino at ano siya hanggang sa kaniyang pinakamamahal na kaibigan niya si King Arthur na kaniyang pinaglilingkuran.

"Naaalala ko na ang lahat... ako, ako si Merlin." Naluluhang tugon nito sa sarili.

ALTERED DOMAINTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang