Chapter 3: Broken Seal

10 1 0
                                    

Mabilis na kumalat ang balita tungkol sa istudyanteng nawala nang pumasok sa abandunadong classroom ng lumang building. Ayon kasi sa mga kwento, ito raw ay isinumpa o di kaya'y pinamumugaran ng mga ligaw na kaluluwa, mga engkanto o maging mga masasamang elemento.

Napakanindig na impormasyon kung tutuusin ngunit sa pakiwari ni Erl, ito'y isa sa mga tsimis lamang ni Minerva ang Reyna ng maiinit na tsimis ng kanilang block.

Pero kung ito'y totoo man ay maaring may koneksyon ito sa itim na salamangka. Kung ito man kagagawan ng isang Sorsera o isang masamang bruha ay kinakailangan niyang kumilos bago may mapahamak pang iba. Ngunit may malaking problema pang kinakaharap ngayon si Erl, ang pagpapakita ng kaniyang hari sa di inaasahang panahon.

Sa isang activity naging kagrupo niya si Art at dito nga muling nagtagpo ang landas ng dalawa.

"Um... Hi." Bati ni Art kay Erl na halos di makatingin sa oras na iyon. Tanging tango na lamang ang naitugon ni Erl.

Medyo naiinis naman si Art sa magiging kapareha, sa tingin kasi ng binata mahirap pakisamahaan ang tulad niya.

Ang proyekto sa asignaturang 'Developmental Psychology' ay patungkol sa psychodynamic theory ni Eric Erikson na gagawin nilang isang video presentation kung saan ipapaliwanag nila ang bawat stages nito. Di naman mahirap pero sa pagkakataong ito ay puno ng walang kasiguraduhan ang lahat sa kanilang dalawa.

Napaisip si Art kung paano magiging in sync silang dalawa. Di naman pwedeng di sila magiging close kung kaya aayain na lamang niya ang kapartner sa isang lakad.

--

Wala ng nagawa pa si Erl ng sabihin sa kaniya ni Art na kailangan niyang sumama sa kaniya. Just like the old times, when they spend so much conquering quests which are truly dangerous. Nariyan ang mga tagpong palaging nasa bingit ng kamatayan silang dalawa, but because of their supreme loyalty sa isa't isa kahit na madalas silang nagbabangayan.

Nag-vibrate ang bulsa ng maong ni Erl at kinuha ang cellphone niya. May tumatawag na unreguatered number na sa tingin niya ay galing kay Art. Agad niyang sinagot ito at bumungad ang malakas na boses ni Art.

"Nasaan ka na ba? Kanina pa ako rito?" Bakas ang pagkainis sa boses nito.

Ngumiti na lamang si Erl. "Hindi pa rin siya nagbabago." Sa isip niya.

"Pasensya na kagigising ko lang, OTW na ako." Saad niya na syempre ikinaiinis ni Art.

Binaba na nito ang cellphone niya at tumakbo nang maisip niya na gamitin ang kapangyarihan niya.

Pumunta siya sa isang masukal na bahagi ng subdivision at nagsagawa ng inkantasyon.

"Semta asje durei." Wika niya at nagliwanag ang kaniyang mata at  siya'y nawala.

Sa isang iglap ay nasa likuran na siya ni Art na walang kamalay-malay na ang kinaiinisan niya ay nasa likod na niya.

Ngumiti si Erl, lumapit ito at hinawakan ang balikat ni Art ngunit biglang may naramdaman si Erl na isang mabigat na prensensya na bumabalot sa buong parke. Maya't maya pa'y biglang huminto ang oras. Hindi maaring magkamali si Erl, ang pangyayaring ito ay kagagawan ng Dark Magic.

Agad na ginamit ni Erl ang kaniyang Maximize Sense upang ma-tract ang pinanggagalingan ng spell na iyon. Mula sa kaniyang inner eye, nakita niya ang isang Amulet sa gitnang bahagi ng parke sa may fountain.

Mabilis na lumakad si Erl habang binabangit ang isang Repeling spell upang i-counterfeit ang orasyong ginawa ng kalaban. Sa puntong iyon lalong tumitindi ang lakas ng Dark magic, kung di ito mapipigilan maaring masira ang balanse ng oras sa buong parke at magmistula itong ghost towns or maging isang dissapearing city.

Pagkarating ni Erl sa mismong fountain ay lalo siyang nagimbal dahil hindi lamang isang enchanment ang isinagawa sa buong lugar, kundi isang Ancient spell na tanging mga warlock na tulad o di kaya naman ay mga taga-sunod ng Old religion ang nakakaalam.

Kung gayon may iilang tao o nilalang pa pala ang gumagamit nito. Gaya nga ng sinabi ni Gaius sa kaniya noong nasa lumang panahon pa sila, ang paggamit ng magic ay hindi masama pwera na lang kung ito ay gagamitin sa maling paraan.

Kung kaya wala ng sinasayang na oras si Erl.

Sa kaniyang inkantasyon ay nagkaroon ng isang malakas na vibration na dumaloy sa kaniyang kamay kaya nawasak ang Amulet na iyon at nawala na ang epekto ng Dark magic sa buong parke.

Napaupo sa sobrang exhaustion si Erl, sa unang pagkakataon muli ay gumamit siya ng isang malakas na uri ng spell. Medyo nanghihina siya gawa ng sobrang paggamit nito. Hindi niya nagawang makontrol ang labas ng mahika sa kaniyang katawan kung kaya nag-back fire ito sa kaniya. Alam niyang risky ang ginawa niyang iyon sa simula pa lang ngunit sa pagkakataong iyon, wala siyang magagawa.

Yun nga lang dahil na rin sa sobrang paggamit ng kaniyang kapangyarihan ay unti-unti lumabo ang kaniyang mga mata, mula sa pagkakatayo ay bumagsak ito ngunit buti na lamang at nagawang saluhin siya agad ni Art na walang kamalay-malay sa mga naganap.

--
Pagkagising ni Erl ay medyo nahihilo pa ito, agad naman siyang napabango mula sa kaniyang pagkahiga dahil sa gulat. "Nasaan ako?" Wika niya. Sa pintuan ng kwartong iyon ay pumasok ang isang babaeng nakasuot ng maid's uniform.

"Good Morning Sir!" Masayang bati nito kay Erl. Inilagay niya sa isang mini table ang dala nitong tray na may pagkain at sinabing ito ay galing sa kanilang master Art na ibiniling kinakailangang makakain siya.

Napangiti naman si Erl sa ka-sweetan ni Art sa kaniya. Imagine ipinagluto pa siya nito ng pagkain, kaya naman sa puntong iyon ay nakadama ng labis na kasiyahan si Erl.

"Napakabuti mo pa rin Arthur, di ka pa rin nagbabago." Wika nito sa sarili at kinain na niya ang binigay na pagkain.

Ilang minuto matapos kumain si Erl ay pumasok sa kwarto si Art na may dalang mga materyales, sa tingin ni Erl ay ito ang mga gagamitin nila sa kanilang proyekto na medyo nawala sa kaniyang isipan.

"Okay ka na? Mag-start na tayo bago matapos ang araw na ito." Walang buhay na saad ni Art habang inilalapag niya ang mga materyales sa table sa gitna ng kwarto.

Nagsimula na silang gumawa ng mga ilang crafts, habang nagreresearch naman si Erl para sa kanilang dialogue na gagamitin da video.

Napatingin naman si Art sa seryosong mukha ni Erl at sa pakiwari naman niya ay ang cute itong tignan.

Napalingon naman si Erl kay Art, nagtataka kung bakit nakatulala ito sa kaniya...

"Art may problema ba?" Wika niya pero tila wala itong naririnig.

Kaya naisipan niya gamitin ang kapangyarian niya. Pinalutang niya ang tubig galing sa natirang inumin niya at inihulog sa nakangiting lalaki sa harapan niya. Natural, nabasa si Art at nagising na ang ulirat. Naramdaman niya may something na dumikit sa kaniyang balat lalo sa kaniyang mukha.

"Hahaha... anong nangyayari sa iyo Art? Ayos ka lang." Natatawang saad ni Erl na agad na ikinasimangot naman ni Art. Tumayo ito mula sa kaniyang pagkaupo at iniwang mag-isa sa kwarto si Erl.

Hindi maintindihan ni Art ang nararamdaman. Kung bakit ganoon na lang siya nahuhumaling kay Erl. Hanggang na pagtanto niya na maaring nagkakagusto na siya kay Erl.

"Sh*t! Nababakla na ba ako?" Wika nito sa sarili. Lalong lang siyang naghinala sa kaniyang nararamdaman ng may nagflash-back sa kaniyang isipan.

"Pangako hindi kita iiwan..." isang ala-alang ngayon lang niya nakita. Alam ni Art na imposible mangyari ang tagpong iyon. Sapagkat nakita niya sa ala-ala ang nag-aalalang mukha ni Erl na nalasuot ng kulay asul na damit at red scarf. Hindi na lamang pinansin ito ni Art at lumabas na sa banyo ng makasakubong niya ang kaniyang bunsong kapatid na babae.

"KUYA ART!!!" Yumakap ito sa kaniya ng mahigpit at ganoon din ang kaniyang ginawa.

"Kailan ka pa bumalik dito?" Nakangiting tanong nito sa kapatid.

"Kaninang 9:00 am lang! Ikaw kamusta ang bagong school?" Tanong nito sa kaniyang Kuya.

"Ayos lang naman... Margareth, medyo interesting naman." Tugon niya dito.

ALTERED DOMAINWhere stories live. Discover now