Chapter 2 - King and his servant

17 1 0
                                    

Nang magising si Erl mula sa kaniyang mahimbing na pagkatulog ay agad siyang bumangon at naghanda sa kaniyang pag-alis patungong unibersidad.

Habang sakay ng jeep ay muling naisip ni Erl o ni Merlin na siya tunay ngang wala na sa camelot. Naaalala niya na minsan niyang ginamit ang isang delikadong inkantasyon upang mapagkaingatan ang kanilang mga kaluluwa sa kanilang susunod na salinlahi at siya nga'y nagtagumpay.

Pagkababa niya sa jeep ay bumungad sa kaniya ang masayang mukha ni Gwen na kumakaway sa kaniya. Dito niya muling na alala ang nakarang buhay ng Reyna sa  Camelot. Napakabuting kaibigan magamat na namatay ang pinakaminamahal niyang asawa sa kanilang panahon ay natiling tapat ito sa kaniyang yumaong asawa - hari ng camelot na si Arthur Pendragon.

"May problema ka ba Erl? Parang ang lungkot mo 'ata?" Nag-aalalang tugon ni Gwen sa kaibigan. Isang pilit na ngiti lang ang ibinigay ni Erl kay Gwen at sabay na silang pumasok sa Unibersidad.

Sa pagpasok nila sa kanilang klase ay na pansin nilang kay agang nagtsitsimisan ang mga kaklase nila na tila ba ito ang bumubusog sa kanilang umaga.

Narito nga si Minerva na siyang pasimuno ng mga tsimis dito sa klase. Walang balita ang hindi niya nalalaman. Napailing na lamang si Erl ng biglang malakas na naghiyawan ang mga kaklase niyang pabebe na animoy kinikilig.

"OMG! Gwapo daw yung transferee prend!" Kinikilig na wika ni Aura sa mga kaklase.

"Oo nga ang balita anak daw siya ng may-ari ng School! Kasing pogi raw ni Sir Luther Del Fuego!" Napailing muli si Erl at itinuon ang sarili sa pagrereview sa kanilang pagsusulit.

Pumasok na sa loob ng kanilang classroom ang professor na tila maganda ang gising. Pansin niya na hindi ganoon ka intimidating ang dating ng professor na kinakatakutan ng lahat.

"Excuse me idiots." Pero di pa rin nawala ang pagkamatabil ng dila nito.

"I'm very honored to have someone who are very intelligent in this class. For the time may tatapat na sa klase kong puro mga coconut shells ang laman syempre except for Mr. Chase." Wika niya na kinainis ng marami ngunit sanay naman sila sa mapanghusgang ugali nito.

"Let's all welcome, King Art Del Fuego!" Malakas na wika niya. Sumabay sa paghiyaw ang mga pabebeng kaklase ni Erl dahil di nila expected na rito sa klaseng ito tutuloy ang heartrobe ng taon.

Pumasok na nga ang sinasabi King Art o Art sa mga kakilala niya. Sa pustura pala makikita na ang pagiging matipuno ng binata gayun din ang hubog ng mukha nito na tila iniukit ng isang mahusay na iskulptor. Ang mga asul na mata nito ay isang assest na lalong nagpataas ng sex appeal niya sa mga kababaihan o maging sa ibang kalalakihan, so intimidating.

Pero higit na napatulala si Erl sa kaniyang nakita di dahil sa kakisigan ng taong ito kundi dahil maaring siya ang reinkarnasyon ng Hari na kaniyang kaibigang pinagsisilbihan.

"Arthur?!" Malakas na wika ni Erl kung kaya na patingin kaniya ang lahat. Saka niya narealize ang pagkakamaling nagawa. Naaninag rin naman ni Art ang lalaki na sa pakiwari niya ay pamilyar sa kaniyang mata. Sa di malamang dahilan nakadama ng labis na pangungulila si Art ng makita ang lalaki.

"Ano ito? Bakit parang ang sakit ng puso ko?" Iniiwas na lamang ni Art ang kaniya mata sa mukha ni Erl at umupo na sa isang bakante upuan malapit sa pwesto ni Gwen.

--

"Anong nangyari prend? Bakit mo tinawag na Arthur si Art? Magkakilala ba kayo?" Sunod-sunod na tanong ni Gwen habang abala sa paglalaro ng Mobile legends ang bugnuting si Wilson.

"Di ko siya kilala... medyo nananaginip lang yata ako kanina." Pagsisinungaling niya.

"Are you sure? Um... baka naman iba na pala ang TIPO mo?" Nariyan at pinagtaasan niya ng kilay ang kaibigan niyang dating Reyna at katipan ng Hari na kaniyang pinaglilingkuran. Kung alam lang nito ang buong kwento pero maniniwala nga ba si Gwen sa kaniya kung sasabihin nito na siya ang naging asawa ni Art sa nakaraan nilang buhay?

'Legendary!' Malakas na wika ng AI sa nilalarong MOBA ni Wilson na kinaadikan nito. Oo, may pagkatamad at isip bata si Wilson pero kung iisipin ay hindi rin naman naging maganda ang buhay nito nung nakaraan nilang buhay. Maagang namayapa ang mga magulang ni Wilson dahil sa pananakop ng isang bandidong grupong inutusan ng kalabang kaharian upang pabagsakin ang kaharian nila. Sa murang edad ay nakaranas ng sobrang paghihirap si Wilson.

"Alam mo prend itong kaibigan mo kapag di niya tinigalan yang cellphone niya makikipagbreak ako sa kaniyang!" Malakas na wika ni Gwen na kinabalikwas naman ni Wilson. Oo, sa panahong ito silang dalawa ang nakatandhana para sa isa't isa. Matagal ng magkasintahan ang dalawa magmula nung highschool, pero naging opisyal lamang ito nung nasa huling taon na sila ng Senior high nila.

"Sorry na po babe di na mauulit." Paglalambing ni Wilson kay Gwen ngunit bigo siya at lalo lang siyang tinalakan nito.

"Ganyan naman kayong mga lalaki." Malutong na litanya ni Gwen na kung akala mo lahat nga ng kalalakihan ay gaya ng bugnutin niyang boyfriend.

"Sorry na babe di ko na uulitin." Pagsusumamo niya kay Gwen pero di rin naman nakatiis si Gwen at agad na hilikan si Wilson.

--

Di makatulog si Art sa kaniyang kama, sa tuwing naaalala niya ang tagpong iyon sa klase. Patuloy niyang tinatanong ang sarili kung bakit ganoon na lamang ang nararamdaman nito para sa lalaking iyon? Anong nga bang meron sa kaniya at palagi niya itong naiisip? Mga katanungang maging siya ay di niya maunwaan at masasagot... sa ngayon.

ALTERED DOMAINWhere stories live. Discover now