Chapter 20: The Who?

7.3K 177 21
                                    

—Mabs —
   

    “S-Sinong donor ko?” kinakabahan kong tanong at tumingin-tingin sa paligid para hanapin si Vlad.
   
    “Ayaw niyang ipaalam sa ‘yo kung sino siya kaya pasensya na.”
   
    Kumunot ang noo ko sa sinabi ng surgeon. Umiling ako habang isa-isa silang tinitingnan.
   
    Hindi puwedeng hindi ko alam kung sino!
   
    “’Yung kasama ko. Nasaan siya? Nasaan si Vlad?” panibagong tanong ko dahil hindi ko pa rin siya nakikita sa paligid ng E.R. “Vlad! Vlad!”
   
    Mahigpit na hinawakan ng mga nurse ang dalawang kamay ko nang umupo ako at lumingon-lingon.
   
    “Mahiga ka lang po.”
   
    Umiling ulit ako. Bakit hindi ko kasi siya makita? Nasaan na siya?
   
    “Please, relax. That person is really sure on deciding to be your heart donor. The donor’s heart is healthy and compatible for you.”
   
    Parang ayoko pa rin…
   
    Gusto ko pa ring makita si Vlad!
   
    Nakagat ko ang labi ko habang inaalala ang paraan ng pagkausap niya sa ‘kin kanina. Parang siguradong sigurado siyang mabubuhay pa ako.
   
    Please, not him. Not Vlad, please.
   
    “V-Vlad, nasaan ka na?” Hindi na ako nahiya’t sumigaw na ‘ko pero hindi pa rin talaga siya nagpapakita.
   
    Ipinasok na nila ako sa operating room. Napahinga lang ako nang malalim.
   
    Oo, gusto ko pa sanang mabuhay dahil tama si Vlad, deserve kong maging masaya ulit, pero kailangan ko munang malaman kung sinong magsasakripisyo ng buhay niya para iligtas ako sa sakit ko.
   
    “Tuturukan ka na namin ng anesthesia at pampatulog.”
   
    Sinundan ko ng tingin ang galaw ng mga nurse at surgeon.
   
    Pumikit na lang ako kasabay ng pagtulo ng luha ko.
   
    Lord, Ikaw na po ang bahala sa ‘kin at sa surgery na ‘to. Sana po nasa mabuting kalagayan si Vladimir.
   

    “MABS, tara. Isasama na lang kita sa bahay. Doon ka na tumira kaysa naman magtiis ka diyan sa nga walang puso mong kamag-anak.”
   
    “M-Mabs, ano kasi… gusto na kita.”
   
    “Puwede ba kitang ligawan?”
   
    “S-Sinasagot mo na ‘ko? G-God knows how much I feel happy today!”
   
    “Ikaw lang ang babaeng mahal ko, ang dadalhin ko sa altar, at magiging ina ng mga anak ko.”
   
    “Mabegail Ann Cruz, be my wife and the mother of my children. Marry me, Mabs.”
   
    “Mahal na mahal kita, Mabs! I love you!”
   
    “Hindi na ako masaya sa ‘yo. Sawang sawa na ‘ko sa ‘yo, Mabs. Wala na akong ganang pakisamahan ka.”
   
    “Kung ayaw mong dalhin ang anak ko, gagawin ko sa iba.”
   
    “Buntis si Cally.”
   
    “I’m Vladimir, you can call me Vlad.”
   
    “I’m willing to be your shoulder, Mabs.”
   
    “Ako ang gagawa para sa ‘yo.”
   
    “Araw-araw kitang dadalawin dito sa unit para pasayahin, yiee.”
   
    “Ang ganda mo talaga.”
   
    “Ipinagdasal ko na sana huwag ka muna Niyang kunin. Sana mabuhay ka pa nang matagal at mahanap ulit ang happiness mo. Hindi mo deserve mamatay nang ganito.”
   
    “Believe me, hindi mo pa oras ‘to. Hindi puwedeng matapos na lang nang ganito, Mabs. You need to find your happiness again, you have to recover, to move on, and live longer.”
   

    DAHAN-DAHAN kong iminulat ang mga mata ko. Nanliit din agad ito nang nasilaw sa liwanag ng ilaw. Nararamdaman ko ang pagtulo ng luha sa pisngi ko.
   
    Napasinghot ako at sinubukang gumalaw pero ang mga paa ko ay namamanhid. Gano’n din ang mga kamay ko pero naigagalaw ko ito nang kaunti.
   
    Tumingin ako sa paligid at nakita ang iba pang pasyenteng nakahiga sa mga nakahilerang kama.
   
    “Gising ka na pala.” Isang babaeng nurse ang lumapit at may tiningnan sa ‘kin. “Nandito ka sa recovery room. Dalawang oras na ang nakalipas simula nang natapos ang surgery mo. Successful ito.” Ngumiti siya sa akin.
   
    Hindi ko magawang ngumiti pabalik dahil iniisip ko ang boses nina Felix at Vlad na narinig ko kanina bago ako dumilat.
   
    “After two hours ulit ay puwede ka na ilipat sa kuwarto,” sabi nito. “Okay na ang vitals mo. Normal na mamanhid ang katawan mo dahil sa anesthesia. Babalik-balikan kita rito, maiwan muna kita.”
   
    Tumango na lang ako.
   
    Totoo nga, Lord, nakaligtas ako sa sakit ko. Kung sino man ang nag-donate ng puso sa ‘kin, maraming maraming salamat sa kaniya.
   
    Hindi ko talaga inaasahan na may tao pang kayang mag-donate sa ‘kin. Hindi ko ‘to hiniling sa kaniya, wala akong hinihiling. Hindi ko lang maiwasang malungkot dahil kapalit ng pangalawang buhay ko ay ang buhay niya.
   
    Tumingin ulit ako sa paligid. May mga bantay ang iba pang pasyenteng naoperahan na siguradong kamag-anak nila, kaibigan, o kakilala.
   
    Pero wala man lang akong kasamang bantay rito.
   
    Nasaan na kaya si Vlad? ‘yung personal nurse ko?
   
    Tiningnan ko na lang ang entrance nito para abangan ang pagpasok ni Vlad. Sigurado kasi akong gusto niya ‘kong bantayan dito.
   
    Hindi niya ‘ko pababayaan, sigurado talaga ako.
   
    Pinakiramdaman ko rin ang sarili ko habang naghihintay. Saglit akong napangiti nang tipid dahil wala na ang masakit na nararamdaman ko noon. Normal na ang paghinga ko at pagtibok ng puso ko.
   
    Maraming maraming salamat, Lord, sa pangalawang buhay na ‘to.
   
    Lumapit ulit ang isang nurse sa ‘kin nang may dalang papel at ballpen.
   
    “N-Nurse, wala ba ‘kong bantay rito?” tanong ko. “Two hours na ‘kong walang malay rito kanina, ‘di ba? Lumabas lang ba ‘yung kasama kong lalaki?”
   
    “Sino pong lalaki, ma’am?” kunot noong tanong nito.
   
    “S-Si Vladimir.”
   
    Umiling siya. “Wala po, ma’am. Wala pa pong dumadating dito para bantayan ka. Kaya nga po ako lumapit ulit sa ‘yo para sana itanong kung sinong puwedeng pumunta rito para sa ‘yo. Tatawagan po sana natin.”
   
    Nakagat ko nang mariin ang labi ko dahil sa sagot niya. Kinabog na naman ng kaba ang dibdib ko pero pinilit ko pa ring isipin na mali ang iniisip ko.
   
    “Pabanggit na lang ng number ng tinatawag mong Vladimir, ma’am.”
   
    Tumango ako at binanggit nga ang number niya. Tinawagan agad ito ng nurse. Nakatitig lang ako sa kaniya at hinihintay rin na may sumagot sa tawag niya.
   
    Ilang beses niya nang naibaba ang phone niya para mag-dial ulit.
   
    “Ma’am, nagri-ring lang pero walang sumasagot. May iba ka pa po bang puwedeng tawagan?” tanong ulit nito.
   
    Mahina akong tumango at ibinigay ang number ng personal nurse ko. Si Vlad ang nag-hire sa kaniya kaya baka alam niya rin kung nasaan si Vlad.
   
    “Hello, nurse po ba ito ni Mrs. Mabegail Ann Salora?” tanong ng nurse nang sumagot na ito. “Oh, sige po. Naghahanap na po kasi siya ng kasama. Thank you.”
   
    Pagkababa niya ng phone, humarap agad siya sa ‘kin at ngumiti.
   
    “Ma’am, nagka-emergency po pala ang nurse na kasama mong nagsugod sa ‘yo rito kanina kaya nawala siya. Pabalik na raw po siya.”
   
    Tumango ulit ako at mahinang nagpasalamat.
   
    “W-Wait!” pigil ko agad nang akmang aalis na siya. Bumalik siya sa gilid ko. “Puwede ko bang malaman kung sinong naging donor ko?”
   
    Umiling siya. “I’m sorry, ma’am. Mahigpit po kaming sinabihan ni Dra. Mejia na huwag munang sabihin sa ‘yo kung sino dahil pakiusap ito ng donor mo.” Nagsalubong ang kilay ko. “Excuse me po.”
   
    Hindi na ako nakapagsalita nang umalis na siya. Napabuntong-hininga na lang ako at tumitig sa ceiling.
   
    Sino ba kasi talagang donor ko at ayaw pa nilang sabihin sa ‘kin? I mean, bakit ayaw ipaalam ng donor ko kung sino siya?
   
    Naghintay pa ako rito sa recovery room nang ilang minuto bago dumating ang personal nurse ko. Lumapit siya sa ‘kin at tiningnan ang buong katawan ko.
   
    “W-Wow, congratulations, ma’am. Successful ang operation mo!” nakangiting sambit niya pero hindi ko magawang suklian ng ngiti ‘yon.
   
    “S-Si Vlad? Nasaan si Vlad?” tanong ko agad.
   
    “Ah, si Sir Vlad, nag-text po siya kanina na may emergency raw siya. Kaninang kanina pa ‘yon. No’ng inooperahan ka na yata.”
   
    Gusto kong gumalaw pero marami pang masakit at namamanhid sa ‘kin. Wala akong ibang nagawa kun’di manatili sa kinahihigaan ko at tumitig kay Nurse Sollen.
   
    “Wala pa ba siyang update ngayon?” sunod kong tanong na ikinailing niya. “Ang cellphone ko, nasaan?”
   
    “Ah, ito ma’am.” Inilabas niya ‘yon mula sa bag niya. “Check mo po, baka nag-text din sa ‘yo.”
   
    Naigagalaw ko na nang maayos ang kamay ko kaya nahawakan ko rin ito nang maayos.
   
    Napapahingang malalim ako habang tinititigan ang cellphone. Malakas ang kabog ng dibdib ko dahil sa kaba.
   
    Please… sana talaga mali ang iniisip ko.
   
    Hindi puwede, hindi ko kaya, hindi ko matatanggap…
   
    Binuksan ko ang phone at tiningnan ang inbox.
   
    Napalabi ako nang nakitang may message nga si Vlad.
   
    Nanginginig pa ang daliri ko at napapalunok nang pindutin ko ‘yon.
   

From Vladdy:
    Mabs, I’m sure na mababasa mo ito after your surgery. I told you, gagaling ka, malalagpasan mo ito at nagkatotoo nga because God heard us. You may feel bad for the life of the person who sacrificed the heart that you have now but be still grateful for this sacrifice. Wag mong tanawin na utang na loob, just be thankul at enough na ‘yon sa kaniya. Wag ka ring makonsensya kasi kagustuhan niya ito, wala niyang pag-aalinlangang binigay sayo ang puso niya. Mabs, wala ako sa tabi mo paggising mo. May emergency ako, I’m sorry kung kailangan kong unahin itong emergency na to pero sana maintindihan mo.
   
    Mariin kong kinagat ang labi ko habang binabasa ang text niya.
   
    Bakit ganito? Bakit mas lumalakas ang kutob ko? Hindi, please, sana hindi.
   
    Tumulo na talaga ang luha ko dahil ang sama talaga ng iniisip ko. Napasinghot ako na ikinatingin sa ‘kin ni Nurse Sollen.
   
    Vlad…
   
    Ibinack ko at may kasunod pa pala siyang message.
   
    Parehong four hours ago na ang mga ‘to. Umiiyak pa ring binuksan ko ang text na ‘yon.
   
From Vladdy:
    I’ll be back. Wait for me, baby.


————

So ahmm uhh ok?
#VladDiMatagoKaharutan

Wife Series #3: The Breakable WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon