Chapter 14: Dazed

7.4K 185 25
                                    

— Mabs —
   

    “Ma’am, saan po ba tayo? Sa address mo po ba talaga o sa hospital na?” tanong ng driver habang tinitingnan ako sa rearview mirror.
   
    Napalunok ako at kumapit nang mahigpit sa upuan. Kanina pa ‘ko hindi makahinga nang maayos, hindi na bumalik sa normal na pagtibok ang puso ko at sobrang sakit nito.
   
    Umiling ako sa driver. “M-Manong, sa bahay pa rin.”
   
    “Pero, ma’am, kanina ka pa nahihirapan diyan. Kailangan mo na yata magpa-doctor—”
   
    “K-Kaya ko pa po,” agad kong sagot. “Salamat…”
   
    Oo, kailangan ko ng doctor, pero ayoko na. Nawawalan na ‘ko ng pag-asa. Tanggap ko nang hindi naman na ‘ko gagaling.
   
    Ngayon, gusto ko nang mapaaga na lang sana ang pagkamatay ko para makapagpahinga na ‘ko.
   
    Lord, take me now, please. I’m sorry for asking this but please, I’m tired…
   
    Binuksan ng driver ang mga bintana. Nakatulong ‘yon sa paghahabol ko ng hininga. Tumulo na lamang ang luha ko habang nakatanaw sa labas.
   
    Inilagay ko ang kamay ko sa tapat ng aking puso at dinama ang pagtibok nito. Kinagat ko nang mariin ang labi ko at tumingin sa kalangitan.
   

    “Kapag mag-asawa na tayo, gagawa tayo ng isang dosenang anak, ah?” sabi ni Felix na ikinatawa ko.
   
    Hinampas ko siya sa braso. “Grabe, isang dosena? Ginawa mo naman akong baboy.”
   
    Natawa rin siya at pumunta sa likod ko. Niyakap niya ‘ko mula roon.
   
    “Kahit dalawa lang, love. Basta ang pangarap ko para sa ‘tin ay makabuo tayo ng pamilyang masaya, okay?” sambit niya na ikinatango-tango ko. “Mahal na mahal kita, love. Ikaw ang gusto kong makasama sa pagtanda, ikaw ang gusto kong iharap sa altar, ikaw ang gusto kong kasama sa paglaban sa buhay, at ang magiging ina ng mga anak ko.”
   
    Bahagya ko siyang nilingon at nginitian. “Talaga? Hindi ba magbabago ‘yan? Natatakot kasi ako na baka kapag kasal na tayo, magsawa ka sa buhay natin.”
   
    Napaigik ako nang bigla siyang sumiksik sa leeg ko at inamoy-amoy ako ro’n.
   
    “Hindi, baliw! Hindi mawawala ang pagmamahal ko sa ‘yo.”
   

    “N-Napakasinungaling…” paos kong bulong sa hangin.
   
    Nasaan na ang mga pangako niya?
   
    Oo, hindi namin mabuo ang pinapangarap naming masayang pamilya pero sapat na ba ‘yon para kalimutan niya ang pagmamahal niya sa ‘kin? Sapat na bang dahilan ‘yon para mawala ang pagmamahal niya?
   
    Napayuko ako at tinitigan ang kamay kong nakasarado.
   
    Kasalanan ko rin ang lahat.
   
    “Nandito na po tayo.”
   
    Naglabas agad ako ng pambayad at bumaba. Kumapit ako sa taxi para maging suporta sa paglakad ko kaya hindi agad ito nakaalis.
   
    Nanghihina ako… hindi ko yata kayang maglakad mag-isa.
   
    Mabilis akong kumapit sa gate at nanginginig pa ang kamay na nilabas ang susi. Hindi ko masusi ang padlock dahil sa panginginig at sobrang nakaka-frustrate ‘yon!
   
    Napasinghal na lang ako nang malakas at nagawa pang sipain ang gate. Sinubukan kong isusi ulit pero napamura na lang ako nang nahulog ang susi.
   
    Yumukod ako para sana abutin lang ‘yon pero tuluyan akong bumagsak sa lupa at napaupo. Napasigaw ako sa sakit at frustration.
   
    Ayoko na!
   
    “Mabs! Mabs!”
   
    Napatingala ako sa tumawag sa ‘kin. Si Vlad ‘yon na tumatakbo na papunta sa ‘kin.
   
    “What happened?” tanong niya ar tumapat sa ‘kin.
   
    Sumandal lang ako sa gate at hindi sumagot. Ipinikit ko ang mga mata ko at umiling sa kaniya.
   
    Narinig ko ang pagtunog ng susi nang kunin niya ‘yon at buksan ang padlock.
   
    “I’ll carry you,” paalam niya bago ko naramdaman ang kamay niya sa likod at binti ko.
   
    Binuhat niya ulit ako kagaya ng kung paano niya ‘ko binuhat kahapon. Nanatili akong pikit.
   
    “Damn, you look so wasted, Mabs,” he murmured.
   
    Mahina akong tumawa at tumango. Nagmulat ako para tingnan siya. Tanging pag-aalala ang mababasa sa mukha niya.
   
    Unti-unti kong ikinapit ang kamay ko sa batok niya at inilapit ang mukha ko sa mukha niya.
   
    “Pangit ba ako, Vlad?” tanong ko na ikinatingin niya sa ‘kin.
   
    Tinitigan niya ang mukha ko bago umiling. Umiwas agad siya ng tingin para mag-focus sa daan. Nasa loob na kami ng bahay.
   
    Napansin ko ang paggalaw ng adam’s apple niya. Natigilan agad siya sa paglakad nang hawakan ko ‘yon at titigan.
   
    “Kapalit-palit ba t-talaga ako?” sunod kong tanong.
   
    “Mabs, a-ano bang ginagawa mo?” nauutal niyang tanong at itinuloy na ang pag-akyat sa hagdan. “Huwag ka na ngang magsalita, nahihirapan ka na nga.”
   
    Napabuntong-hininga ako at umayos ng higa sa bisig niya. Pumikit ulit ako.
   
    “Buti ka pa may pakialam sa ‘kin…” bulong ko. “Ang asawa ko, ayun, nagpapaputok nang nagpapaputok.”
   
    Hindi na ako pinansin ni Vlad kaya napasimangot na lang ako. Mayamaya pa’y naramdaman ko na ang paglapag niya sa ‘kin sa kama. Tinanggal niya ang sapatos ko at inayos ako ng higa.
   
    Pinainom niya ulit ako ng gamot ko. Pagkatapos niyon ay hinayaan ko ang sarili kong makatulog.
   
    Pagkasiging ko’y medyo maayos na ang pakiramdam ko, pero gano’n pa rin ang hirap ko sa paghinga at sakit sa puso ko.
   
    Wala rito si Vlad sa kuwarto.
   
    Umupo ako at kinuha ang wedding picture namin ni Felix. Pareho pa kaming nakangiti rito.
   
    Tama nga ang sinasabi ng ibang tao, sa umpisa lang masaya. Madaling magsawa ang lalaki. Kapag mag-asawa na kayo, doon mo na talaga masusukat kung gaano ka kamahal ng asawa mo. Doon mo makikitang may pagbabago. Hindi mo talaga masasabi kung gaano katibay ang pagmamahal niya sa ‘yo.
   
    Dapat talaga ay sinisigurado ang kasal, pero siguradong sigurado naman kami sa isa’t isa noon, ah? Bakit nagkaganito?
   
    Ako na lang ‘yung sigurado. Siya, hindi na.
   
    Tumulo ang luha ko sa frame ng picture namin. Pagkakita ko sa luha ko, agad kong binato ang frame at tumama ‘yon sa pader, naglikha ng ingay ng pagkabasag.
   
    Pinahid ko ang mga luha ko at masamang tumingin sa basag na picture frame.
   
    Pagod na pagod na ‘kong umiyak. Kailan ba titigil ‘to?
   
    “M-Mabs, ano ‘yon?”
   
    Napakurap ako nang pumasok si Vlad, tumingin sa nabasag at nangunot noo. Sinalubong ko ang pagtingin niya sa ‘kin.
   
    “W-Wait, I’ll clean it.”
   
    Agad din siyang lumabas. Bumaba na lamang ako mula sa kama at lumapit sa nabasag. Nagkalat na ang basag na salamin kaya ang frame na lang na may picture namin ang nakuha ko.
   
    Nilabas ko ang picture mula sa frame.
   
    My lips pressed in a hard line as I torn the picture. Pinunit ko nang pinunit hanggang sa naging kapiraso na lang ang mga ito.
   
    Sirang sira na talaga ang relasyon namin. Kung g kapunit na punit ang litratong ‘to, gano’n din ang puso ko. Kailangan ko nang tanggapin ang lahat.
   
    “Mabs…”
   
    Napaatras ako nang dumating na si Vlad. May dala siyang walis at dustpan. Hinila niya ako palayo sa bubog.
   
    Natulala naman siya saglit nang nakita niya ang pinunit ko pero wala siyang sinabi. Winalis niya lang ang kalat at pagkatapos ay lumabas ulit.
   
    Sumunod na ako sa kaniya sa paglabas. Itinapon niya sa labas ng bahay.
   
    “What happened? Pinuntahan mo ba ang asawa mo kanina?” tanong niya no’ng nasa salas na kami. Tumango ako. “Sinabi mo na bang may sakit ka?”
   
    Umupo ako at umiling. Umupo rin siya sa tabi ko at bumuntong-hininga.
   
    “Bakit hindi mo pa rin nasasabi? Kailangan mo siya, kailangan niyang alagaan ka—”
   
    “Pero hindi na ako ang kailangan niya,” pagputol ko sa sinasabi niya. Nakangiti ko siyang nilingon. “Wala na ako sa puso niya kaya sigurado ako na kahit malaman niyang may sakit ako, wala na siyang pakialam pa. Kung aalagaan niya nga ako, sigurado rin akong dahil lang ‘yon sa awa, hindi dahil sa pagmamahal.”
   
    “Pero, Mabs…”
   
    “Pagmamahal ang kailangan ko, hindi awa.”
   
    Pagmamahal na pinagkakait pa sa ‘kin ng taong mahal na mahal ko. Pero siguro nga, hindi ko talaga puwedeng sisihin ang puso niya kung ba’t ako kinalimutan nito. Hindi ko nga talaga siya puwedeng diktahan na mahalin niya ulit ako.
   
    “May babae siya,” panimulang kuwento ko na ikinakunot ng noo niya. “At buntis ang babae niya.”
   
    He gasped.
   
    “Nararamdaman mo ba kung gaano na ako kadurog ngayon?”  natatawang tanong ko.
   
    Dahan-dahan siyang tumango at yumuko. Napalabi ako at tumingin sa malayo. Pinigilan ko ang nagbabadyang luha sa pamamagitan ng pagtingala at pagpapaypay ng kamay.
   
    Hindi lang dapat ako ang naghihirap dito. Hindi lang dapat ako ang umiiyak!
   
    Bakit ako lang ang nahihirapan at nasasaktan? Sila rin dapat. Mas deserve nila ‘tong sandamukal na sakit dahil sila ang mga manloloko.
   
    Napayuko ako para tingnan ang dibdib ko. Unti-unti kong itinapat muli ang kamay ko sa puso at pinakiramdaman ito.
   
    “Mabs, bakit? Sumasakit na naman ba?” tanong agad ni Vlad at hinawakan ako sa braso.
   
    Umiling ako at suminghot.
   
    “Sana…” Nilingon ko siya. “Sana wala na lang akong sakit. Sana wala na lang taning ang buhay ko para makapaghiganti ako sa kanila!” palakas nang palakas na sabi ko.
   
    Umiling siya nang paulit-ulit at bigla akong niyakap. Isinubsob ko na lamang ang mukha ko sa dibdib niya at doon umiyak nang umiyak.
   
    “M-Mabs, hindi tamang maghiganti,” mahinang sabi niya na ikinailing ko.
   
    “Tama lang na paghigantihan ang mga taong katulad nila, Vlad!”
   
    Humihigpit na ang yakap niya habang hinahagod ang likod ko.
   
    “Hindi, h’wag kang ganiyan. Alam natin pareho na palalalain lang ng paghihiganti ang nangyayari,” sambit niya na ikinailing ko naman.
   
    Sinubukan kong umalis sa pagkakayakap niya pero hindi niya ako pinapakawalan.
   
    “Hayaan mong dumating ang karma nila kaysa ikaw pa ang makapanakit at magkaroon ng kasalanan.”
   
    Napahinga ako nang malalim at kumapit sa braso niyang nakayakap sa ‘kin. Ibinaling ko ang mukha ko ro’n at doon naman umiyak.
   
    Saglit na namayani ang katahimikan habang nag-iisip ako. Naging komportable na rin ako sa yakap niya at hindi na ulit sinubukang umalis.
   
    “Pero gusto ko silang patikimin ng paghihirap at sakit, Vlad,” desidido talagang sabi ko. “Kaso hindi na kaya ng katawan ko. Hindi ko alam kung paano, basta ayun ang gusto kong mangyari.”
   
    Hindi puwedeng ako lang ang nagdurusa. Hindi puwedeng gano’n na lang ang lahat, hindi sila puwedeng maging masaya na lang habang ako ay binabalot ng sakit.
   
    Itinulak ako nang marahan ni Vlad pakalas sa yakap niya. Nagtitigan kami. Dahan-dahan siyang tumango sa akin.
   
    “Kung gano’n, ako ang gagawa. Ako ang gagawa para sa ‘yo,” aniya.
   
    Napakurap ako at kinunotan siya ng noo kinalaunan. “A-Anong ibig mong sabihin?”
   
    Ngumiti lang siya nang maliit at kinapa ang buhok ko. Tinanggal niya ang pagkakatali nito na ikinatigil ko.
   
    “Aayusin ko, magulo kasi,” sabi niya nang hindi man lang sinasagot ang tanong ko.
   
    Siya na mismo ang nag-ikot sa katawan ko patalikod sa kaniya.
   
    Sinimulan niya ‘kong talian. Nawalan talaga ako ng imik dahil sa ginagawa niya.
   
    Pakiramdam ko tuloy ay hindi lang kaibigan ang tingin niya sa ‘kin. Hindi sa pagiging assumera pero kasi kapag babae ka, mararamdaman mo ‘yon… lalo na kung obvious.
   
    “V-Vlad…” mahinang tawag ko.
   
    “Hmm?” Inaayos pa rin niya ang pagtatali sa buhok ko.
   
    “Anong ibig sabihin mo kanina? Anong ikaw na gagawa? Ano’ng gagawin mo?” pag-uulit ko sa tanong ko kanina.
   
    Hindi siya sumagot hanggang sa natapos na ang pagtatali niya. Pinaayos niya na ulit ako ng upo.
   
    Nagtatanong ko siyang tiningnan. Hindi niya masagot ang tanong ko, e.
   
    “Malalaman mo rin, Mabs.”
   
    Matagal ko siyang tinitigan. Umiwas naman siya ng tingin. Umiwas din ako at sumandal. Kitang kita ko tuloy ang mabilis na pagtaas at pagbaba ng dibdib ko.
   
    “How to unloved my husband?” tanong ko na ikinalingon niya sa ‘kin. “How to escape from my stupidity? How to forget him? Vlad, sabihin mo nga sa ‘kin.”
   
    Tumingin ako sa kanan ko kung saan nandoon ang pinto habang naghihintay ng sagot.
   
    Sana mamatay na lang akong wala nang natitirang pagmamahal sa kaniya. Sana maging katulad na lang ng puso ni Felix ang puso ko, mabilis makalimot ng pagmamahal.
   
    Napakurap ako nang may narinig akong nagbubukas ng gate.
   
    Pero agad na nawala ro’n ang atensyon ko nang biglang humawak sa bewang ko si Vlad habang nakasandal pa rin ako.
   
    Nanlaki ang mata ko nang lumapit ang katawan at mukha niya. As in sobrang lapit!
   
    Pareho lang kaming nakaupo pero nakapailalim na ‘ko sa kaniya dahil sa pagkakasandal ko.
   
    “A-Anong—”
   
    “I’ll teach you, Mabs,” seryosong sabi niya habang nakatitig sa labi ko.
   
    Napalunok ako at napahawak sa balikat niya. Natulala ako sa nangyayari kaya huli na nang na-realize kong lumapit na siya nang tuluyan.
   
    Napapikit ako nang dumampi ang labi niya sa kaliwang gilid ng labi ko kung saan ang sino mang papasok sa pintong nasa kanan ko ay aakalaing naghahalikan kami.
   
    Bumilis ang tibok ng puso ko dahil akala ko’y hahalikan niya talaga ako sa labi.
   
    “He’s here,” bulong niya matapos ng halik niya.
   
    “Mabs!”
   
    Napadilat ako at tumingin sa pinto. Naitulak ko agad si Vlad nang bumungad si Felix sa harapan namin.
   
    Napakasama ng tingin niya at nakakuyom pa ang mga kamay. Akmang lalapitan niya si Vlad pero agad akong humarang.
   
    “Felix, anong ginagawa mo rito?” tanging tanong ko na ikinamaang niya.
   
    Bakit pa siya umuwi? ‘Tang inang ‘to.
   
    Salitan niya kaming tiningnan ni Vlad.
   
    “Akala ko ba mahal na mahal mo ‘ko?” mariing tanong niya. “Pero bakit nanlalalaki ka, ha?”
   
    Napatili ako nang hilahin niya ‘ko sa kamay patayo. Naramdaman ko pa ang pagtayo at paghawak ni Vlad sa kamay ko para hindi ako tuluyang mahila ni Felix pero wala nang nagawa si Vlad nang itulak siya nang malakas ng asawa ko.
   
    Ako rin ay medyo tumalsik pa dahil sa ginawa niyang paghila. Nanlaki na lang ang mga mata ko nang daganan ni Felix si Vlad sa couch at sinuntok.
   
    Napasigaw na ako nang hindi nagpatalo si Vlad at itinulak niya rin palayo si Felix. Gumanti siya ng suntok habang masama rin ang tingin.
   
    “Gago ka, cheater!” sigaw ni Vlad at umamba ulit ng suntok.
   
    “At nagt-take advantage ka naman?” ganti ni Felix at sinalo ang kamao ni Vlad.
   
    Shit, hindi ko alam ang gagawin ko!
   
    “Vlad, Felix, tama na ‘yan!” Humarang ako sa gitna nila at tinulak si Felix palayo. May pasa na agad siya sa gilid ng labi at nagdudugo pa.
   
    Humawak naman si Vlad sa braso ko at bumaba ro’n ang tingin ni Felix.
   
    Natawa siya at pinunasan ang dugo sa labi niya.
   
    “Dramang drama ka pa no’ng nagdala ako ng babae, gano’n ka lang din naman pala,” natatawang sabi niya na ikinakunot ng noo ko.
   
    Ano?!
   
    Huwag niya ‘kong igaya sa paraan ng panloloko niya!
   
    “Malandi ka rin, Mabs!”
   
    Humigpit ang hawak ni Vlad sa braso ko. Naramdaman niya yata ang tension ng pagkasarado ng palad ko.
   
    Ang sakit talaga masabihan ng malandi, lalo na kung galing sa asawa.
   
    “Malandi?” ulit ko. Sinamaan niya lang kami ng tingin. “Sige, malandi pala ha.”
   
    Mabilis akong umikot paharap kay Vlad. Isinabit ko ang dalawang kamay ko sa batok niya. Napaatras siya sa ginawa ko pero hindi ko na hinintay pa ang susunod niyang gagawin, hinalikan ko agad siya sa labi.
   
    Napahawak siya sa dalawang braso ko at itinutulak ako palayo pero hinawakan ko ang batok niya para idiin ang halik.
   
    Tiningnan ko si Felix. Nakanganga na lang siya habang pinapakita ko sa kaniya ang paggalaw ng labi ko sa labi ni Vlad.
   
    “Damn you!” sigaw niya at nanlisik ang mga mata.
   
    Mas naalerto pa yata si Vlad kaysa sa ‘kin dahil inikot niya ako at humiwalay sa labi ko.
   
    Sinalubong niya ng suntok si Felix na akmang hihilahin pala ako.
   
    Pinunasan ko ang labi ko bago pumagitna ulit sa kanila.
   
    “Oh, bakit ka nagagalit?” udyok ko na ikinasama ng tingin niya sa ‘kin. Mabilis na rin ang paghinga niya at namumula na ang mukha. “Wala ka namang pakialam kahit mag-sex nga kami, ‘di ba, sabi mo? Gano’n ka kagago, e.”
   
    Mas lumapit siya. Ilang pulgada na lang ang layo namin sa isa’t isa.
   
    “At gusto mo ngang gawin?” mariing tanong niya.
   
    Umiling ako. “Hindi. Hindi kasi ako katulad mo.” Itinulak ko ang balikat niya. “Noong nagdala ka ng babae rito at gumawa ng kababuyan dito mismo sa pamamahay natin, wala kang narinig mula sa ‘kin! Pero ‘yung halik na hindi ko naman inaasahang gagawin niya, tinuring mo agad akong malandi! Gusto mong panindigan ko na lang?”
   
    Ang kapal ng mukha niya. Walang kasing kapal ang balat ng pagmumukha niya.
   
    Akala mo talaga ay napakalinis niya.
   
    Suminghap siya at tumingin muli kay Vlad na nasa likod ko. Umigting ang panga niya at mayamaya’y pagak na natawa.
   
    Tumango-tango siya sa amin habang unti-unting umaatras.
   
    Huli niya ‘kong tiningnan. “Magsama pa kayong dalawa.”
   
    Bumagsak na ang balikat ko nang talikuran niya kami at naglakad palabas.
   
    Inalalayan agad ako ni Vlad pabalik sa couch.
   
    Napahilamos ako sa mukha ko dahil sa nangyari. Kinurot ko ang sarili kong balat sa kamay nang naalala ko ang paghalik ko kay Vlad.
   
    Hindi ko dapat ginawa ‘yon!
   
    “Sorry—”
   
    Nagkasabay kami sa pagso-sorry at nagkatitigan.
   
    I sighed. “I’m sorry kung ginamit pa kita kanina. Hindi ko dapat ginawa ‘yon. Nadala lang ako,” tuloy-tuloy kong sabi na ikinailing naman niya.
   
    “Sorry din sa ginawa ko. Gusto ko lang makita kung wala na ba talagang pake sa ‘yo ang asawa mo.” Tumayo siya at tumingin sa pintong nilabasan ni Felix.
   
    Tinitigan ko lang siya.
   
    Ang ibig niya ba’ng sabihin ay inabangan niya lang ang magiging reaction ni Felix kanina nang gawin niya ‘yon?
   
    “Now, napaisip tuloy ako kung hindi ka na nga ba talaga niya mahal.”
   
    Umismid ako sa sinabi niya at umiling. Tumingin din ako sa pinto.
   
    Hindi na ako mahal niyon at magkakapamilya na siya sa iba. Tanggap ko na ‘yon at dadalhin ko hanggang sa hukay ang lahat ng ito.

Wife Series #3: The Breakable WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon