Chapter 2: Plead

8.2K 192 7
                                    

— Mabs —

   

    Sa pagmulat ng mga mata ko, liwanag mula sa bintana ang tumama sa ‘king mukha. Napapikit ulit ako at humarap sa kabila dahil nakakasilaw.
   
    “Gising ka na pala.”
   
    Mabilis akong napadilat ulit at umupo. Napakurap-kurap ako matapos makita ang isang lalaki. Nakatayo siya sa tapat ng isang bookshelf dito sa kuwarto at may hinahanap.
   
    Tiningnan ko ang damit ko at nakahinga naman ako nang maluwag dahil iyon pa rin ang suot ko.
   
    “S-Sino ka?” tanong ko habang naglilibot ng tingin.
   
    Maaliwalas ang kulay ng kuwarto, brown and white. May dalawang bintana sa magkabilang gilid, may malaking T.V sa harap, maayos ang mga gamit sa study table, at may dalawang magkatabing bookshelves.
   
    “Ang bilis mo naman yata makalimot,” natatawang sabi ng lalaki na kumuha ulit sa atensyon ko.
   
    Tinitigan ko siyang mabuti. Ang braso niyang malaki ang una kong napansin.
   
    “I-Ikaw ‘yung lalaking tumulong sa ‘kin,” sambit ko na ikinangiti niya at tumango-tango.
   
    May kinuha siyang isang libro at naglakad palapit sa akin. Napansin kong basa pa ang buhok niya, mukhang bagong ligo. Nakasando ulit siya at simpleng shorts.
   
    I have this feeling na mayaman siya dahil naka-air-con din ang kuwartong ‘to. Hindi ko lang kasi naisip na mayaman siya dahil naka-bike lang siya niyon tapos ‘yung way ng pagsasalita niya pa ay hindi halatang mayaman.
   
    Okay, judgemental talaga ako.
   
    “Nawalan ka ng malay kaya dinala kita rito sa bahay namin,” sabi niya na ikinatango-tango ko lang. “So, how are you? Ano’ng nararamdaman mo ngayon?”
   
    Pinakiramdaman ko ang sarili ko. Umiling ako dahil wala naman na akong kakaibang nararamdaman.
   
    Tumango siya. “Nagpahanda ako ng soup at breakfast sa maid namin. Dito ka na kumain bago ka umuwi.” Ngumiti siya at naglabasan ang pantay at mapuputi niyang ngipin.
   
    Ngumiti ako pabalik. “Salamat.”
   
    Umupo siya sa harap ng study table at binuklat ang librong kinuha niya. Kumuha pa siya ng eyeglasses at sinuot iyon. Napatitig ako sa libro dahil Harrison’s Internal Medicine book pala iyon.
   
    “I’m Vladimir, you can call me Vlad,” pakilala niya.
   
    “Mabegail. Mabs na lang,” sagot ko na ikinatango-tango niya. “‘Yung bike mo pala, nakita kong nasira. Papalitan ko na lang—”
   
    “Huwag na, baliw!” natatawa niyang sabi at lumingon sa ‘kin. Ngumisi siya. “It’s okay.”
   
    Huminga ako nang malalim at tumango. “Salamat pala sa pagtulong.”
   
    Hindi siya sumagot at nagbasa na lang ulit. Kumilos ako para bumaba mula sa kama. Hinanap ko ang phone ko pero hindi ko makita rito sa kama.
   
    “Vlad, nakita mo ba ang phone ko?”
   
    “Ah, yeah.” Binuksan niya ang drawer sa study table. Inilabas niya ang phone ko. “Tatawag sana ako ng kamag-anak mo kaso may screenlock.”
   
    “Thanks.”
   
    In-open ko agad ang phone. Nanlaki na lang ang mga mata ko dahil mayroon akong nine missed calls from Felix.
   
    Nang na-realize kong pinabayaan niya nga lang pala ako, natawa ako nang mahina. Binasa ko ang ibang text niya.
   
    Where tf are u? Umaga na Mabs! Baka gus2 mong umuwi?
   
    Hinahanap niya na pala ako.
   
    Agad akong tumayo na ikinalingon sa ‘kin ni Vlad. “Uuwi na ako, hinahanap na kasi ako ng asawa ko. Salamat sa pagpapahanda ng breakfast pero hindi na ako kakain dito.”
   
    Napatitig siya sa ‘kin. Tumayo siya at dahan-dahang tumango. “It’s fine, hahatid na kita palabas.”
   
    Nauna na siyang maglakad kaya sumunod rin agad ako. Habang naglalakad ay inaayos ko ang buhok ko dahil magulo pala.
   
    Ang laki ng bahay nila Vlad. Ayan lang ang masasabi ko pagkababa namin. Ang taas ng bahay tapos nagkalat pa ang mga maid, ang dami nila.
   
    Mansion ba ‘to? Ang lawak kasi, e.
   
    Pati ang harap ng bahay ay sobrang lawak, may malaking puno pa nga at napapaligiran ng halaman ang paligid. Napanganga pa ako matapos makita ang anim na kotseng naka-park dito.
   
    “Tig-tatlo kami ni dad diyan,” sabi niya nang napansing nakatingin ako ro’n.
   
    Akala ko talaga mahirap lang siya dahil bike lang ang gamit niya kagabi!
   
    Nakalabas na kami ng gate. Humarap ako sa kaniya para magpaalam ulit.
   
    “Thank you ulit.” Ngumiti ako nang tipid at tinalikuran na siya.
   
    Mabuti na lang at mayroon pa ring taong katulad niya. Kung wala siguro siya kagabi, baka pinagpyestahan na ako ng tatlong lalaki.
   
    “My father is a doctor.”
   
    Hindi pa man din ako nakakaapat na hakbang, pinatigil na ako ni Vlad sa sinabi niya. Dahan-dahan akong humarap ulit sa kaniya.
   
    Seryoso ang mukha niya habang nakasandal sa gilid ng gate at nakapamulsa sa shorts niya.
   
    “W-Wow, nice,” tila tangang sabi ko na lang.
   
    Natawa siya nang mahina at nagsimulang maglakad palapit. “Yeah, nice talaga na doctor si daddy pero hindi nice ang nakita niya sa ‘yo,” pagseseryoso niya na naman.
   
    Napalunok ako at umiwas ng tingin.
   
    “Mabs—”
   
    “I’m fine,” agad na sabi ko na ikinakunot ng noo niya.
   
    “No, you’re not,” mahinahong sagot niya.
   
    “Vlad, thank you for helping me.”
   
    Hindi na siya nakapagsalita nang talikuran ko ulit siya. Malalaki ang hakbang na ginawa ko para makaalis agad.
   
    Dinama ko ang puso kong mabilis ang tibok habang nasa taxi na ako. Pinagsusuntok ko ulit ‘to nang mahihina lamang.
   
    Pagkauwi, nag-ingay ang gate namin pagkabukas ko nito. Bukas din ang pinto ng bahay kaya dere-deretso akong pumasok.
   
    Dumiretso ako sa kitchen dahil hindi ko nakita si Felix sa sala. Natigilan ako nang naabutan ko siyang nag-iinom habang nakatayo sa gilid ng lamesa.
   
    “Love!” Lumapit agad ako at niyakap siya mula sa likod. “H-Happy New Year. Buti umuwi ka na. O-Okay lang kahit hindi kita kasama sa Media Noche, ang mahalaga ay nandito ka na.”
   
    Ngumiti ako nang malapad habang ibinabaon ang mukha ko sa likod niya, ang bango kasi.
   
    Napaatras ako nang hawakan niya ang dalawang kamay ko at marahas na tinanggal sa pagkakayakap.
   
    “Saan ka galing?” mariing tanong niya pagkaharap sa ‘kin.
   
    Ang pula ng mukha niya, lasing na siya at nagawa pang tunggain ang bote ng alak sa harap ko.
   
    “S-Sinabihan kita kagabi na may tatlong lalaking hinahabol ako,” mahinang sagot ko na ikinakunot ng noo niya. “P-Pero okay lang, naiintindihan ko kung bakit hindi ka naniwala. Tsaka may tumulong naman sa akin at nahimatay ako kaya—”
   
    “Really?”
   
    “Felix!” naitili ko ang pangalan niya nang bigla niyang sunggaban ng marahas na hawak ang panga ko.
   
    Napahawak ako sa kamay niya habang nanlilisik naman ang mga mata niya.
   
    Ano ba’ng nangyayari sa kaniya?
   
    “Ang hilig mong gumawa ng kuwento!” sigaw niya sa mukha ko.
   
    Agad akong umiling nang maraming beses at nagsisimula na namang mamuo ang mga luha ko.
   
    Sinasaktan na niya ako ngayon na kahit kailan ay hindi niya nagawa sa akin noon.
   
    “T-Totoo ang sinasabi ko—”
   
    “Ang sabihin mo, nanlalaki ka.” Tinaliman niya ako ng tingin. “Hindi ko talaga alam kung bakit nagmamakaawa ka pang huwag kitang iwan, e may lalaki ka rin naman!”
   
    Nahugot ko ang hininga ko at naramdamang muli ang pamilyar na sakit sa dibdib ko. Pinilit kong umiling kahit hawak niya nang mahigpit ang panga ko.
   
    “A-Ano ba’ng sinasabi mo?” nahihirapan kong tanong. “A-Aw!” daing ko nang higpitan niya ang hawak, parang gusto niya nang durugin ang panga ko.
   
    “Mabs, I want a fucking annulment! I want you to set me free!” he exclaimed as he pushed me hard.
   
    Napaupo ako sa pagtulak niya. Hindi ko ininda ang sakit ng panga ko, sa halip ay hinawakan ko lang nang mahigpit ang damit ko sa chest.
   
    A-Ang sakit.
   
    “B-Bakit, love?”
   
    Sunod-sunod na nagtakbuhan ang mga luha ko sa pisngi. Gano’n ko siya tiningala.
   
    Suminghap siya nang malakas at nag-squat sa harap ko.
   
    “Ilang beses ko bang sasabihin na hindi na kita mahal? Ayoko nang makasama ka pa!”
   
    Dinudurog niya ako nang todong todo . . .
   
    “A-Anong dahilan?” pilit kong tanong.
   
    Sinalubong ko ang matatalas niyang mga mata kahit na sobrang sakit makitang wala na ngang pagmamahal sa mga tingin niya sa ‘kin.
   
    Bakit sa isang iglap lang ay wala na pala siyang pagmamahal para sa ‘kin?
   
    “Hindi na ako masaya sa ‘yo. Sawang sawa na ‘ko sa ‘yo, Mabs. Wala na akong ganang pakisamahan ka,” mariing sambit niya sa bawat salitang kaniyang binitiwan.
   
    Nakagat ko ang labi ko para pigilan ang paghagulgol.
   
    Lasing siya at doon ako mas nasasaktan. Kasi kapag lasing ka, nagsasabi ka nang totoo, nailalabas mo ang totoong nararamdaman mo.
   
    “B-Bakit, love? B-Bakit hindi ka na m-masaya? Bakit n-nagsawa ka? L-Laruan ba ako?” nahihirapan kong tanong at hinampas nang mahina ang dibdib ko.
   
    Hindi siya sumagot. Napasinghot ako at dahan-dahan siyang hinawakan sa braso.
   
    “K-Kahit kailan, hindi pumasok sa isip ko na magsawa sa ‘yo, hindi ko naramdaman ‘yan.” Pilit akong natawa at yumuko. “N-Nangako ka na mamahalin mo ako hanggang dulo.”
   
    Napaigik ako nang hawakan niya nang mahigpit ang kamay kong nasa braso niya.
   
    “Pero hindi na nga kita mahal—”
   
    “Bakit nga?!” Hindi ko na napigilan at napasigaw na rin ako. “Bakit? Sabihin mo sa ‘kin kung paano nawala!” Naitikom niya ang bibig niya. “M-May iba ka na ba? Nakahanap ka ba agad ng ibang babae? Gano’n ka ba magsawa?”
   
    Napaiwas siya ng tingin at biglang tumayo.
   
    Nanginig ang labi ko at walang tigil sa pagluhang tumingala sa kaniya.
   
    Sa pag-iwas niya pa lang ng tingin, parang nasagot niya na rin ang tanong ko.
   
    Nambababae ba siya noong mga araw na hindi siya umuuwi?
   
    Napasinghap ako nang nagsimula siyang humakbang palayo. Habol-habol ang hiningang sinubukan ko siyang habulin. Napadapa na ako at wala nang nagawa kun’di gumapang.
   
    Mabilis kong nahawakan ang binti niya’t niyakap nang mahigpit.
   
    “D-Don’t leave me, please. Kailangan kita, kailangang k-kailangan kita, love. Mag-stay ka sa ‘kin kahit pilit lang, ayos lang sa ‘kin. K-Kahit awa na lang, love,” humahagulgol kong pakiusap.
   
    Yumuko siya para tingnan ako. Tinitigan ko rin siya nang umaasang hindi niya ako iiwan.
   
    “S-Sana alalahanin mo na minahal mo rin a-ako at may p-pinagsamahan tayo kaya huwag mo naman akong t-tratuhin na parang l-laruan na puwede mo na lang pagsawaan at itapon basta-basta.”
   
    Dahan-dahang lumuwag ang kapit ko sa kaniya dahil sa panghihina. Ngumiwi ako sa sobrang kirot na nararamdaman ko. Nanlalabo na ang paningin ko at naramdaman kong anumang oras ay maaari akong mawalan ng malay ulit.
   
    Nilabanan ko ang hirap na dinaranas ko’t yumakap ulit sa binti niya.
   
    “Please, love, parang awa mo na. K-Kung hindi mo na talaga ako mahal, t-tatanggapin ko basta s-samahan mo lang ako hanggang dulo . . .”
   
    Hanggang sa ‘king huling sandali.
   
    “Hanggang dulo? Ginagago mo ba ako?” asik niya.
   
    Tumango-tango ako. “L-Love, palalayain kita, huwag kang mag-alala. Hiling ko lang na bigyan mo pa ako ng panahon na makasama ka. A-Alam mong hindi madali para sa ‘kin ang gusto mo.”
   
    Pero para sa ‘yo ay parang napakadali lang ng lahat— madaling iwan ako, madaling palitan, at saktan nang ganito na para bang nakalimutan mong minsan mo rin akong minahal nang sobra.
   
    “Fine, umalis ka na diyan. Baka masipa pa kita.”

Wife Series #3: The Breakable WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon