Chapter 16: Close

8.7K 188 25
                                    

— Felix —

   
    “Mr. Salora, you’re fired.”
   
    My eyebrows furrowed when I heard it from my boss. Nagtataka ko siyang tiningnan.
   
    “Pinatawag mo ako rito, sir, para sisantihin?” Tumango siya. “Seriously? What have I done?”
   
    Busy ako sa pagtatrabaho kanina sa opisina bago siya tumawag tapos ito ang sasabihin niya? I can’t believe this. Sa pagkakaalam ko, wala akong ginagawang mali rito.
   
    “Alam mo bang umatras sa deal ang pinakamahalaga nating client?”
   
    I blinked as my mouth parted.
   
    “What?”
   
    “And it’s your fault, Mr. Salora! Iniwan mo siya kahapon sa usapan n’yo.”
   
    Napasinghal ako at pumikit. I heaved a sigh while shaking my head.
   
    “Nagpaalam ako nang maayos sa kaniya, sir. I told him that I have an emergency!” I exclaimed.
   
    Tumawag kasi si Cally kahapon at sinabing nasa hospital siya. Dinugo siya pero buti na lang ay walang nangyaring masama sa pinagbubuntis niya.
   
    “Whatever your reason is.” Inilingan niya ako. “Tumawag ka sana rito sa company para may mag-substitute sa ‘yo. Now, you’re fired.”
   
    I’m already working here for almost two years! Dahil lang doon ay tinatanggal niya na ‘ko?
   
    “Hindi lang ‘yon, nakatanggap pa ako ng report na nagdadala ka ng babae sa opisina mo at doon kayo gagawa ng milagro.” Napatayo na siya at tinaliman ako ng tingin.
   
    Fuck it.
   
    Umiwas ako ng tingin at huminga nang malalim. Sino kayang hayop ang nag-report nito?
   
    “May asawa ka na, right? I won’t tolerate this kind of stuff, Mr. Salora. Leave my company right now.”
   
    Nagtagis ang bagang ko habang nakikipagtitigan sa kaniya. Hindi na ako umapela at tinalikuran na lang siya. Paulit-ulit akong nagmura sa isipan ko habang bumabalik sa office.
   
    Inis kong iniligpit ang mga gamit ko. Habang nag-aayos, pumasok si Diego.
   
    “Pre—”
   
    “Ikaw ba ang nag-report kay Sir Andueles na dinadala ko si Cally rito?” agad kong tanong.
   
    Kumunot ang noo niya at umatras habang nakataas ang dalawang kamay. “Hindi, ‘no. Bakit? Ano’ng nangyari?”
   
    Hindi ko siya sinagot at tinapos na ang pagliligpit. Kinuha ko ang coat ko at isinabit sa balikat. Lumapit naman si Diego nang kunin ko ang bag ko.
   
    “T-Teka, aalis ka na?”
   
    “Tinanggal na ‘ko sa trabaho at huwag ka nang magtanong pa.”
   
    I instantly walked out. Hindi ko pinansin ang mga katrabaho kong nagtatanong sa ‘kin. Dere-deretso akong lumabas ng department hanggang sa makarating ako sa parking lot.
   
    Malakas kong sinarado ang pinto at hinampas ang manibela.
   
    Damn this life.
   
    Tinawagan ko na lang si Cally habang nasa byahe ako. Sinagot naman niya agad ito.
   
    “Where are you?” I asked.
   
    “At house, babe.”
   
    Tumango ako at iniliko ang sasakyan. “I’m on the way to your house.”
   
    “Sige, hihintayin kita. May bad news ako.”
   
    Tumaas ang kilay ko. “Same. Let’s talk about it later.”
   
    “Okay, ingat sa byahe.”
   
    Hindi na ako sumagot pa at binabaan na siya. Binilisan ko ang pagbyahe para makarating na agad sa bahay niya.
   
    I parked my car outside of her house. Iniwan ko ang mga gamit ko sa sasakyan at pumasok na sa loob.
   
    Naabutan ko siyang nakaupo sa sofa. Napatayo agad siya nang nakita ako. Sinalubong niya ako ng isang halik. Saglit ko siyang niyakap.
   
    “What’s the bad news?” tanong ko. Sabay kaming umupo.
   
    “Natanggal kasi ako sa trabaho e,” sagot niya na ikinakunot ng noo ko.
   
    What the fuck? Pati siya?
   
    “Why?”
   
    Yumuko siya at umiling. “Ang pangit na raw ng performance ko.”
   
    Ngumiwi ako at sumandal. Pumikit na lang ako sa sobrang inis.
   
    “Ikaw, ano namang bad news mo?” tanong niya rin.
   
    “Natanggal din ako.”
   
    Pareho kaming natahimik. Mayamaya’y naramdaman ko ang kamay niyang yumakap sa ‘kin. Dumilat ako para tingnan siya.
   
    Ipinatong niya ang ulo niya sa dibdib ko at yumakap nang mahigpit. Hinalikan ko na lang ang ulo niya.
   
    “I have to go,” mahinang paalam ko na ikinatingala niya sa ‘kin. “Pupuntahan ko si mom para magpatulong. We need to find a job immediately.”
   
    Hindi puwedeng pareho kaming walang trabaho. Kailangan naming makaipon para sa pagdating ng baby namin.
   
    Lumayo siya at tumango. “S-Sige. Ingat ka.”
   
    Hinawakan ko siya sa ulo at hinalikan saglit sa noo bago tumayo.
   
    “Wait.” I stopped when she held my arm. “May tanong ako.”
   
    “What is it?” Bumalik ako sa pagkakaupo.
   
    “Si Mabs… how is she?”
   
    Bumaba ang tingin ko at agad na umiwas. Umiling ako sa kaniya.
   
    “Umalis na siya sa bahay.”
   
    Naalala ko na naman tuloy ang pag-alis niya. Hindi ko maiwasang mainis sa sarili ko. Kagagawan ko naman din kasi kung bakit umalis na siya.
   
    Sana pala inunahan ko na siya para hindi na niya kailangang umalis. Alam ko kasi na wala na siyang mapupuntahan pero oo nga pala, nandiyan si Vlad.
   
    Naisip ko na lang na mas mabuti pa ngang sumama siya sa lalaking ‘yon, mas maaalagaan siya ni Vlad.
   
    Hindi katulad ko na walang ibang ginawa kun’di saktan siya.
   
    “Aalis na ‘ko,” paalam ko ulit at mabilis na naglakad palabas.
   
    Nag-drive ako pauwi sa bahay ni mom. Naisip kong daanan ang bahay namin ni Mabs pero siguro mamaya na lang pagbalik ko.
   
    Hinanap ko agad sa bahay si mom. Sinabi ng isang katulong na nasa kuwarto siya, nagpapahinga.
   
    Binuksan ko ang pinto ng kuwarto niya at sumilip. Nakahiga lang siya sa kama at napaupo agad pagkakita sa ‘kin.
   
    “Mom, I need help,” sabi ko agad at tuluyang pumasok.
   
    Nag-ayos siya ng buhok at bumaba mula sa kama.
   
    “What happened?” she asked.
   
    “Wala na kaming trabaho ni Cally. Baka may alam kang puwede naming pasukan.”
   
    Tinaasan niya ako ng kilay. Umiling siya at tumapat sa salamin. Doon niya sinuklay ang straight niyang buhok.
   
    “Felix, ang gusto kong marinig ay balita tungkol sa asawa mo.” Tiningnan niya ako sa salamin. “Actually, I’m planning to visit her today. I want to apologize.”
   
    Umiling ako. “Wala ka nang mabibisita dahil umalis na siya sa bahay.”
   
    Naibaba niya ang suklay at salubong ang kilay na hinarap ulit ako.
   
    “What?” maang niya. “Umalis na siya? Sumusobra ka na yata kaya siya umalis!” Tumaas ang boses niya.
   
    Napayuko ako at dahan-dahang tumango.
   
    Naalala ko ang huling pananakit ko sa kaniya. Nagkuyom ang kamao ko at napapikit nang mariin.
   
    I’m so sorry, Mabs.
   
    “Tama ka, mom, sumobra na nga ako.”
   
    Napapikit ako nang sampalin niya ‘ko nang malakas. I gasped and stepped backward.
   
    “Hindi ka pa ba titigil, anak?” tanong niya.
   
    “Titigil na ‘ko dahil umalis na siya.” Hindi makapaniwalang tiningnan niya ‘ko. “Isa lang naman ang ibig sabihin ng pag-alis niya, ‘di ba? Sinusukuan na niya ‘ko.  Ayun ang gusto kong mangyari.”
   
    Hinagod niya ang buhok niya at naglakad-lakad. Sinundan ko siya ng tingin.
   
    “At isa pa, may bagong lalaki na siyang nakilala—”
   
    “And it’s okay with you?” agad niyang tanong na ikinatango ko.
   
    “Alam mo kung sino na ang mahal ko, mom.”
   
    Suminghap siya at umiwas ng tingin. “Kaya hinayaan mo siyang sumama sa ibang lalaki?”
   
    I gulped and nodded.
   
    “Matutulungan siya ng lalaking ‘yon, mom. Ang lalaking ‘yon ang tutulong sa kaniya para makalimutan niya ‘ko.”
   
    Kahit naiinis akong makitang magkasama sila, hinayaan ko dahil mas masahol pa ang ginawa kong pambababae kaysa sa simpleng pagsama niya kay Vlad.
   
    “Pero hindi ka ba naaawa sa kaniya? Minahal mo rin si Mabs, Felix—”
   
    “Alam mo kung bakit ko siya sinasaktan.”
   
    Nagtitigan kami ni mom. Nilapitan ko siya at hinawakan sa kamay. Umiling siya sa ‘kin habang may luha na ‘kong nakikita sa mga mata niya.
   
    “Pero nahihirapan na ang asawa mo. Sa ginagawa mo, alam ko at nararamdaman kong sobra na siyang nasasaktan,” mahina niyang sabi at humikbi.
   
    Pinisil ko ang kamay niya. “Matatapos din ang paghihirap niya, mom.”
   
    Kumurap siya at tinitigan ang buong mukha ko. Sunod-sunod na tumulo ang luha niya.
   
    Naalala ko lang ang pag-iyak ni Mabs kaya binitiwan ko agad siya para umiwas.
   
    “Itutuloy mo pa rin ang balak mo?”
   
    Tumango ako sa tanong niya. “Ang balak kong ‘yon na lang ang magandang magagawa ko para sa asawa ko, mom.”
   
    Hintayin mo lang, Mabs. Matatapos din ang lahat.
   
    Bumalik siya sa kama at tumingin sa bintana.
   
    “Namatay ang nanay ni Mabs dahil sa ‘kin.”
   
    Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. “No. Namatay siya dahil sa sakit sa puso, ‘di ba?”
   
    She shook her head as she looked at me. “Oo, may sakit nga siya sa puso. Nag-aagaw buhay na siya, padating na ang oras niya no’ng panahong ‘yon. Ang sabi ng nurse, may isang heart donor na puwede nilang kunin para sa kaniya.”
   
    Napayuko siya. Nanahimik naman ako para makinig lang.
   
    Kung may heart donor, bakit namatay?
   
    “Pero anong sinabi ko?” Suminghap siya. “Ang sabi ko, ako na. Ako na ang magiging heart donor ni Madelaine, nanay ni Mabs.”
   
    “W-What?”
   
    Then bakit…
   
    “So, ‘yung isang heart donor, napunta sa isa pang pasyenteng kailangan ng heart transplant.”
   
    And what happened?
   
    “Pero pinuntahan ako ng daddy mo. Pinigilan niya ako. Pinaalala niyang kailangan n’yo ako.” Unti-unting nababasag ang boses niya. “Gusto ko naman talagang makatulong. Gusto ko na ring mawala dahil sa dami ng problema pero tama ang daddy mo, may pamilya pa ako, may kayo pa ako.”
   
    Naitikom ko ang bibig ko at napahagod sa buhok. Parang naiintindihan ko na agad ang kuwento niya.
   
    “At hindi natuloy ang surgery ng nanay ni Mabs dahil nagbago ang isip mo at ‘yung isang donor ay napunta na sa isang pasyente?” tanong ko na sunod-sunod niyang ikinatango. “Kaya namatay si Tita Madelaine.”
   
    Tumango ulit siya at biglang lumakas ang pag-iyak.
   
    Ngayon ko lang nalaman ‘to. Bakit hindi niya sinabi agad?
   
    “At namatay ang tatay niya dahil sa car accident namin. Driver ko ang tatay niya, ‘di ba? Tapos… tapos lasing ako niyon. Naaksidente kami dahil sa kalasingan ko. Inaway ko siya sa sasakyan kasi wala akong mapaglabasan ng sama ng loob. Ako lang ang nakaligtas.”
   
    Napasapo ako sa noo ko dahil sa sinasabi niya. Sunod-sunod akong huminga nang malalim at kinagat nang mariin ang labi ko.
   
    Pero nanatiling mabait sa ‘min si Mabs! Sa kabila ng nangyari, tinuring niya pa rin kaming pamilya. Hindi siya nagtanim ng sama ng loob kay mommy at minahal niya pa kami nang sobra.
   
    “K-Kung nalaman ko siguro agad ‘to…” salita ko at tumigil din agad.
   
    Hindi ko na sana siya sinaktan nang sinaktan. Sobrang lala na ng pinagdaanan niya dahil sa pamilya ko tapos ginanito ko pa siya?
   
    Sana hindi ko na lang itinuloy…
   
    “Umalis ka na. Hindi kita matutulungan sa paghahanap ng trabaho.” Seryoso siyang lumingon sa ‘kin. “Wala rin kayong matatanggap na pera galing sa ‘kin. Malaki na kayo, kaya n’yo na ‘yan.”
   
    Umawang ang bibig ko at napatitig nang matagal sa kaniya.
   
    Napatango na lang ako at hindi na nagpaalam. Iniwan ko siya ro’n at umalis sa bahay.
   
    Naiintindihan ko kung bakit ayaw niya kaming tulungan. Importante sa kaniya si Mabs. Una pa lang ay pinagsabihan niya na ‘ko pero hindi ako nakinig.
   
    Dumaan ako sa bahay namin ni Mabs. Una kong pinasok ang kuwarto namin na matagal ko nang ‘di tinutulugan.
   
    Hinanap ko ang wedding picture namin na tinaob ko noon pero hindi ko na mahanap pa. Hinanap ko na lang ang photo album namin na hindi ko nakita sa kuwarto kaya bumaba ako. Hinanap ko sa mga drawer.
   
    Nakita ko nga ang album. Umupo muna ako bago binuksan ito.
   
    Tinitigan ko ang bawat pictures namin na pareho kaming masaya. Kitang kita ‘yon sa mga ngiti at mata namin.
   
    Hindi ko na naalis ang paningin ko sa solo picture ni Mabs. Suot niya rito ang regalo ko sa kaniya noong dress. Ang lapad-lapad ng ngiti niya. Maayos pa ang pangangatawan niya rito.
   
    Hindi tulad ngayon na masyado na siyang pumapayat.
   
    I breathed heavily as I took out the picture from the album page.
   
    Tipid akong ngumiti dahil sa ngiti niya.
   
    Itinaas ko ang dalawang paa ko at niyakap ang sariling binti. Tumingin ako sa pinto at hindi na natiis maiyak.
   
    Tuwing lalabas ako sa bahay na ‘to, umaalis akong umiiyak. Iyak na hindi ko pinapakita sa kaniya dahil ayokong isipin niyang naaawa pa rin ako sa kaniya. Tuwing iiwan ko siya ulit dito, wala akong ibang nararamdaman kun’di inis sa sarili ko at frustration sa sitwasyon namin.
   
    Aminado naman ako na kay Cally talaga ako umuuwi minsan. Oo, ginawa ko siyang comfort zone pero hindi lang ‘yon ang tingin ko sa kaniya. Mahal ko talaga siya.
   
    The saddest and painful feeling I felt is when I fell out of love. I cried for days, asking why I fell out of love with the woman I used to love so much.
   
    I tried to bring back our happiness. I tried to love her again before I cheated on her but I failed, my heart failed. My heart doesn't belong to her anymore and I fucking don’t know why!
   
    Napayuko ako at ipinatong ang noo ko sa ‘king tuhod. I sobbed and cried out.
   
    I’m sorry if I needed to hurt you, Mabs. I know na sumusobra na ako at hindi ko alam kung mapapatawad mo pa ‘ko. I hope someday, maipaintindi ko sa inyo kung ano’ng ginagawa ko.

———

Wait, there's more.

Wife Series #3: The Breakable WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon