Chapter 6: Neighborhood

7.5K 184 19
                                    

  — Mabs —

   
    Malalakas na katok sa pinto ng kuwarto namin ang gumising sa akin. Bumangon agad ako at hindi na nag-abalang ayusin ang magulo kong buhok o pansinin kung may muta ba ako.
   
    Pinagbuksan ko ang kumakatok at bumungad sa ‘kin si Felix. Bihis na bihis na siya, naka-sweatshirt at simpleng maong na shorts. Naaamoy ko rin ang pabango niya, ang pabangong bago lang sa pang-amoy ko.
   
    Ako ang laging nagbibigay sa kaniya ng pabango noon na lagi niya ring gamit pero ngayon ay pinalitan niya na.
   
    “Do you know what time is it?” he coldly asked.
   
    Napalabi ako at tumingin sa orasan. Mag-e-eight pa lang naman ng umaga.
   
    “Bakit—”
   
    “Magluto ka, tanga! Paglutuan mo kami ng almusal nang makaalis na kami,” sigaw niya na ikinamaang ko.
   
    Tumingin ako sa paligid para tingnan kung kasama niya ba si Cally. Wala rito sa taas ang babae niya kaya naglakas loob akong salubungin ang malamig na mata ng asawa ko.
   
    “Paglutuan ko kayo nang makaalis na kayo? Ba’t ‘di na lang kayo umalis agad? Ang sasakit n’yo sa mata, mga baboy— A-Ah!
   
    Napasigaw ako bigla nang dumapo ang palad niya sa pisngi ko. Nanginginig ang kamay na hinawakan ko ang pisngi kong namanhid dahil sa lakas ng sampal niya.
   
    “Mabs, tandaan mo, kasalanan mo rin kung bakit ko ginagawa ‘to sa ‘yo,” mariing sambit niya.
   
    Iniharap ko ulit ang mukha ko sa kaniya. Masama ko siyang tinitigan ngunit naiiyak din.
   
    “A-Ano ba’ng ginawa ko sa ‘yo?”
   
    Hinila niya ako sa braso. Inilapit niya ang mukha niya sa ‘kin.
   
    “Hindi mo ‘to mararanasan kung pumayag ka lang makipaghiwalay sa ‘kin.”
   
    Tinulak ko siya palayo at napaatras naman siya. Napasinghot pa ako habang umiiwas ng tingin.
   
    “Oo, hindi ako pumayag sa pakikipaghiwalay na gusto mo pero hindi mo pa rin mababago ang katotohanan na niloloko mo na ako bago ka pa mag-file ng annulment!” ganti ko. “Felix, niligawan mo siya habang mag-asawa tayo! Paano mo nagawa sa ‘kin ‘to?”
   
    Suminghap siya at umiwas din ng tingin. “Dahil sawang sawa na ‘ko sa ‘yo. Hindi mo nga maibigay ang gusto ko!” Napahikbi ako sa sinabi niya. “Puro lang pasarap sa kama pero hindi mo ako mabigyan ng anak—”
   
    “Dahil doon kaya ka nagkakaganiyan?” agad kong tanong na ikinatikom ng bibig niya. “Bakit? Anak lang ba ang gusto mo sa ‘kin?”
   
    Kung alam niya lang kung bakit hindi ko siya mabigyan ng anak…
   
    Hinila na naman niya ako palapit sa kaniya. Hindi ako nakagalaw nang lumapit siya sa tenga ko at doon bumulong.
   
    “Kung ayaw mong dalhin ang anak ko, gagawin ko sa iba.”
   
    Nanghina ang mga tuhod ko kasabay ng pagtulo ng luha ko. Napayuko ako at tahimik na umiyak.
   
    Napanganga ako nang higpitan niya ang hawak sa braso ko at bigla na lang akong tinulak palayo.
   
    “Bumaba ka na ro’n at paglutuan mo ang magiging ina ng anak ko.”
   
    Hindi ko na nakayanan pa’t bumagsak na ako sa sahig sa sobrang panghihina. Napahakbang siya dahil sa pagbagsak ko.
   
    Tinititigan ko ang dalawang kamay kong nakasarado nang mahigpit. Unti-unting lumakas ang iyak ko dahil sa sakit.
   
    Nagsimula akong gumapang pabalik sa kuwarto pero napasigaw na lang ako nang sipain ni Felix ang hita ko.
   
    “What the fuck are you doing? Bumaba ka ro’n!” sigaw niya.
   
    Hindi ko siya tiningnan dahil sosobra lang ang sakit na nararamdaman ko kapag ginawa ko ‘yon.
   
    Pinagpatuloy ko ang paggapang pabalik habang humagulgol pero sinipa na naman niya ako at tumama na ‘yon sa tiyan ko.
   
    Napasigaw ulit ako sa sakit at saglit na tumigil sa paggalaw.
   
    “Mabegail, sumunod ka!”
   
    Ayoko.
   
    Tanggap ko namang hindi kami magkakaanak at hahayaan ko siyang magkaanak sa iba… ayun ay kapag namatay na ako.
   
    Pero ‘tang ina, buhay pa ako e.
   
    “B-Babe! Kanina ka pa sumisigaw—” Narinig ko ang boses ni Cally at ang mga yapak niya. “M-Maby? Oh my God!”
   
    Mabilis siyang lumapit sa akin at hinawakan ako sa magkabilang braso. Nakayuko lang ako para hindi niya makita ang sobrang pag-iyak ko.
   
    “W-What’s happening here? Babe?” tanong niya habang inaayos ang buhok ko. “Babe, ano’ng ginagawa mo sa kaniya?”
   
    “Babe, let’s go, hayaan mo siya,” sabi ni Felix at hinawakan si Cally sa kamay pero tinabig lang ni Cally ‘yon.
   
    Napatingin tuloy ako kay Cally. Napuno agad ng pag-aalala ang mga mata niya nang nagkatitigan kami.
   
    “B-Bakit ka umiiyak?” mahinang tanong niya at tiningala si Felix. Ibinalik niya rin agad ang tingin sa ‘kin. “Tumayo ka na, Maby.”
   
    Umiling ako at dahan-dahang inalis ang pagkakahawak niya sa ‘kin. Tiningala ko rin si Felix pero walang gana lang siyang nanonood sa amin.
   
    Natawa ako nang mahina at tumango-tango.
   
    “A-Ayos lang ako,” sabi ko at tinulak nang mahina si Cally palayo. “Kaya ko ang sarili ko.”
   
    Nakahawak sa tapat ng dibdib na pinilit kong tumayo. Napatayo na rin si Cally at akmang hahawakan na naman ako pero tinabig ko rin ang kamay niya.
   
    Kumuha ako ng suporta sa gilid ng pintuan. Hindi ko na sila tiningnan pa ulit nang tuluyan akong nakapasok. Malakas kong sinara ang pinto.
   
    Sumandal ako sa pinto at dahan-dahang dumausdos paupo. Kinagat ko muli ang kamay ko para pigilan ang malakas na pag-iyak.
   
    Hindi na ako magugulat kung isang araw ay malaman kong buntis si Cally.
   
    Ihahanda ko na ang sarili ko…
   
    Pinatahan ko muna ang sarili ko bago tumayo at lumapit sa bintana. Sumilip ako sa baba at nakita ang saktong paglabas ng sasakyan ni Felix. Medyo nakahinga ako nang maluwag dahil umalis na sila.
   
    Nakaka-suffocate makasama ang dalawang ‘yon.
   
    Bumaba na ako para mag-almusal. Pagkatapos niyon ay naglinis lang ako sa bahay. Nang napagod, nagpahinga ako sa balcony ng kuwarto namin.
   
    Nangalumbaba ako sa ibabaw ng railings at pinagmasdan lang ang kalangitan.
   
    Lord, dapat ko na bang sabihin kay Cally ang totoo? Na asawa talaga ako ni Felix? Pero kapag ginawa ko ‘yon, parang pinagkaitan ko na rin si Felix sa kagustuhan niyang magkaanak, tsaka paano kung mahal talaga siya ni Felix? Ang inaalala ko lang ay kung ano ring mararamdaman ni Cally kapag nalaman niya ang totoo, pati siya ay niloloko rin ni Felix.
   
    Masyado na ba ‘kong tanga?
   
    Tatanggapin ko ba talaga na may babae na ang asawa ko dahil gusto ko siyang maging masaya bago ako mamatay?
   
    “Ang haba ng baba natin diyan, mare ah?”
   
    Napakurap ako at agad umayos ng tayo dahil sa isang sigaw mula sa baba. Napaatras ako pagkayuko ko.
   
    Kumaway sa ‘kin ang lalaking nasa baba at nasa harapan ng bahay na katapat ng katabi naming bahay.
   
    Kumunot ang noo ko at tinitigan siya. Namilog ang mga mata ko matapos ko siyang makilala.
   
    “V-Vlad?” mahinang banggit ko sa pangalan niya.
   
    Bakit siya nandito?
   
    “Mabs, hello!” pasigaw na naman niyang bati sa akin. “Gusto mo bang mag-usap tayo nang ganito kalayo? Ano, baba na!”
   
    Natawa ako nang mahina at tumango sa kaniya. Umalis ako sa balcony para bumaba at lumabas ng bahay.
   
    Hindi ko puwedeng balewalain ang lalaking tumulong sa ‘kin noon.
   
    “Vlad! Bakit ka nandito?” agad na tanong ko pagkalabas ko.
   
    Nasa tapat na agad siya ng bahay namin. Ngumiti siya nang malapad at tinuro ang bahay kung nasaan siya kanina.
   
    “Kakalipat ko lang dito,” sagot niya na ikinataas ng kilay ko. “I didn’t expect na magiging neighbor pala kita.” Natawa siya at ibinalik ang ngiti niya. “Napatingin lang ako sa langit ta’s nakita agad kita sa balcony n’yo.”
   
    Tumango-tango ako at pinasadahan siya ng tingin. Nakapambahay lang siya, simpleng shirt at shorts.
   
    “Bakit ka lumipat dito?” panibagong tanong ko.
   
    “Bumukod lang ako kay Daddy, tsaka gusto ko ng bagong environment,” nakangiti pa ring sagot niya habang nakatitig sa akin.
   
    “Maganda rito,” tanging nasabi ko.
   
    Tumingin naman siya sa bahay namin. “Nandiyan ba ang asawa mo? Gusto ko siyang makilala.”
   
    Umiling ako. “Wala, kasama niya ang baba—”
   
    Natigilan ako nang muntik na ‘kong madulas.
   
    Kumunot ang noo niya. “Sinong kasama niya?”
   
    Pilit akong ngumiti. “W-Wala, kalimutan mo na ‘yon. P-Papasok na ako sa loob, ah.”
   
    Tinitigan niya ako saglit bago tunango. Tinalikuran ko na siya at nagsimulang maglakad pabalik.
   
    “Bilib ako sa ‘yo.” Napatigil ako nang nagsalita ulit siya. “Nagagawa mo pa ring mag-shorts kahit puno ng sugat ang mga binti mo.”
   
    Napahinga ako nang malalim at lumunok. Napalingon ako sa likuran ng mga binti ko at napansing nandoon pa rin pala ang mga marka ng pagsisinturon sa ‘kin ni Felix.
   
    “Asawa mo ba ang may gawa niyan?”
   
    “H-Hindi. Wala ‘to,” hindi lumilingon sa kaniyang sagot ko at itinuloy na ang pagbalik sa bahay.
   
    Sinara ko agad ang pinto at sumandal dito.
   
    How I wish na hindi talaga si Felix ang gumawa nito sa ‘kin.

Wife Series #3: The Breakable WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon