Chapter 17: Side

8.7K 168 30
                                    

  — Felix —

   
    Nagising akong wala na sa tabi ko si Mabs. Mabilis akong umupo at tiningnan ang puwesto niya. Napangisi na lang ako nang maalala ko ang ginawa namin kagabi.
   
    Nakailang rounds kami. Hindi ko talaga siya tinigilan para masiguradong makakabuo kami.
   
    Agad akong nagbihis dahil baka nagluluto na pala sa baba si Mabs. Bumaba ako pagkatapos makapag-ayos.
   
    Wala akong naaamoy o naririnig na may nagluluto sa kusina kaya dahan-dahan na lang akong naglakad papunta ro’n.
   
    Napatigil ako sa akmang pagpasok nang nakita ko siyang may binubuksan na gamot.
   
    Gumilid muna ako at sumilip lang. Kumunot ang noo ko habang tinititigan ang kulay dilaw na box ng gamot na binubuksan niya hanggang sa ininom niya na ‘yon.
   
    She bit her lower lip before caressing her tummy.
   
    Lumakas ang tibok ng puso ko at lumunok. Bakit…
   
    Bakit ang lakas ng kutob ko na pills ang ininom niya? Hinawakan niya kasi ang tiyan niya!
   
    Matagal ko na ring iniisip ‘to. Ang tagal na kasi naming sinusubukang magkaanak at ginagawa ko naman talaga ang tama para mabuntis ko siya pero walang nangyayari.
   
    I breathed heavily as I walked towards her. Bahagyang nanlaki ang mga mata niya nang nakita ako. Mabilis siyang kumilos para kunin ang box ng gamot at itinago sa bulsa niya.

   
    Hindi ko pinansin ‘yon para isipin niyang hindi ko nahalata ang ginawa niya.
   
    “L-Love, gising ka na pala.” Pilit siyang ngumiti.
   
    Ngumiti rin ako at nilapitan siya. Hinalikan ko siya bago tinitigan.
   
    “Sa tingin mo ba, magkakaanak na tayo?” tanong ko.
   
    Hindi ko na naman maiwasang mapaisip sa paraan ng pag-iwas niya ng tingin. Lumayo rin siya at nagsalin ng tubig bago ‘yon ininom.
   
    Huminga ako nang malalim habang tinititigan siya. I gasped as I looked away and pinched the bridge of my nose.
   
    Mag-iisang buwan na simula nang naramdaman kong parang nawawala na ang pagmamahal ko sa kaniya. Pinipilit kong maging masaya habang kasama siya pero pakiramdam ko lagi ay may kulang na.
   
    Mahal na mahal ko ang babaeng ‘to pero bakit gano’n na lang ang nararamdaman ko these past few weeks?
   
    Iniisip ko na baka kapag nagkaanak na kami, bumalik sa dati ang nararamdaman ko sa relasyong ‘to, pero sa nakikita at nakukutuban ko ngayon… parang ayaw niya pang magkaanak.
   
    “Love, ano?” agaw-pansin ko ulit sa kaniya.
   
    Umiling siya. “Hindi ko alam, love. Huwag na lang tayong masyadong umasa.” Kumunot ang noo ko sa sagot niya. “Paano kung hindi ako mabuntis? Magagalit ka ba?”
   
    I brushed my hair while processing her answers on my mind. What the fuck is she talking about?
   
    “We’ll try it again,” I responded.
   
    Ngumiti siya at tumango. Niyakap niya ako. Napatingala na lang ako at bumuntong-hininga.
   
    I actually don’t know, Mabs.
   
    I can’t help but to overthink while I was working. Hindi na maalis sa isip ko ang pag-inom ni Mabs ng gamot na iniisip kong pills, ang sinabi niyang huwag kaming umasa, at paano kung hindi siya mabuntis.
   
    Hindi ako umuwi agad dahil doon. Pumunta ako sa party ng kaibigan ko para maglibang.
   
 
 

   Doon ko nakilala si Cally. Lasing na ‘ko niyon at nagpakilala pa akong single sa kaniya. Walang nangyari sa amin pero nag-enjoy akong kausap siya dahil ang gaan niya magsalita, magaling siyang makipag-usap, at halatang mabait.
   
    Cheating is really a choice.
   
    Pinili ko kasing lokohin si Mabs. Aminado ako, oo. I always talk to Cally, I didn’t hesitate to tell her my problems and she never failed in comforting me.
   
    Noong sinagot niya ‘ko, may nangyari sa ‘min hanggang sa nasundan pa ‘yon nang nasundan. Hindi nagtagal ay nakokonsensya rin ako at naglasing na naman.
   
    Umuwi ako sa bahay para makita si Mabs. Gusto kong i-confirm kung may nararamdaman pa ba ako sa kaniya. But then, while I was talking to her, I can’t feel it. While we were having sex, I can’t feel it. My heart can’t feel the love anymore.
   
    At nahuli ko na nga siyang umiinom ng pills. It made me really mad because my hunch on her actions is fucking true.
   
    Totoo ngang nagpi-pills siya at ayaw niyang magkaanak kami. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at nasaktan ko na siya nang pisikal.
   
    Hindi ko alam kung bakit nagkaganoon ako!
   
    “Babe, may problema ba? Kanina ka pa tulala diyan.”
   
    Napaayos ako bigla ng upo nang kalabitin ako ni Cally. Napalabi ako at lumingon sa kaniya.
   
    Nagtataka niya ‘kong tinitigan. “Iniisip… iniisip mo ba si Mabegail?” panibagong tanong niya. “Do you miss her?”
   
    Umiwas ako ng tingin at tumayo. Umiling ako sa kaniya. “Hindi.”
   
    “Pero iniisip mo siya?” usisa niya.
   
    Tumango lang ako at naglakad papunta sa bintana.
   
    It’s been a week since she left the house. Hindi ko pa siya nakikita, iniisip ko na lang kung ano nang kalagayan niya.
   
    “Dapat mahanap ko siya,” bulong ko habang nakatingin sa labas.
   
    “Bakit mo siya hahanapin?” tanong na naman ni Cally na nakasunod pala sa ‘kin.
   
    Hindi ako sumagot.
   
    “Feeling ko ay may pagmamahal ka pa rin sa asawa mo.”
   
    Mabilis akong humarap sa kaniya at kinunotan siya ng noo. Pilit siyang ngumiti at tumabi sa ‘kin sa tapat ng bintana. Tumingin din siya sa labas.
   
    “Babe, hindi—”
   
    “Baka anak nga lang talaga ang habol mo sa ‘kin,” dugtong niya na ikinakurap ko. “Naiintindihan ko naman kung gano’n. Afterall, I’m just your mistress. Hindi ko naman kasi alam na may asawa ka na pala.”
   
    Mabilis kong hinawakan ang mukha niya nang tumulo ang luha niya. Tinanggal niya rin ang kamay ko at naglakad palayo.
   
    “Hanapin mo na ang asawa mo.”
   
    Humarap na lang ulit ako sa bintana at itinukod ang dalawang kamay ko rito.
   
    “N-Nakokonsensya ako, Felix. Naaawa ako sa kaniya lalo na no’ng kitang kita ko kung paano mo siya sinasaktan.” Napayuko ako sa sinasabi niya. “Kung hindi lang ako buntis, hindi na kita hahayaang makalapit ulit sa ‘kin kahit mahal kita.”
   
    “Kailangan kong gawin ‘yon para malayo ang loob niya sa ‘kin. Para mawala ang pagmamahal niya sa ‘kin!” malakas kong sagot at suminghap.
   
    “Bakit? Bakit kailangan mo siyang saktan samantalang lagi kang pumupunta sa ‘kin nang malungkot. Ni-hindi mo nga kayang itago ‘yang luha mo sa ‘kin noon! Paulit-ulit kitang tinatanong kung bakit! Bakit ka umiiyak? Anong problema mo? Bakit ka malungkot?” Nabasag na ang boses niya. “Ngayon, parang naiintindihan at nahuhulaan ko na kung bakit. Dahil ‘yon kay Mabs! Dahil sa asawa mo! Bakit kailangan mo pa siyang saktan kung nasasaktan ka lang din naman?”
   
    Napatingin ako sa langit nang naalala ko ang mga sinasabi niya.
   
    Matagal akong hindi nagsalita at gano’n din siya.
   
    “S-She’s sick.”
   
    Hinarap ko siya. Lumapit ulit siya sa ‘kin nang may pagtatanong sa mga mata.
   
    “W-What? What do you mean?” she asked.
   
    Sumandal ako sa gilid ng bintana at nakipagtitigan sa kaniya.
   
    “My wife is sick. She’s suffering in heart disease.”
   
    Nalaman ko lang na may sakit siya no’ng araw na nahuli ko na talaga siyang umiinom ng pills. No'ng sinaktan ko siya.
   
    No’ng nawalan na siya ng malay habang hinahampas ko siya ng sinturon, tumigil ako pero hindi ko na kinayang lapitan at tingnan pa siya. Kinuha ko sa ilalim ng kumot ang nakita kong itinago niyang kahon doon.
   
    Maraming gamot ang nandoon na hindi ko alam kung para saan! I researched all the medicines' name to know them.
   
    Kahit alam ko na kung para saan sila, hindi ko pa rin ma-gets kung anong sakit ang ginagamot ni Mabs. Then I saw a doctor’s prescription.
   
    I was crying while leaving our house. I knew that time, we were both in pain but I also lost myself and control because of anger.
   
    Pinuntahan ko ang hospital at doctor na nasa resetang nakuha ko. Hindi ko na siya kailangang piliting sabihin sa ‘kin ang totoo dahil thankful pa siya na dumating ako. Kailangan daw kasi ako ni Mabs.
   
    Then sinabi niya ngang may sakit ang asawa ko.
   
    Wala akong ibang naramdaman kun’di konsensya.
   
    Kaya pala gusto niya pa rin akong mag-stay. Kaya pala parang may iba sa kaniya. Nanghihina na pala siya.
   
    “K-Kung may sakit siya, bakit patuloy mo pa siyang sinasaktan? Anong klase ka?!” pasigaw nang tanong ni Cally at sinuntok pa ako sa dibdib.
   
    Pumikit lang ako at hinayaan siyang saktan ako.
   
    Alam kong nasasaktan ko rin siya at masasaktan pa ulit.
   
    “Because…”
   
    I gulped and looked at her eyes.
   
    “Because what?!”
   
    Hinawakan ko ang mga kamay niya para pigilan na ‘yon. Ibinaba ko ang mga ‘yon bago ko siya nilagpasan.
   
    “Because I’m planning to give her my heart.”
   
    Hinila niya ako paharap sa kaniya. “A-Ano?!” malakas niyang tanong. “Sigurado ka? Paano ang magiging anak mo?”
   
    Bumaba ang tingin ko sa tiyan niya. Suminghap ako at lumayo ulit. Umupo ako sa sofa at tinakpan ang mukha ko.
   
    No’ng nalaman kong may sakit si Mabs, sinimulan kong gumamit ng protection tuwing may nangyayari sa ‘min ni Cally para wala nang dumagdag sa iisipin ko pero almost one month na pala siyang buntis at late niya na nalaman. Ibig sabihin ay buntis na siya bago ko pa sinimulan mag-protection.
   
    Damn. Huli na ang lahat.
   
    Napamura na lang ako nang sabihin niyang buntis siya. Huli na ang lahat dahil nasaktan ko na nang sobra si Mabs para sa balak ko. Hindi ko na puwedeng atrasan ‘yon!
   
    “Sinasaktan ko siya para kapag nai-donate ko ang puso ko sa kaniya, hindi siya malulungkot, hindi niya ‘ko iisipin, hindi siya makokonsensya, at para hindi na niya ‘ko mahal kapag nawala na ‘ko,” sambit ko at nagkagat labi.
   
    Alam kong mali ang pamamaraan ko pero wala na ‘kong pamimilian, nasimulan ko na e. Nagloko na ‘ko bago ko pa malaman ang tungkol sa sakit niya. Itinuloy ko na lang ‘yung pananakit na ‘yon para pasukuin siya sa ‘kin, para tanggalin ‘yung pagmamahal niya sa ‘kin. Para kapag nangyari ‘yon, hindi siya mangulila sa ‘kin kapag naibigay ko na ang puso ko.
   
    “M-Matagal mo nang plano na i-donate ‘yan sa kaniya?” Tumango ako sa tanong niya. “P-Paano naman kaming maiiwan mo?”
   
    Hinila ko siya paupo sa tabi ko. Mabilis kong hinalikan saglit ang labi niya at hinawakan ang kaniyang mukha.
   
    “I love you, I love you both, but my wife needs help.” Tumulo ang luha niya at pumikit. “I’m sorry. I’m sorry kung pati ikaw nadadamay. I’m sorry kung napakagago ko.”
   
    Umiling-iling siya. “M-Mahal din kita.” Idinikit niya ang noo niya sa noo ko. “Naiintindihan ko na kung bakit bigla kang gumamit ng protection. Ayaw mo ‘kong mabuntis pero huli na ang lahat kasi nagbunga na ‘yung ibang pagtatalik natin no’ng hindi ka pa nagpo-protection. Ayaw mo sana akong mabuntis para wala kang anak na maiiwan kapag ginawa mo ang plano mo.” Tumango-tango siya.
   
    Tumango rin ako at agad siyang niyakap.
   
    Kaya nahihirapan ako ngayon kung sinong pipiliin ko. Paano kung walang mag-donate ng puso para kay Mabs? Kaya ko, kaya kong ibigay ‘yung buhay ko sa kaniya pero iniisip ko rin ang magiging anak ko. Mawawalan siya ng tatay.
   
    Kasalanan ko ang lahat. Kung nalaman ko lang agad na may sakit siya, hindi ko na dapat siya niloko. Sana nag-stay na lang ako sa kaniya kahit wala na ‘kong nararamdaman. Tapos nalaman ko pa ang pinagdaanan ng pagkamatay ng mga magulang niya.
   
    Gustong gusto kong bumawi. Gusto kong sa pangalawang buhay niya, maging masaya ulit siya.
   
    “Umalis ka na at huwag ka nang magpapakita sa ‘kin.”
   
    Napalayo ako nang itulak ako ni Cally. Yumuko siya at humikbi.
   
    “Kagaya ng sinabi ko, si Mabegail lang ang may karapatan sa ‘yo,” mahinang sabi niya. “Kaya kung anong desisyon mo, tatanggapin ko. Huwag kang mag-alala dahil magiging ayos lang kami ng anak mo.”
   
    Tumulo ang luha ko at napaiwas ng tingin.
   
    Matagal ko nang gustong magkaanak, pero malaki, sobrang laki na ng kasalanan ko sa asawa ko.
   
    “M-Mas deserve niyang mabuhay. Hindi katulad nating mga manloloko,” dugtong niya at tumingin na sa ‘kin. “Kaya sige, hanapin mo na ang asawa mo.”
   
    Hindi ako kumilos.
   
    A-Ang sakit. Hindi ko na alam ang gagawin ko.
   
    Ito na ang consequences ng mga kasalanan ko, ng kagaguhan ko.
   
    “Felix, umalis ka na! Ayoko nang makita ka pa!”
   
    Napatayo ako nang itulak niya ‘ko. Huminga ako nang malalim at lumuhod muna sa harap niya.
   
    Niyakap ko siya sa tiyan at hinalikan ito.
   
    “I’m sorry… I’m so sorry.”
   
    I’m sorry, anak. Hindi kakayanin ng konsensya kong mabuhay kasama kayo habang si Mabs naman ang nawala, dala-dala ang lahat ng sakit na pinaramdam ko sa kaniya.
   
    Pagbabayaran ko ito.

Wife Series #3: The Breakable WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon