Forty-two

10.5K 246 37
                                    


Simula yata ng malaman ko kung anong meron kay Seth at Melody ay di ko na maiwasang mang-gigil. Kanina pa ako nanggigilaiti sa galit at parang gusto ko ng sumugod para balian ng buto ang malanding Melody na yun. How dare she threatened Seth! Wala syang kwentang tao. Nakakagigil. Letche talaga.


Kung bakit ba kasi siya naging fiancee ng lalaking yun? Sa dinami-dami ng matinong babaeng pwedeng ipakasal kay Seth, doon pa talaga sya napunta sa walang hiyang higad. Ang malas malas ni Seth, bwesit.


Fiero Calling...


Tapos isa pa tong lalaking to! Kanina pa niya ako binubomba ng tawag at texts. Galit pa rin ako sa kanya at dahil sa nalaman ko galing kay Seth kanina ay mas lalo pang bumuhos ang galit ko sa kanilang dalawa. Tangina.


Nakasandal lang ako sa sofa at hinihilot ang sentido ko dahil sumasakit ang ulo ko sa mga nangyayari. Kanina pa ako nakauwi ng bahay at wala na akong ibang ginawa pa kundi ang isipin ang mga nalaman ko galing kay Seth. Nakakabaliw!


Gustong-gusto kong tulungan siya pero di ko alam kung paano. I badly wanted to snap that bitch's neck pero alam ko namang di yun gugustuhin ni Seth. Kahit pa ingratang malandi ang babaeng yun, may naitutulong naman sya sa sitwasyon ni Seth.


Di ko namalayan ang oras at nakatulugan ko na pala ang pag-iisip. Nagising lang ako ng may naramdaman akong humaplos sa pisngi ko kaya agad akong napatayo.


"Fiero!"


Hindi siya nakangiti. He looked angry as he stared at me. At dahil kakagising ko lang, disoriented pa ang utak ko.


"Bakit dito ka natulog?" he said with a hint of annoyance on his baritone voice. "And you didn't even lock your door! Paano na lang kung pinasok ka dito. Wala ka ba talagang pakialam sa sarili mo Ayumi?!"


His angry tone made me remember what happened. Sumabay ang galit ko sa kanya. At dahil pagod na pagod na ako sa mga nangyari ngayong araw ay mas pinili ko na lamang na wag syang pansinin.


I distanced myself from him and as soon as he noticed what I did, he immediately held my arm to stop me.


"Ano ba?!"


His grip on my arm tightened as he looked at me. Pinipilit kong alisin ang hawak niya sa akin but he just won't budge.


"Saan ka na naman pupunta?" He looked at me darkly. "Kanina pa kita hinahanap! And you're not even fucking answering your damn phone! Tapos ngayon iiwas ka na naman?!"


Di ko mawari kung anong ikinagagalit niya dahil obviously, magkasama silang dalawa ni Melody kanina so why would he looked for me if he's busy entertaining her.


Namamanhid na yata ang puso ko at wala na itong ibang naramdaman kundi ang galit. The pain is there, pero natatabunan ito ng galit ko sa kanilang dalawa. And as much as I wanted to run amok, I won't. I've had enough drama in my life, kung gusto nilang magsama edi magsama silang dalawa. Mga tangina. Masaktan na kung masaktan, but I wouldn't be settling on a situation kung saan ako ang talo.


"Kakain ako, kaya pwede ba? Bitawan mo na ako"


I must commend myself for not shouting on him and for remaining calm despite the storm inside me. Ako na mismo ang nag alis sa kamay niyang nakahawak sa akin. Umawang ang kanyang bibig ng iniwan ko sya doon at dumeretso ng kusina.


Now that I am alone, I can feel the pain every time my heart beats. I sighed. This is why I shouldn't have taken the risk of loving him again, ako pa rin ang nasasaktan sa dulo.


Hot and ColdWhere stories live. Discover now