Five

17.5K 438 41
                                    

Ang sabi ko uulitin ko yung ginawa ko kahapon. Pero letche, di ko man lang nakita ang batong presidenteng yun hanggang ngayon. Busy na yata sila para sa nalalapit na intramurals. Sabi naman ni Charice sa akin, may meeting daw sila with the sponsors kaya busy silang lahat. Okay fine. Next time ko na lang uulitin yung kaharutan ko kagabi.


Yung kagabi, di ko alam kung anong malanding espirito ang sumapi sa akin at ginawa ko yun! THAT'S MY FREAKING FIRST KISS! At ako pa mismo ang nag initiate sa kiss na yun. Pero paki ko ba, si bibi-bear naman yun eh. Sa reaction nya kagabi, parang sya pa nga ang ninakawan ng first kiss. Pero oo na. Di ko dapat yun ginawa, masyado pang maaga para sa kiss kiss na yan, dapat sa pisngi ko lang sya hinalikan kagabi. Pero nakaka-tempt kasi talaga ang mga labi nya, kaya ayun, nadisgrasya.


Pero nakakainis! Di ko man lang nasilayan ang magandang mukha ng bibi-bear ko. Sigh. Nasanay pa naman akong nakikita sya araw-araw. Minsan pinupuntahan ko sya sa SC office, minsan naman ang tadhana na mismo ang naglalapit samin. Meant to be kami eh. Psh. Kung bakit ba kasi kailangan pa nilang umalis at sa ibang lugar makipag meeting. Pwede namang dito nalang sa school diba?


Nakakainis naman eh!


"TABIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIII!!"


Pag talaga nakita ko ang lalaking yun, bubugbugin ko talaga sya ng halik---


"Fuck!"


Literal na napaupo ako sa damuhan ng may bumangga sa akin. Not that strong to cause some damage but still enough to knock me over. Ilang mura pa ang nabanggit ko bago ko naramdaman ang pag alalay sa akin ng isang kamay.


"Okay ka lang miss?"


Kumulo ng bongang-bongga ang dugo ko sa naging tanong nya. With a furious eyes I looked at him on the eye, medyo napaatras sya ng nagtama ang tingin namin at agad na itinaas ang dalawang kamay na parang sumusuko. I even heard him utter "whoah" when he saw my blazing eyes.


"Okay?! Sa tingin mo okay lang ako?! Ikaw kaya banggain ko tapos mapaupo sa damuhan? Magiging okay ka kaya?! Letcheng lalaking to."


Inis na pinagpagan ko ang damit kong nadumihan. I heard no reply kaya tinaas ko ang tingin sa kanya. He was stoned and his jaw literally dropped open. Kaya sinamaan ko sya ng tingin.


"Ano?! Tatayo ka lang dyan?!" May halong inis pa rin sa boses ko. He's taller than me pero di naman masyado. Halos magkasing tangkad lang sila ni BIbi-bear. "Tabi! Letche"


My mood was totally ruined by that little incident. Sa ke laki laki ng school ground, bakit dito pa nya naisipang mag marathon sa likod ng building kung saan nagmumuni muni ako. Nakakabadtrip. Tsk.


"Oy miss! Hintay!"


Hot and ColdWhere stories live. Discover now