Thirty-nine

11K 231 42
                                    

Di pa rin ako makapaniwala sa ginawa ni Fiero kagabi. He doesn't seem to regret what he did dahil may mala-multong ngiti sa labi niya habang tamad na nagda-drive pabalik ng Manila. Nakahawak pa sya sa labi niya habang nakasandal ang siko sa bintana ng sasakyan. He looked happy kahit hindi siya nakangiti.

"What?"

Nasulyapan niya akong nakatingin sa kanya kaya inirapan ko sya. Narinig ko naman ang mahinang pagtawa niya dahil sa ginawa ko.

"Still upset baby?"

Sumimangot ako. Ewan ko kung saan ako naiinis, sa kanya ba o sa sarili ko. We almost did it last night! Damn it. Hindi yun matanggal-tanggal sa isip ko. Aaaaaaah! Nakakainis talaga!

"You're blushing Ayumi" saad niya sa malokong boses. "What are you thinking?"

Di pa rin ako nagsalita. Itinuon ko ang paningin ko sa labas ng bintana at humalumbaba. Gosh. Why can't I forget his kisses? Nababaliw na yata talaga ako.

"Hey..."

Patuloy pa rin sya sa pangungulit pero hindi ko sya pinapansin. Akala ko ay buong byahe ko na syang maiiwasan pero nagkamali ako. Tumunog ang cellphone nya kaya napatingin ako doon.

"Can you answer that for me? Please baby"

Ayaw ko mang gawin ay sinunod ko pa rin. Nagda-drive sya kaya di niya magamit ang phone nya, baka naman importante kaya sinagot ko na lang din.

"Hello?"

Kumunot ang noo ko ng walang sumagot sa kabilang linya. Ilang ulit pa akong nag-hello pero wala pa din kaya pinatay ko na lang ang tawag.

"Unknown number, di din nagsalita. Baka wrong call lang"

Pati sya ay naweirduhan din dahil napakunot din ang kanyang noo. Hawak-hawak ko pa rin ang cellphone niya habang sya ay may malalim na iniisip. Na-curious ako kaya binuksan ko ulit ang cellphone niya. Wala itong password kaya madali lang nabuksan and my eyes widen when I saw his wallpaper.

"What the hell?"

Napalingon sya dahil sa sinabi ko. Akala ko ay magagalit sya sa akin dahil pinakialaman ko ang cellphone niya pero hindi, bagkus ay isang ngisi ang sumilay sa mga labi niya ng makita niya kung ano ang tinitignan ko.

It's my picture! His wallpaper was my picture. It's a stolen shot of me habang nakaupo sa buhangin sa dalampasigan at nakatingala sa mga bituin. This was taken last night and I wasn't even informed! Although I must commend his photography skills dahil sobrang ganda ng pagkaka-kuha niya sa larawan ko. But still!

"How do you manage to take a photo of me without getting caught?"

"Oh baby, you haven't know my stalking skills yet" Mayabang na saad niya kaya sinamaan ko sya ng tingin, but he just smirked at para bang wala syang pakialam kung nabunyag ang sekreto niya.

Di na ako nag atubili pa at agad na binuksan ang gallery ng phone niya. And my jaw dropped when I saw a lot of stolen shots of me for the past few days. Mayroon ding mga litrato na di ko alam kung kailan niya kinunan.

"What the fuck Fiero? Nakakatakot ka!"

Pero tumawa lang sya. Damn, di ko alam kung masisiyahan ba ako o magagalit. Pinili niyang wag magsalita kaya inirapan ko na lang sya. Pinagpatuloy ko ang paghahalungkat sa cellphone niya hanggang sa mapadpad ako sa kanyang mga mensahe. Titigil na sana ako ng may napansin akong isang mensahe galing sa isang unknown number. It was the the same unknown number who called earlier. Agad ko itong binuksan kahit alam kong magagalit si Fiero pag nalaman niyang nakialam ako sa messages niya.

Hot and ColdWhere stories live. Discover now