Twenty-seven

14.8K 332 122
                                    


"Si Ayumi?"



Pahapyaw na tumingin si Yra sa gawi ko kaya pinanlakihan ko sya ng mata. I signalled her not to tell him at mukhang nakaintindi naman sya kasi nginisihan nya ako.



"Umalis sya kani-kanina lang. Di kayo nagkita sa daan?"



I must treat Yra later, ang galing nyang umarte! Nakaka-proud.



"Ge, salamat"



Nakahinga ako ng maluwag ng tuluyan na syang umalis. Pero wala akong kawala sa mga nangtutuksong tingin ni Yra pagsara nya ng pinto.



"So what's up with that iwas-iwas thingy earlier?" She asked with a smug grin on her lips.



Umiwas ako ng tingin atsaka iniba ang pwesto ko. Inayos ko ulit ang pagkakatali sa sintas ng sapatos ko, nagbabakasakaling maiwasan ko si Yra. Pero pinaglihi yata sa matigas na tinapay ang babaeng to dahil kinulit nya pa rin ako.



"Oy Captain. Ano nga?" pangungulit nya. Sinundot-sundot nya pa ako sa tagiliran kaya tinapik ko ang kamay nya at sinamaan sya ng tingin.



"What?!" Kunwaring naiinis na sambit ko.



"What's with the two of you? Nag away ba kayo?" She wiggled her eyebrows. She really enjoys teasing me. "Bakit mo iniiwasan si Seth?"



"I'm not avoiding him"



"Lol. Wag ako captain. Alam na alam ko ang mga galawang ganyan!"



Di ko na sana sya papansinin ulit pero ang bruha, hinawakan ang balikat ko at pinaharap ako sa kanya, with a wide smile on her face. Tinaasan ko sya ng kilay.



"What--"



"Did he confessed already?"



Natigilan ako. I can feel my cheeks burning kaya iniwas ko ang tingin ko sa kanya.



"Baliw!"



Hot and ColdWhere stories live. Discover now