Thirty-seven

11.9K 278 64
                                    

"Ahm, excuse me? Kukuha lang ako ng tubig"

Sabay kaming napalingon dalawa ni Fiero ng narinig namin ang boses ni Kai. One of Fiero's friends. Nakangisi sya habang nakatayo sa may pinto ng kusina, nagdadalawang isip pa kung papasok ba sya o hindi. Natawa ako't tumango.

Tinalikuran ko na si Fiero at itinuon ang pansin sa niluluto ko. They are now talking in different language. French, I reckon. Di ko sila maintindihan pero parang ramdam ko na ako ang topic nila. Tsk.

"Mukhang masarap yan ah?"

Nabigla ako ng marinig ko ang boses ni Newt, isa pang kaibigan ni Fiero. Nakatungo sya sa niluluto ko kaya't medyo napatalon ako sa gulat dahil narin sa distansya naming dalawa. I heard Fiero cursed sabay hatak kay Newt palayo sa akin. Matalim nyang tinignan ang mga kaibigan nya na ngayon ay natatawa lang habang panay ang sulyap pa rin sa gawi ko.

"What the fuck dude?" Inis na sambit ni Fiero.

Ngumisi lang si Newt sabay taas ng dalawa nyang kamay na para bang sumusuko sya. Napansin nya din siguro ang pagtingin ko sa kanya kaya mabilis niya akong kinindatan. That earned another long hard italian cursed from Fiero. Gumalaw si Fiero at tinabunan ang field of vision ko kaya ang malawak nyang likod ang nakikita ko instead na ang mga kaibigan nya. Naiiling na binalik ko na lamang ang tingin sa malapit ng malutong Adobo at hinayaan nalang si si Fiero na pinagsabihan ang mga kaibigan niya.

Newt is playful, but I can't sense his interest toward me kaya alam kung iniinis nya lang talaga si Fiero. Knowing him, mukhang close na talaga sila dahil alam na nila kung ano ang makakapagpagalit sa lalaking to.

"Umalis nga kayo dito! Tsk"

Yan ang huling sinabi ni Fiero bago natatawang umalis ang dalawang kaibigan niya. Bago sila tuluyang makalabas ng kusina ay sinabihan ko na silang tawagin na din ang ibang kasamahan namin para mananghalian. They nod and immediately went to to the second floor in where the others were resting. That leaves us alone again in this massive kitchen.

"Sorry about them" hinging pasensya nya sa mga kaibigan niya. "Ganyan lang talaga sila, but they're good"

Natuwa ako kasi minsan ko lang makita si Fiero na nakikihalubilo sa mga kaibigan niya. Ang lowkey lang ng pagkakaibigan nila kahit alam nilang pwede nilang gawin kung anong gusto nila. I mean, I hardly heard anything from them. Kung di ko nga lang close si Fiero ay di ko malalaman na magkakaibigan pala sila. They knew each other since high school I guess, I had the chance to meet them once nung hindi ko pa nililigawan si Fiero.

"Umupo ka na" saad ko at itinuro ang mesa.

He shook his head and grab the bowl that I am holding. Siya na din ang nag ayos ng mesa para sa lunch namin and all I did was look at him dahil hindi niya na ako pinayagang tumulong pa sa pagaayos. Nagsandok sya ng kanin at pati na din ng ulam, kasabay nito ang pagdating ng mga kabigan namin. With a shocked expression, my friends slowly entered the dining hall, still staring at Fiero na seryosong nag aayos ng mga kubyertos sa mesa.

"I never thought I'd see Alex doing this" bulong ni Yra sa akin. Tinaasan ko lang sya ng kilay kaya ngumisi pa sya lalo. "Ano Cap? Training for the future na ba to?"

Mabilis na lumipad ang kamay ko sa braso nya at saka siya mahinang hinampas. May tuksong ngiti pa rin sa mga labi niya hanggang sa lahat kami ay nakapwesto na sa harapan ng hapag.

The lunch is great, walang tahimik na sandali dahil sa kaingayan namin. Nakikisabay din kasi ang mga kaibigan ni Fiero sa kabaliwan ng mga kaibigan ko. Puno pa rin ng halakhak ang dining hall hanggang sa natapos kaming kumain.

Hot and ColdWhere stories live. Discover now