Three

20.2K 411 17
                                    

"Baliw na yata"


"Kanina pa ganyan yan"


"Naikwento nya ba sa inyo kung anong nangyari?"


"Hindi. Parang tanga lang eh no?"


"Tanga talaga"


Patuloy pa rin ako sa pag kain kahit na naririnig ko ang mga sinasabi ng kaibigan ko. Bahala sila dyan.


"Captain, oy?"


Nangingiting tumingin ako kay Yra ng tawagin nya ako. Pinanliitan nya ako ng mata kaya tinaasan ko sya ng kilay. Bah? Anong problema ng babaeng to?


"Bakit?" I said while smiling. "Anong kailangan nyo sa dyosang katulad ko?"


"Umamin ka nga sa amin" Jessa stated kaya natuon sa kanya ang atensyon ko.


"Aminin ang ano?" Takhang tanong ko. This time, they caught my attention. Sobrang seryoso kasi ng mukha nila. Am I in trouble without me noticing?


"Nagda-drugs ka ba?"


Nabilaukan ako ng narinig ko ang tanong ni Jessa, teammate ko. Natatawa namang inabot sa akin ni Blaire ang tubig na ininom ko ka agad. Gusto ko sanang batukan si Jessa kaso sa kabilang side sya naka upo kaya tinapunan ko na lang sya ng tingin.


"Baliw ka!" I hissed that made them laugh. "Ang ganda ko naman para maging adik? Letche kayo!"


Masama bang ngumiti? Di ba pwedeng kinikilig pa rin ako hanggang ngayon? Kyaaaah. Di ako maka move-on sa nangyari kahapon. Kinikilig pa rin talaga ako.


"Ayan na naman ang ngiti nya" Kenshi laughed. "Nagmumukha ka talagang baliw"


I am currently having my lunch with my teammates at kaya pala kanina pa sila pa tingin tingin sa akin, may kabaliwan na palang iniisip. Tsk. I should have known better.


"Baliw na nga" Yra stated habang naiiling. "Yaan nyo na yan. Baka mahawa pa kayo"


Why wouldn't I be happy? lumevel-up na kami ng Bibi-bear ko. Hanggang ngayon ay di pa rin mawala sa mga labi ko ang ngiti. He cares. Kyaaaaaaaah. Dapat talaga nag shorts na lang ako ngayon, nakakainis. Bakit ba kasi may uniform pa kami eh.


"Ano bang nangyayari sayo? Sinagot ka na ba ni Alex?"


Lumaki pa lalo ang mga ngiti ko dahil sa naging tanong ni Blaire. Kyaaaaaaah.


"Malapit na" kinikilig na sambit ko. Feeling ko talaga malapit ko ng mabihag ang puso ng lalaking yun. ayiiiieh.

Hot and ColdWhere stories live. Discover now