Four

19K 454 93
                                    


"Captain! Hinahanap ka ng Future husband mo!"



Kasing bilis ng kidlat ang pag lingon ko ng marinig ko ang sinabi ni Jessa. I am currently fixing my things dahil kakatapos lang namin mag practice. It's Sunday and we had our whole day practice since malapit na talaga ang National's. And we need to defend our title. Kami pa naman ang champion last year.



"Bibi-bear!" Tawag pansin ko sa kanya.



Bored na naglakad sya papalapit sa akin, I can feel the stares of my teammates as he shorten our distance. Shit talaga. Para syang naglalakad sa runway.



"Let's go"



I nod my head and stood up. Nakita ko ang pag lakbay ng tingin nya sa katawan ko. He checked me from head to toe kaya medyo na-conscious ako. He's checking me out! And since kaka-shower ko lang, naka white v-neck shirt lang ako at shorts. Nasanay na kasi ako na ganito ang suot after practice, refreshing sa pakiramdam eh.



"What?" Agap na tanong ko ng sa mata ko na sya tumitig.



Kumunot bahagya ang noo nya na para bang may nakita syang di nya nagustuhan but he easily shrug it away atsaka padabog na kinuha ang bag kong nakalagay sa bench.



"Ano yan?" I heard Yra whispered. I just wink at her atsaka malalaking ngiting sumunod kay Fiero.



"Bye guys! Magde-date muna kami ng future husband ko--" Di ko pa man natapos ang sinasabi ko ay naramdaman ko na ang masamang titig ni Fiero sa akin. Kaya ngumiti ako sa kanya at nag peace sign "Joke lang"



Hindi nya na ako pinansin at agad na syang lumabas sa gym. Ng makita kong nakalabas na sya, ay agad akong nagtatatalon sa kilig na sinabayan ni Kenshi.



"Kyaaaaaaah. Kinikilig ako!" parang baliw na sambit ko habang pinipisil ang kamay ni Kenshi. "Eto na talaga feeling ko talaga malapit nya na akong sagutin. Kyaaaaah"



"Aasa na naman sya"



Sinamaan ko ng tingin si Blaire dahil sa sinabi nya. I heard them chuckle kaya sumimangot ako.



"Ang kj nyo. Letche" dabog ko. "Pag ako sinagot nya, wag kayong magpapalibre sa akin!"



"Sige na, sige na. Umalis ka na at baka di matuloy yung lakad nyo. Hala layas!"

Hot and ColdWhere stories live. Discover now