One

28.1K 501 35
                                    


"Ano ba?! Kanina pa ako naghihintay dito! Kukunin mo ba ang order namin o hindi?!"


All eyes are fixed on the center part of the cafe ng may biglang sumigaw. Napahinto ako sa pagsusulat at itinuon ang atensyon sa komosyon na nagaganap.


"S-sorry po ma'am"


The staff slightly bowed her head as a sign of apology pero hindi man lang pinansin ng babae ang apology nya, hence, mas lalo pa nya itong tinignan ng masama. So rude.


"Ano pang magagawa ng sorry mo?! Nasayang mo na ang oras namin. dapat sayo tinatanggal sa trabaho eh! Ang tamad-tamad mo!"


Muling yumuko ang staff at humingi ng paumanhin. Ang kapal ng mukha ng babaeng naninigaw, ang sarap hampasin ng tray. Tsk. Her friend tried to stop her uproar pero panay pa rin ang salita nya. Nangangati ang kamay ko at gusto ko syang sampalin.


"Give us two frappes and blueberry cheesecakes please"


Alam kong pilit na pinipigilan sya ng kasama nya pero matigas talaga ang bungo ng babaeng skandalosa kaya lumapit na ako sa counter kung saan naroroon ang empleyadong pinahiya ng babae. Nakatungo lamang sya at tila pinipigilan ang sarili na maiyak.


"Cheer up Jen" tapik ko sa balikat nya. "Let me handle that rude costumer"


Bahagyang nag bow lang si Jen sa harap ko at dali-daling pumasok sa kitchen para tumulong. Inilibot ko ang tingin sa paligid at medyo nabunutan ng tinik ng wala masyadong nakiki-usyoso.


I can't let that warfreak girl ruin my business tonight. And yes, I own this Cafe kaya di ako makakapayag na ganun-ganunin nya lang ang mga empleyado ko.


After a minute or so, hawak hawak ko na ang mga order nila at nakangiti akong naglakad papalapit. Pabagsak na inilagay ko ang inorder nila kaya sabay silang napatingin sa akin.  And of course, with my sweetest smile, I faced them.


"What the hell is your problem?!"


Tinaasan ko ng kilay ang babaeng clown bago nginitian ng matamis. She really had an attitude problem.


"I'm just serving your orders ladies" I sarcastically stated. "May reklamo ka?"


"I'm a costumer at empleyado ka lang!" Pagalit na tumayo sya at tinuro-turo ako. Damn. This woman is getting on my nerves. "Wag kang umasta na parang ang taas taas mo dahil pinapasweldo ka lang dito!"

Hot and ColdWhere stories live. Discover now