Chapter 26 - Just the two of us

Magsimula sa umpisa
                                    

"palawan dad" i replied

"palawan huh!! i bought resthouse there you use it" alok nito sakin

"thanks dad, but we have already a place to stay" pagtanggi ko naman sa alok nito

"ok but when you need it just call"

"thanks dad" ani ko at niyakap ito

Narinig ko na ang busina ng service namin papuntang airport kaya naman agad akong nag-paalam sa kanila at lumabas ng bahay

"baliw ka na talaga sa pag-ibig tsong!!" sigaw ni greg na nakasilip pa sa bintana ng van

Kumaripas ako ng takbo patungong van and sabay sabay sumigaw ang barkada PALAWAN HERE WE COME!!

=======================================================

ACE POV

40minutes din ang tinagal ng biyahe namin bago makapunta ng puerto prinsesa sa palawan pag baba namin ng eroplano ay ibang iba ang simoy ng hangin kung ikukumpara sa manila, walang polusyon para bang napaka fresh pa ng hangin. Sa airport ay may mga sumalubong sa amin at may service vehicle na nakaabang

"Good morning sir" bati sa amin ng tatlong kalalakihan na siya ring kumuha ng aming mga bagahe at isinakay sa may van

"Good morning din" bati rin ng daddy ni dominic at sumakay narin kaming lahat sa van

"sino ba yang ka-text mo?' sita ni dominic sa akin habang kinakalikot ko yung phone ko

"si jaira lang tinatanong kung saan daw tayo mag i-stay! saan nga ba?" tanong ko naman dito

"sa sunlight guest hotel daw sabi ni dad" sagot naman nito sakin

"ok" at ginantihan ko lang ito ng isang matamis na ngiti

Tinext ko naman kay jaja yung pag tutulugan naming hotel dahil kanina pa ako kinukulit nito pagkababa palang ng eroplano walang humpay ang kakatext sa akin. Ilang saglit pa ay nakarating rin kami sa aming pupuntahan napanganga talaga ako sa ganda nung hotel and yung view grabe breathtaking! sa tingin ko this is the place na makakatulong sa akin na makalimot muna sa mga problema

Sa Entrance nung hotel ay may mga sumalubong sa aming mga babae, inassist kami ng mga ito patungo sa isang lounge kung saan may mga pagkaing nakahanda na

"enjoy your breakfast sir" sabi ng mga ito at iniwanan na kami

"ang ganda naman dito honey" wika ni tita jeane

"oo nga, sa susunod na punta natin dito bakasyon na talaga ang gagawin natin oh kumain na tayo" ani naman ng daddy ni dominic

"enjoyin mo lang ang bawat sandali ah" mahinang bigkas ni dominic na agad ko namang sinagot ng tango

Natapos at naubos namin yung prinipare na breakfast sa amin! napakasarap ng pagkain nila dito. Bumalik naman yung kaninang mga babae na sumalubong sa amin

"sir okay na po yung mga rooms na pagpapahingahan niyo" sabi ng mga ito kaya naman ay agad kaming tumayo mula sa aming kinauupuan at sumunod dun sa mga babae

"madam and sir ito po yung key sa room niyo ROOM308 at yung dalawang boys sa ROOM309 ito yung key niyo"

"salamat" ani ni tita jeane dun sa babae

Pinauna na kami nila tito at tita sa room namin at may pupuntahan pa daw sila, habang naglalakad naman kami papunta sa room namin ay napansin ko na abot tenga ang ngiti ni dominic

Ang kaaway kong sweet lover (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon