Chapter 90: Comeback

215 2 5
                                    

Angel Point of view

Hapon na at wala pa sila Kuya. Sabi niya bibilisan nila ang pag aayos para mabilis silang makabalik.

Ang bilis nga...

Tiningnan ko ang phone ko 3 pm na, maganda nadin ang sikat ng araw, hindi tulad kanina na masakit sa balat.

Nawala din si Yuan at may gagawin pa daw siya. Sinabi pa naman nila Kuya na samahan niya ako. Pero aalis din pala siya.

Ano paba aasahan ko don? Iniwan naman na niya ako dati pa...

May nag text lang sa kanya umalis na kagad siya, hindi kasi ako importabte kaya ganun ganun nalang niya akong iwan dito.

*toot *toot

From: Kuya

Wear something comfortable. Susunduin kita diyan.

Wear Something Comfortable daw edi damit. Pero anong klaseng damit?

Timingnan ko ang mga dala ko at tanging ito lang ang tingin kong komportableng isuot.

Maxi dress off shoulder na floral print, kulay white siya. At halatang komportable at masarap isuot. Pumunta akong cr para don nalang magbihis.

Pagkabihis ko inayos ko lang ang itsura ko, sinuklay ko lang ang buhok ko at naglagay lang ng powder sa muka. Okey na'to. Baka kung ano sabihin ng mag susurprise. Mukang ako pa yung pinaka bongga don pagdating ko.

" Angel, nakaayos kana ba?" Tanong ni Kuya na nasa labas na mukang kadadating lang.

Lumabas na ako at dinala lang ang phone ko. Incase na mabored ako don mamaya.

" Okey na, tara na?" Aya ko sa kanya pagkalabas ko.

Tiningnan ko 'tong kumag na kuya ko na'to at nakangiti pa, mukang may iniisip.

Binatukan ko siya "ano ba nginingiti mo diyan?" Tanong ko sa kanya. Ang sama naman kagad ng tingin niya sakin.

" Wala kana don." Sabi niya at binatukan din ako. Taena nito ah!

Binatukan ko din "muka kang tanga." Sabi ko sa kanya

"Bilisan mo nga, baka mahuli na tayo." Sabi niya at nag patiuna ng maglakad.

***

Hindi kalayuan, nakikita kona ang ayos sa tabi ng dagat.

Ang ganda, ang romantic tingnan. May parang kubo sa gilid na baka tatambayan nila pamaya maya. Sa hindi naman kalayuan dun sa parang kubo, may mga ayos nadin, hindi ko pa nakikita dahil maliit tingnan sa malayo.

Paglapit namin don ay may mga kahoy na nakatulos sa buhangin. Halatang papuso ang Tulos nayon. Sa tuktok ng kahoy ay may ilaw. Siguro mamaya yun pagdilim sisindihan.

May mga kandila din sa buhangin, nakakalat lang. May mga petals din ng rose  na nakakalat katulad ng kandila. Parang date 'to eh.

May mga kartolina din na hawak ang barkada ni Kuya at pinang pupukpok pa nila sa isa't isa. Ang ingay ingay din nila, ang sarap tuloy makisama sa pag uusap nila.

Nakikita ko din si Aice at si Sufra na nagtatawanan habang nag hahampasan ng kartolina.

Ganyan din kami dati eh...

" Ganda no?" Bulong sa akin ni Kuya na tinitingnan din ang ayos.

" Oo, ang swerte ng babaeng isusurprise mamaya. Sino ba diyan sa kanila ang isusurprise?" Tanong ko kay Kuya habang tinitingnan ang mga babaeng kasama namin.

The Girls Revenge  (Book ll)  COMPLETEDWhere stories live. Discover now