Chapter 26: Music Cover

228 3 0
                                    

Nadine point of view

Nakasakay na kami sa isang sasakyan papunta sa Dreamer Ent. May mga nakasunod na din sa amin na mga Van sakay ang mga staff at ilang mga bodyguards.

Kahapon palang kasi, kalat na pupunta na lahat ang mga Grupo na hawak ng Dreamer Ent. Para sa gagawin na kanta. Ewan ko ba kay Manager at may paganito pa para sa Anibersaryo ng Kompanya.

Pagdating namin don nanlaki ang mata ko ng may mga harang na at may mga Ibang Guard na hinaharang ang mga tao na may mga dalang Banners at iba pa. Nakaka-touched din dahil karamihan ng mga yun ay mga pangalan namin at ang iba may mga Pa-tarpulin pa. So Sweet.

Pagbukas ng pinto ng Van napapikit nalang ako ng madinig ko kung gaano kaingay dahil sa mga taong humihiyaw at tumitili.

Malayo pa ang lalakadin namin bago makapunta sa harap ng Dreamer Ent. Habang nag lalakad kami hindi namin maiwasan na tumingin sa mga Fans namin. Kinakawayan ko nalang silang lahat at nginingitian. Baka kasi pag nilapitan namin sila baka bawalin at pagalitan kami ng mga Staff. Marami kasi silang mga dahilan. Hindi naman namin alam

" Noona, punta tayo sa kanila" dinig ko na sabi ni Iah kila Angel. Nilingon ko naman sila at nakita kona, na nakahinto nga sila at pinipilit ni Iah si Angel na lumapit. Kanino  naman?

" Baka hindi Pwede, tsaka mahirap na malay mo may Basher ka sa mga yan at bigla ka nalang pagtulungan." Sabi sa kanya ni Angel

" Hindi naman siguro Noona" sabad ni Hana. " Sige na, basta wag nalang tayong masyadong malapit sa kanila " dagdag pa niya

" Teka, ano ba pinag uusapan niyo. Pumasok na tayo sa Ent." Sabad ko sa kanila

" Wag muna Noona, lalapitan pa natin yung mga Fans natin" sabi sakin ni Danielle.

" Oh eh, sige sige. Tara na" sagot ko pero hinila ako bigla ni Danielle

" Mag papaalam muna tayo sa mga Staff kung pwede" bulong niya sakin.

Nilapitan ko naman ang mga staff na nakangiti na mag hihintay samin.

" Ate Niyell pwede ba kami lumapit sa mga Fans?" Paawang tanong ko sa isa sa Staff na malapit samin. Actually silang lahat naman.

" Go ahead. Medyo maaga pa naman. Sige lang" nakangiting sagot naman niya.

" Thank you Ate Niyell" sabay yuko ko sa kanya at yumuko din siya. Lumapit na ako sa mga kamiyembro ko na nakatingin sakin

" Ano daw?" Tanong sakin kagad ni Angel

" Tara, hindi pa naman daw tayo late." At nagpatiuna na sa kanilang mag lakad.

" Helloooooo" sabay kaway ko sa mga Fans na mamatay matay na kakahiyaw at kakatili.

" Hi kamusta kayo?" Masiglang sabi ni Iah sabay nakipag kamay sa mga Fans na nasa unahan lang. Yung Guards wala ng nagawa dahil lumapit na kami pero nakabantay padin.

" Hi Salamat sa suporta niyo" sabi din ni Danielle sa ibang Fans

" Oops Ate! Ate iwasan po natin na mag tulakan ha? Para wala pong masaktan sa inyo." Sabi naman ni Denice sa kabila.

" Ate Angel Papicture po!!" Sabi ng isang Fan. Lumapit naman si Angel at nag picture sila.

" Pawis na pawis ka na Bunso, halika dito" sabi ni Hana na nakakuha ng pansin namin. Lumapit siya sa batang babae na mataba at ang Cute niya. Pinunasan ni Hana yung bata at sinapian ng Towel sa likod. Napansin ko din na may mga nag pipicture habang ginagawa ni Hana yon.

" Halika dito Be, mainit" sabi ni Iah habang nakikipag usap sa mga Fans na abot tenga ang ngiti. Lumapit si Iah ng sobrang dikit sa mga Fans at pinaypayan lahat.

The Girls Revenge  (Book ll)  COMPLETEDWhere stories live. Discover now