Chapter 34: Slap

201 2 0
                                    

Iah point of view

" Iah can we talk?" Tanong sakin ni Drake na mukang nahihiya pa. Naalala ko na naman yung ginawa ng Gf niya kahapon.

" About what? " walang ganang tanong ko sa kanya. Pag nakikita ko siya naaalala ko yung jowa niyang, nevermind.

" About Collab " na naman? Hindi ba matatapos yung pag uusap namin don.

" Na naman? Collab na naman?" Sagot ko na may halong pagkainis at pagkainip

" Kase kailangan talaga natin yung pag handaan. Kung ikaw ayaw mong makipag participate, sana pina-cancel na nga lang talaga natin 'to. Hindi ko naman din gusto yung ginagawa natin na'to! " Inis na sabi niya sakin. Na-guilty naman ako sa sinabi niya pero may konting inis akong naramdaman.

" Okey. Kung napipilitan ka lang, bakit hindi na nga lang natin i-cancel diba? Kesa naman na nag titiis ka?" Tanong ko sa kanya

" I-im Sorry. Please, pag usapan na natin 'to" nagmamakaawang sabi niya sakin. Ilang segundo kong tinitigan yung muka niya bago ko tumingin sa ibang gawi.

' Ngayon ko nalang nakita yung ganitong mata na nag mamakaawa sakin, nakakamiss din pala yung Itsura niya'

" Iah? "

" O- oh? Tara pag usapan na natin." Nag patiuna na akong maglakad sa kanya hanggang sa makapunta kaming likod ng Clark.

" May naisip na ako na kakantahin natin para sa Collab natin dalawa" sabi niya sakin. Napatango tango naman ako.

" Nice, anong kanta naman yon? " tanong ko sa kanya

" Sad song"

" S-sad Song?" Pag uulit ko sa sinabi niya

" Oo, baket may problema ba don?"

" Wala "

' Meron'

" Eh yung para sa Mr. And Ms. Campus?" Tanong ko ulit sa knya

" Actually, hindi na tayo ang mag iisip nun. Admin nalang daw. " sagot niya.

Ayusin naman sana nila yung pag pili nila ng sasayawin namin ni Drake.

" So, wala na ba tayong pag uusapan?" Tanong ko sa kanya

" W-wala na, aalis ka ba?" Tanong niya sakin

" O-oo. " sagot ko

" May klase tayo diba?" Nagtatakang tanong niya

" Mag cu-cutting ako. Iinom kami ngayon nila Athena." Ayan sinabi ko na mg buo incase na mag tanong pa ulit siya.

" Kelan ka pa naging ganyan? " seryosong tanong nya sakin. Pero sa mata niya alam kong may galit.

' Common Drake, wala na tayo. '

" Matagal nakong ganito, hindi pa tayo. " nakangiting sagot ko sa knya.

" Iah, pwede ba? Wag mo naman lunurin sa alak yung sarili mo. Muka ka ng nag rerebeldeng tao sa ginagawa mo---"

Sinampal ko siya, hindi ko alam kung baket. Siguro dahil sa sinabi niya sakin.

" Wala kang karapatan na pigilan ako sa lahat mg gusto ko. At higit sa lahat hindi pag rerebelde ang pag inom inom lang. Sino ka ba para mangielam sakin ah?!"

" Ako yung tao na kasama ka ng ilan taon dati. Ako yung nakapag tuwid sa mga maling gawain mo. Ako yung lalaking minahal mo--"

" Pwede ba, wag mong isumbat sakin lahat yan. Dahil lahat ng yan! Burado na sa isip ko! Kung dati nabago mo'ko, edi salamat. Binago mo din naman ako nung iniwan moko eh." Namuo yung luha ko sa mata ko, kaya mas pinili ko nalang na umalis kahit na marami pa akong gustong sabihin sa kanya.

The Girls Revenge  (Book ll)  COMPLETEDOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz