Chapter 41: I still...

178 1 0
                                    

Third person Point of view

After 4 days...

*Studio

Ngayon ang araw na mag Cocover ng kanta sila Danielle, Denice at Iah.

Napag desisyunan ni Manager Edrick na sa Public Studio ipadala ang tatlo. Pati nadin ang ibang miyembro sa ibang Grupo na hindi din pumasa sa Standards ni Manager Edrick.

Isa na dito sila Klint, Zeann, at Drake. Sila Ken, Zyro, at Andrei na seryoso lang na pinapanood sa labas ng Studio ang kumakanta.

*****

(Np; Bulong- December Ave.)

Habang kumakanta si Danielle ay wala sa labas ang paningin niya. Ang nasa isip niya lang ay ang kanta niya.

At hindi niya alam na pinapanood siya ni Ken na manghang mangha sa boses niya. At si Klint na titig na titig sa kanya.

Habang nasa gitna ng pag awit si Danielle ay nagtaka siya ng muka ni Klint ang biglang nakita niya sa Imahinasyon niya.

Samantalang hindi alam ni Klint kung bakit napapatitig din siya kay Danielle. Puno ng lungkot ang puso niya habang nadidinig niya ang pag awit ni Danielle. Nagtataka siya kung dahil lang iyon sa boses ni Danielle.

-----

Pagkatapos umawit ni Danielle ay pumalit na sa kanya si Klint sa loob.

Si Klint naman ngayon ang nag hahanda sa pag awit niya.

" Tara" bulong ni Ken sa dalawa na si Zyro at Andrei na malungkot ang muka dahil hindi nila mapapanood ang Dalawang babae na ginugusto nila.

" Hindi ba pwedeng mamaya na. Si Danielle napanood mo, sila Iah hinde" nakangusong sagot ni Andrei kay Ken

" Ugok ka. Pinapatawag tayo ni Appa. Bakit daw nawala tayo bigla eh may gagawin pa daw. Tara na" Sagot ni Ken. Sumunod nalang ang dalawa na naniningkit na ang mata.

Ngayon naman ay si Denice at Iah nalang ang babaeng nandon kasama ang dalawang lalaki na si Zeann at Drake na kaaalis lang din.

Si Danielle ay walang emosyon na naglakad papuntang Meeting Office. Hindi man lang natapunan ng tingin ang dalawa sa labas na nag hihintay.

Umalis si Drake at Zeann sa pwesto nayon at walang kibuan na naglakad papunta sa kung saan sila dalin ng paa nila.

*****

Nasa kalagitnaan ng pag kanta si Denice ng biglang nahagip ng mata niya si Zeann na nakapamulsang naglalakad papunta sa Waiting Area at umupo don.

(Np; Sa ngalan ng pag ibig- December Ave.)

Seryoso lang na nakaupo si Zeann sa labas na hindi tinitingnan si Denice  na kumakanta. Pero sa sarili niya ay muka ni Denice ang nakatatak sa utak niya.

Nahihiya siyang tingnan ang Babae. Kinakabahan, naiilang. Ayaw niyang mahuli siya nito na nakatingingin siya.

Pagkatapos ng pag record ay nag thumbs up lang ang isang Staff. Lumabas si Denice na walang sabi sabi sa Recording Studio at dumiretso na sa Meeting Room.

Ngayon ay si Zeann na ang pumasok at nag simulang kumanta.

Si Iah naman ay seryosong nag hihintay padin at sa iisang Direksyon lang nakatingin dahil nasa gilid niya si Drake na nag hihintay lang din.

Hindi Komportable si Iah na nandon kaya umalis muna siya at nag puntang labas. Ayaw niyang nararamdaman o nakikita niya si Drake.

Nasasaktan pa din siya. Sobrang sakit pa din para sa kanya.

The Girls Revenge  (Book ll)  COMPLETEDWhere stories live. Discover now