Chapter 71: We meet again

182 4 1
                                    

Rhake point of view

" Nandito  pala si Iah" sabi ng Driver namin.

Napatingin naman kami sa isang magarang sasakyan na nasa harap namin na hindi kalayuan.

Hindi kami gumalaw at hinintay muna namin kung sino ang lalabas sa Kotseng yon.

Halos hindi kami makagalaw at mukang nakadikit na ang mga paa namin sa kinatatayuan namin.

Si Iah nga...

Kalalabas lang niya sa sasakyan niya at hindi ko maitatanggi na malaki ang pinagbago ng itsura niya. Lalong humaba ang Buhok niya at pumayat pa siya na bumagay sa kanya. Dumagdag pa ang suot niya na Track Pants at naka croptop na Maroon na ikinaastig niya lalo.

Nagkatinginan kaming anim at sabay sabay na tumingin kay Drake.

Nakatingin siya kay Iah at ganun din si Iah sa kanya.

Nang maramdaman niya na nakatingin kami sa kanya ay umiwas siya ng tingin kay Iah at sa gilid lang tumingin.

Naging tahimik ang lahat. Ilang minuto kaming tahaimik don, wala man lang nagtangkang mag salita o gumalaw man lang.

Tumingin ako kay Iah at nginitian niya ako. Kahit papaano pala ay pinapansin niya pa din kami. Kahit may hindi may magandang napagdaanan dati ay ngumingiti pa din siya samin pag nakikita namin siya.

Umalis na siya don at pumasok na sa Galleria Foret.

Naglakad nalang din kami papasok don. At siyempre nakaharap namin lahat ng Staff sa Hotel na'to.

Pero teka, bakit nandito si Iah? Hotel 'to diba?

*******

Bago kami pumasok sa sari-sarili namin Room ay kinwento sakin ng isa sa staff na kasama namin dito. Sinabi lang daw sa kanya yon ng Staff dito sa Hotel.

May Condo pala dito si Iah. Marami din daw na Taong may Condo dito.

As usual, dito sa 69th Floor din ang Room namin. Dito malapit sa Room ni Iah.

____________________

Drake point of view

Sinabi kanina ng Isang Staff na kung gusto namin mag swimming ay dun lang daw sa 70th Floor. Private pool daw yon at iilang tao lang daw ang pumupunta don. Dahil bukod sa tahimik ay walang Bar. Hindi tulad sa baba na may Party Party at may mga nag iinuman.

At dahil init na init ako ay mag su-swimming muna ako.

Dinala ko ang Sigarilyo ko, incase na mag hanap ako ng alak. Sigarilyo lang ang pinapalit ko pag hindi ako makainom ng alak.

Bumalik yung bisyo ko after 2 years. Hindi ko alam. Kusa ko nalang hinanap yon pag gising ko ng maga.

******

Pool

Pagdating ko sa 70th floor. Hindi na ako nagulat sa itsura nito. Dahil kanina pa ako namamangha sa Galleria na'to.

Malinis ang tubig. May ilaw sa paligid na kulay Silver na nag papalit ng kulay Violet. Perfect. Mukang marerelax ako dito.

Wala din madaming tao, pero may isang tao akong naaninag. Nakaupo siya sa tabi ng pool.

Naka tube na kulay Black at nakamaong shirt. At nakaladlad ang mahabang buhok na kulot sa dulo.

Hindi ko nalang pinansin payon dahil mas gusto kong mag focus sa pag swimming ko.

The Girls Revenge  (Book ll)  COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon