Chapter 84: Mahal kopa ba siya?

178 4 2
                                    

Danielle point of view

Weird

Ayan ang salitang nasa utak ko ilang linggo na. Ang dami kong napagtanto, sobra...

Ilang linggo lang simula nung nag hiwalay kami ni Ken pero bakit parang limot kona?

Bakit limot kona kagad siya?

Bakit yung kay Klint umabot ng buwan hanggang sa maging taon na? Pero bakit siya, linggo lang wala na, wala nakong nararamdaman na sakit sa kanya.

" Danielle, ano nga pala itatanong mo sakin?" Tanong sakin ni Klint.

Ilang beses na siyang nag pupunta sa bahay namin at wala naman problema yon, wag nga lang mapangaabot kila Noona na kasama ko siya. Dahil kundi, paktay na!

" Naguguluhan kasi ako, and at the same time, nagtataka." Sabi ko sa kanya. Minsan nadin akong nag sasabi ng sikreto ko sa kanya. Ewan, may tiwala naman ako sa kanya. Ganito din naman ako sa kanya nung kami pa. Boyfriend na sandalan pa.

" Baka naman gusto mo ng sabihin sakin? Naguguluhan nadin ako and at the same time, nagtataka." Birong sabi niya pero hindi niya ako napatawa. Napansin niya din siguro yon kaya nag seryoso na siya.

" Diba alam mo naman kung gaano ko kamahal si Ken?" Tanong ko sa kanya. Kung kanina nag seryoso siya, nag seryoso pa siya lalo ng marinig niya yon.

" O-oo" sagot niya.

" Pero nag tataka ako, sobra ko siyang minahal. Sobra din akong nasaktan ng makita ko siyang may iba ng babae. Pero itong linggo lang, parang nakalimutan ko na kagad siya. Yung parang hindi na ako nasasaktan at umiiyak sa kanya." Sana naman may ma-advise 'to. Kailangan ko lang talaga...

" Danielle, hindi porket minahal mo siya ng todo at nasaktan ka din ng todo, ibig sabihin non matagal mo na siyang makakalimutan. Merong mga tao na, kahit gaano pa nila kamahal ang nangiwan sa kanila, kung willing niyang kalimutan yon. Magagawa niya kagad, tulad mo, narealize mo nalang ngayon na limot mo na siya."

Hindi naman ako nag kamali,, ang ganda ng advise niya...

" Ganom ba yon, pero bakit sayo?" Napahinto nalang ako ng dire-diretso kong itanong sa kanya yon. Nakakahiya. Nakita ko naman na nakataas ang isang kilay niya at nag hihintay ng kasunod. Parang ayoko ng ituloy! Pero mahahalata niya yon pag hindi ko tinuloy... " Bakit sayo nung iwan moko umabot ng buwan hanggang sa naging taon na bago kita kalimutan? Kung hindi lang siguro nag paramdam sakin si Ken hindi ko makakalimutan yung nararamdaman ko sayo" nakangusong sabi ko sa kanya. Nakangisi naman ang ugok.

'Ang unfair! Parang nadadayaan ko yung sarili ko, pareho ko naman silang minahal ng sobra pero si Klint talaga ang nag pahirap sakin..'

" Isang sagot lang yan, kase... Hindi mo talaga ako gustong kalimutan kaya hindi mo yon magawa gawa ng mabilisan." Sabi niya at ngumiti.

" Ano--"

" Pagkumparahin mo, ako at si Ken. Pareho mo kaming naging Boyfriend diba? Ilang linggo lang ang kanya, pero nakalimutan mo kagad feelings mo sa kanya. Inshort ang bilis mong maka moveon sa kanya, nagawa mo yon kasi kaya mo at gusto mo. Tama ba? Eh sakin, ginusto mo ba talaga akong kalimutan dati nung iniwan kita?" Tanong niya sakin. Tumango naman ako

" Ginusto mo, pero iba ang gusto sa ginusto. Kasi ang ginusto parang napipilitan lang. Pero sa gusto, para siyang willing talaga diba?" Napatango tango nalang ako. Tama naman siya, naintindihan ko kagad.

" At alam mo din ba kung bakit hindi mo ako malimot limot dati?" Tanong pa niya. Umiling naman ako, sigurado siyang alam niya? Wow ha, manghuhula lang ang peg.

" Kasi mahak mo ako, at ayaw mo akong kalimutan dahil mahal na mahal mo pa ako. At hindi mo kaya." Dagdag pa niya. Totoo naman.

" Buti naman alam mo kung gaano kita kamahal. Hindi ka naman pala manhid" sabi ko sa kanya. Hindi naman siya nakasagot don.

" Pero Klint, salamat." Seryosong sabi ko sa kanya.

" For what?" Takang tanong niya.

" because we were broken before" sagot ko sa kanya, hindi pa din nawala ang pag tataka sa muka niya.

" Nag hiwalay na nga tayo, nakuha mo pang mag pasalamat" sabi niya. Ngumiti naman ako sa kanya

" Kaya nga salamat. Because I saw Ken again and I loved him again, just as I loved him first when we first came." Nakangiting sabi ko sa kanya. Kitang kita ko naman kung paano nalukot ang muka niya at lumungkot yon.

reason why I forgot you and because of him. He's my love that you should still be up to now...

" And thanks again, because you're the reason why I forgot him." Dagdag kopa.

" A-ako?" Sabi niya at tinuro pa ang sarili.

" Oo, ilang linggo na kitang nakakasama, lagi akong nag eenjoy pag kasama kita. Kung kaya't hindi ko alam na naka move on na ako sa kanya. Salamat sayo" sabi ko sa kanya.

" You are different, Danielle. Ibang iba ka talaga. Ikaw yung babaeng iniwan na pero nag pasalamat pa nung huli." Napatawa nalang ako sa sinabi niya, tawang pilit.

'Kasi siya ang permanenteng minahal ko habang wala ka... Habang kasama mo si Maddie'

" Klint may aaminin ako sayo" natatakot ako...

" Go ahead" sabi niya

" K-klint, oo minahal ko si Ken, naging kami nga diba? Pero, ang totoo, hindi ko talaga siya minahal ng tulad ng pag mamahal ko sayo. Dahil sabi ko nga sayo dati, ibang iba ka sa kanya. Nung naging kami hindi nawala ang takot ko sa kanya, kasi nga sinaktan niya na ako dati. Napagbabagsakan niya ako ng kamay. K-klint, nung kami pa, hindi ka nawala sa utak ko. Yung tipong kahit kami na naaapektuhan pa din ako pag naririnig ko pangalan mo." Seryoso lang siyang nakatingin sakin at parang tinitingnan niya ako na parang inaalam kung totoo ang sinabi ko sa kanya.

" Totoo naman, pero alam moba kung bakit apektado ka pa din sakin kahit nung kayo na?" Nakataas na kilay na sabi niya. Umiling nalang ulit ako. Sa tingin mo sasabihin kopa sayo yan kung alam ko naman kung ano ibig sabihin non! Boploks na'to

Okay kalma...

" Because you still loved me..."

M-mahal kopa nga ba siya?

" Maybe you're right"

_______________________________

Gagong Klint, kelan pa siya naging manghuhula? Lahat nalang alam niya..

Ito naman Danielle na'to, kunwari ka pang nakalimutan mo na siya! Hindi pa din pala! Ang engot mo talaga!

TAKE TIME TO READ THIS!!!! (KAILANGAN NIYO 'TONG MALAMAN)

So diba nga, may pa engrish engrish kayong nababasa diyan, kung feeling at alam niyong mali ang mga grammar, pag pasensyahan niyo na, Google translator ang may kaslanan diyan. Labas ako diyan! Hindi nga ako marunong mag english eh HAHAHA

So yon, sana sa mga husgahero/ husgahera diyan na mag sasabi 'kung sakali' na bobo ako at hindi marunong mag engrish engrish! HAHAHA

Google translator ang may mali, sila ang sugudin niyo. Wag ako ah...

Yown lang and DONT FORGET TO VOTE AND COMMENT. WAG KAYONG TAMAD, ISANG CLICK LANG VOTE NA DI PA MAGAWA, ANG DAMOT AH!


The Girls Revenge  (Book ll)  COMPLETEDOnde as histórias ganham vida. Descobre agora