Chapter 2: Pictorial

602 6 0
                                    

Iah point of view

Nakahanda na ang lahat na isusuot ko mamaya sa pictorial ko para sa Debut ko. Wala pa din akong gana at pansin din nila Noona yon na nakatingin lang sa akin habang inaayusan ang buhok ko.

Hanggang ngayon si Drake padin yung iniisip ko. Ayaw na niyang maalis sa utak ko. Para bang kahit saan ako tumingin muka niya nakikita ko.

" Miss Iah, tara na po isusuot niyo na po ang Gown" Inakay nila ako papasok sa isang room lara dun nila maisuot sakin yung Gown.

Paglabas ko nandon sila Kuya Ken. Ano ginagawa nila dito?

" Ayy Wow naman,ganda ng Gown mo ah? Pahiram mamaya ah?" Nang aasar na naman. Kaya ayokong nakikita ito eh

" Ano ba ginagawa niyo dito?!" Inis na tanong ni Danielle kay Kuya Ken. Bakit ba tuwing nakikita niya yon naiinis siya?

" Bakit ka ba nagtatanong ha?! Kung ikaw nga nandito ka din tinanong ba kita?!" Balyaw ni Kuya Ken. Hindi naman nakasagot si Danielle. Nagtawanan naman lahat

" Okey Okey! Iah Pwesto na! " inakay ako ng Baklang nag aayos sakin sa harap.

" Smile " Ngumiti ako pero ang tagal mag flash ng Camera. Nakakangawit na

" Iah, wag fake smile. Isa pa, yung maayos" Ha? Peke?

Ngumiti nalang ako ng may halong pagtataka.

" Iah, Ngiti...yung masayang ngiti"

" H-ha?" Ang gulo nila. Peke ba yung ngiti ko mukang hindi naman ah

" Ngumiti ka kasi! Para kang natatae diyan eh!" Hiyaw ng nasa likod ng photographer na sila Andrei.

Pinilit kong ngumiti at mag kunwaring masaya. Kakalimutan ko muna si Drake ngayon, kahit ngayon lang

" Perfect Shot! Okey! Mamaya naman ah! Pahinga ka muna" Sabi sakin ng photographer at inakay na ulit ako ng mga staff papuntang room para makapag palit muna ng damit

------------------

" Huy" Tawag sakin ni Danielle na katabi yung lima.

" Bakit?" Tanong ko sa kanya

" Aalis tayo mamaya " Nakangiting sabi niya. Saan naman kami pupunta?

" San tayo pupunta?"

" Basta"

Nag usap usap pa kami hanggang sa mag pictorial na ulit ako.

----------------------------------

Huminto yung sasakyan ni Nadine Noona sa isang park? B-bakit dito sa park na pinupuntahan namin dati ni Drake.

" A-ano gagawin natin dito?" Nag katinginan silang lahat bago mag salita yung isa

" Diba sabi mo gusto mo siyang makipag balikan sayo? Ito na yung Chance. Go talk to him now. Hintayin ka namin dito " Napangiti ako sa sinabi nila at dali daling lumabas ng sasakyan.

Teka? Nandito kaya siya?

Tiningnan ko muna yung buong paligid at nakita ko nga siya na mag isang nakatayo habang nakatitig sa Fountain.

Naglakad ako papunta don hanggang sa matabihan ko na siya

" Sorry, I'm so sorry" bulong niya habang nakatingin sa fountain.

" Drake" Gulat na gulat siya ng tinawag ko siya

" I-Iah "

" Sino kausap mo diyan? "

The Girls Revenge  (Book ll)  COMPLETEDWhere stories live. Discover now