Chapter 4: Iah's Birthday

354 6 0
                                    

Daze point of view

Nakagayak na kaming lahat. Malapit ng mag 5pm kaya pupunta na kami don sa Venue. Excited na ko na makita ko si Iah na nakagown at nag eenjoy sa araw niya.

"Uyy Daze tama na yang Daydream mo nayan! Tara na baka malate tayo!" Masyadong excited yung Lola namin. Sino pa nga bang Lola? Edi si Nadine Noona...

" Anong oras nga pala mayayari yon?" Tanong ni Danielle Noona. Yung tapos talaga yung inaantay niya?

" Hanggang hatinggabi yon, Gusto mo magpaabot ka ng tatlong araw don pwedeng pwede." Namilosopo pa! Aishhh ayokong umalis bukas. Nakakainis naman oh!

" Uyy Guys, sabi sa Tweet ng isang Fan ni Iah. 3000 Visitors daw ang pupunta except pa daw sa mga Politiko na pupunta don. Oh my ang daming tao. " sabi ni Hana Noona habang nakatutok sa phons niya. Pahirapan yan mamaya. Baka hindi namin yon maienjoy at itago na naman kami para hindi madumog.

Pagdating namin don, naabutan namin na sobrang daming ilaw at sobrang daming tao. Ang ganda as in super ganda. Ang daming mga bulaklak sa paligid. Nandon na din yung Upuan ni Iah para mamaya. Nakaayos na lahat at sobrang daming pagkain na nakahanda sa isang gilid.

Yumayanig din yung lupa dahil sa sobrang lakas ng Sounds. Nakakaduling din yung mga ilaw na nag gagalawan.

" Girls, follow me. Pupunta tayo sa Room kung nasaan si Iah. Kanina pa niya kayo pinatatawag. Geshhh! Kanina pa meh na haggard. " sabi ng isang bakla. Sumunod naman kami sa kanya at nakita namin si Iah na sinusuot ang Gown niya...

" Wow Iah, your so Gorg" Bati sa kanya

ni Denice Noona. Mukang nagulat pa yung muka ni Babae ng tawagin siya.

" Ang gaganda niyo din. Teka mag picture taking muna tayo dali" Mukang masaya nga siya ngayon. Napatitig nalang ako sa mga muka niya. May lungkot pa din sa muka niya pero tinatabunan niya ng mga tawa.

" Oh say Cheese!" Ngumiti kami sabay flash ng Camera.

Mukang sobrang saya mamaya.

Tiningnan ko lahat ng mga nakapila na isuauot ni Iah. Ang gaganda ng mga gown niya so Tatlong gown pala ang isusuot niya mamaya.

At may pitong, damit na pansayaw na Itim? Para saan yon sino naman yung sasayaw mamaya?

" Iah para saan yung Pitong damit nayan? May mag peperform ba mamaya?" Wow naman. May mag papasabog pa pala mamaya

" Oo"

" woww sino? "

" tayo" nakangiting sagot niya.

"H-ha? " k-kami? Sigurado siya

" Tayong lahat mamaya pag katapos kong mag speech mamaya sa Harap. Wala na kayong po-problemahin diyan dahil ayos na lahat yan.

" P-pano yon wala tayong nakagayak na sasayawin?" Sabat ni Denice Noona

" Meron na, alam naman natin yung Solo ni Iyaz diba? Yun yung sayawin natin" sabat ni Angel Noona.

" Alam mo na ba ito?" Tanong ni Hana Noona kay Angel Noona

" Oo" kaya pala abot yung sayaw niya kanina na parang nag papractice kanina.

" Wag kayong magalala, hindi lang naman tayo yung Mag peperform mamaya pati din sila Kuya Ken" sabi ni Iah sabay taas taas ng kilay.

" Oh siya siya! Mauna na kami don. Hihintayin ka namin don. At wait...HAPPY BIRTHDAY!!" Hiyaw ni Nadine Noona. Oo nga pala nakalimutan namin siyang batiin.

The Girls Revenge  (Book ll)  COMPLETEDWhere stories live. Discover now