Chapter 31: Back to Normal

200 2 0
                                    

Danielle point of view

Habang oras ng klase, hindi ko maiwasan na tamadin at antukin. Ang boring naman kasi ng Subject.

" May assignment ka?" Bulong bigla sakin ni Ken.

" Meron--"

" Pakopya naman oh?" Biglang sabi niya na ikinagulat ko

" Bakit hindi ka gumawa nung isang araw pa yun ah?" Takang tanong ko sa kanya

" Eh diba nga, nag party party tayo kagabi?"

" Oh eh ano naman?" Tanong ko sa kanya

" Lasing ako eh. Alangan naman na gumawa pa ako kagabi kahit pagewang gewang na ko." Bumuntong hininga nalang ako at binigay ko sa kanya yung Research ko kagabi.

* Recess

Habang nag lalakad ako papuntang Canteen nakita ko si Iah na nag lalakad mag isa. Seryoso yata 'to ngayon?

" Miss Campus!" Sigaw ko sa kanya. Ang daming tumingin sakin, sila ba tinawag ko? Mga assuming.

" Iah! " sigaw ko ulit sa pangalan niya.

Lumingon sakin si Iah na seryoso at parang nagulat pa ng tawagin ko siya. Nasan na naman kaya isip nito?

Tumakbo ako papalapit sa kanya

" Saan ka pupunta?" Tanong ko sa kanya

" Sa...sa parking bakit?"

" Parking? Eh bakit diyan ka sa Gym pupunta  diba dun yung papuntang Parking Lot?" Turo ko pa dun sa papuntang likod dahil nandon yung parking lot.

" O-oo nga, sige alis na ko" tinapik niya muna yung balikat ko at umalis na.

Ano nangyayari don?

Nag recess nalang akong mag isa kahit masama sa loob ko. Alangan naman hanapin kopa si Daze edi naubos oras ko kakahanap don, chaka baka kasama niya si Sunder.

* Mapeh

" Before we start our lesson, I have announce to all of you specialy our Dancers in this School." Sabi ng Teacher na nasa harap. Hinihintay ko nalang yung sinasabi niya, papakinggan ko nalang hindi naman na ako Dancer dito eh.

" Next Week is Dancer's Day, We all have Big Celebration. Mag peperform lahat ng Dance Troupe, Girlgroups, Boygroups from Dreamer Ent." Sabi mg Teacher na ikinagulat ko. Ako lang yata yung nagulat kesa sa dalawa na si Ken at Klint na napatingin lang sa akin at bumalik na sa pakikinig.

" Miss, Can i ask? Bakit kasali yung GirlGroups at BoyGroups sa Dancer's Day?"  Nag aaral lang kami dito pero hindi na ako isa sa mga Dancer dito. Si Iah, oo mag peperform sila kasi Miyembro pa siya ng Grupo nayon.

" Let me Explain to you Ms. Hermosa" natatawang sabi ng nasa harap na teacher.

" Mr. Ponciano Francisco is the owner of this School. And he's Son is Edrick sy-nim Francisco, the Owner and Manager of Dreamer Ent. Ang Clark at Dreamer ay mag kakonektado. Kung hindi niyo pa alam, hayaan niyong sabihin ko sa inyo. Ang mga Studyanteng nag aaral dito na may talento ay ginagawang Trainee sa Dreamer Ent upang pagalingin pa lalo bago mag sagawa ng Isang Grupo. Kaya kayong mga miyembro sa mga sikat na Grupo, mag peperform din kayo. Kayo nga ang mag dadala ng Araw nayon dahil kayo ang mas hasa o should i say Pinakamagaling sa mga ibang mag peperform sa araw nayon. Kaya Goodluck, malapit nadin ang Kaarawan niyo" Paliwanag ng Teacher bago mag simula sa pagtuturo.

Wala akong naintindihan sa tinuro ng Teacher nayon. Lutang yung utak ko kakaisip sa Araw nayon. Anong klaseng perform yon? Perform lang basta, o laban?

The Girls Revenge  (Book ll)  COMPLETEDWhere stories live. Discover now