Chapter 22: Shirt

205 2 0
                                    

Billy point of view

Papunta akong Dreamer Ent. ngayon dahil may aasikasuhin ako.

Pagpasok ko hindi ko napansin na may kasalubong ako kaya nabunggo ko yon. May dala pa naman siyang Coffee.

" Sorry Miss" sabi ko sa babae na nakaupo na sa sahig at nakatakip ang buhok sa muka dahil siguro sa pag kakabuwal.

Tutulungan ko na sana siyanb tumayo ng bigla siyang tumingin sakin, kaya napahinto ako.

" S-sorry, ikaw pala yan Hana" Ang ganda niya, hindi ako nag bibiro ang laki talaga ng iginanda niya lalo. Pero sinagot nako ni Scarlet at malapit na kaming mag 4 months.

" Ako nga. Sorry din, hindi kita napansin" Tipid na sagot niya habang nakayuko at pinupunas punasan yung coffee na natapon sa Damit niya.

Kinuha ko yung Panyo ko sa bulsa ko at inabot ko sa kanya pero tinanggihan niya lang ako.

" Wag na, ayos lang." Tinapunan niya lang ako ng tingin at umalis na siya palabas sa Dreamer Ent.

Nakaramdam ako ng Guilt sa pagkaka bunggo sa kanya. Hindi ko naman sinasadya pero ang lakas makatama sa katawan ko ng Guilty.

Tiningnan ko siya at hindi pa siya nakakalayo. Tumakbo ko papuntang kotse ko at kinuha ko yung extra t-shirt kong Itim. Ipapahiram ko muna sa kanya yon, para naman mawala na yung Guilt na'to sakin.

" Hana! " sigaw ko sa kanya habang naglalakad siya. Huminto siya at tumingin sakin.

Tumakbo ko papalapit sa kanya.

" Ano kailangan mo?" Tanong niya sakin.

" Wala, gusto ko lang mag Sorry ulit. Ito yung T-shirt, hiramin mo para makapag palit ka--" Inabot ko sa kanya yon pero hinawakan niya yung kamay ko at hindi tinanggap

" Wag na, ayos lang--"

" Hiramin mona, para naman mawala yung Guilt sa katawan ko." Sabi ko sa kanya. Natawa naman siya.

" Ayos ka lang? Natapunan mo lang ako ng kape na-guilty ka na kagad? Bakit nung Lubayan mo yung panliligaw sakin, hindi ka nakaramdam ng ganyan?" natatawang sabi niya. Nagulat ako sa huli niyang sinabi kaya mas lalo siyang natawa. " I'm just kidding. Sige na nga, hihiramin ko na to ah? Para naman mawala yang 'guilt' mo sa katawan" tinaas niya pa yung tshirt na pinahiram ko bago niya ako talikuran.

Napailing iling nalang ako at naglakad nalang ulit papasok sa Building. Pagpasok ko don, binati ako lahat ng makita kong mga Staff na mga nandon lang at mga nag uusap.

Pagpasok ko sa Office ni Manager, naabutan ko siyang nakaupo don habang may binabasa sa mga lamesa niya.

" Good Afternoon Manager, so bakit niyo po ako pinatawag?" Sinenyas niya n umupo ako sa Upuan sa harap niya kaya umupo ako don.

" Gusto kong, mag composed ka ng kanta mo para sa nalalapit na Anniversary ng Dreamer Ent." Diretsong sabi niya sakin.

" Anong klaseng kanta Manager?" Tanong ko sa kanya.

" Ikaw ang bahala, Zeann. Basta't magugustuhan ng mga tao, lalo na ang mga Fans niyo" Tumango ako at may pinag usapan pa kami.

***

" Sweetheart? Can I borrow your extra shirt? Yung Black Please? Natapunan kasi ako ng Ice cream eh. Kunin ko nalang sa car mo ah? On the way na ako" bakit ngayon niya pa kinailangan kung kelan naipahiram ko na kay Hana?

" Ahm Sweetheart, madumi eh kaya iniwan ko nalang sa Bahay natin. Sorry ah?" Pag sisinungaling ko

" Paanong naging madumi yon? Hindi mo naman yun sinusuot diba? Tsaka nandon lang lagi yon sa Kotse mo?" Hindi ko man siya nakikita pero alam kong nakanguso siya ngayon habang nag sasalita.

The Girls Revenge  (Book ll)  COMPLETEDWhere stories live. Discover now