Chapter 27: Pag-amin

202 2 0
                                    

Iah point of view

Monday ngayon kaya nandito nako ngayon sa School at nasa Locker ako, kumukuha ng Notebook.

" Iah " napalingon ako sa nag salitang babae. Si Emjae lang pala. Pero ang seryoso niya ah.

" Ano?" Tanong ko sa kanya habang nasa Locker ang paningin ko.

" May kailangan kang malaman" sabi niya. Napatingin naman ako sa kanya, at nakayuko na siya.

" Ano naman? " Nagtatakang tanong ko. Binilisan ko ang pagkuha ng Notebook ko at sinarado kagad.

" Tara sa Tambayan" Seryosong sabi niya. Sumunod naman ako sa kanya. Hindi na ako pumasok sa Klase ko.

* Tambayan

" Ayos ah, mga hindi kayo nag sipasok. Ano? Dito kayo mag kaklase sa Tambayan natin?" Sarkastikong tanong ko sa mga kagrupo kong mga nakaupo lahat at seryoso ang mga muka.

" Wow perfect attendance ah" bulong kopa.

" Iah, wag kang magagalit sa sasabihin namin." Sabi sakin ni Emjae na nakakuha kagad ng atensyon ko. Pati nadin ng lahat ng nandon.

" Okey" tipid na sagot ko at umupo ako bago tumitig sa kanya.

" Kung magagalit ka man samin, lalo na sakin. Mag sosorry na kagad ako" nakayukong sabi niya. Hindi naman ako sumasagot at hinihintay ko ulit na mag salita siya

" Nung araw na hindi kami nakasamang uminom sayo. Nag ka-problema non. Hindi ko lang sinabi sayo. Kaming dalawa ni Jewel ang unang may alam non." Tumitig lang ako sa kanya ng seryoso bago kay Jewel na nakatingin sakin pero biglang umiwas ng tingin.

" Nakabangga kami ng Grupo ng kababaihan, gang din. Kung itatanong mo kung sino, sila yung mga babaeng nasa likod nun ni Riann nung nag halikan sila ni Drake sa Bench" Naalala ko na naman yon.

" Nung hapon na nawala kami ni Jewel, ayon yung time na nakaharap namin yung mga Grupo nayon. At Leader pa ang nakaharap namin. Alam nilang ikaw yung Leader namin. Kilala ka nila. Sinabi din nila samin na ikaw ang unang tatargetin nila." Nanlaki yung mata ko sa sinabi niya kaya napatayo ako

" What?" Pabulong na tanong ko.

" Nung sinabi mong may muntik ng tumama na patalim sayo pero sa locker tumama. Wala kami non, pero mah pinuntirya kami at sinabi na sila Sofia yon, ang Leader ng Gang na nakabangga namin." Nakayukong sabi niya.

" Bakit hindi niyo sinabi sakin?" Inis na tanong ko sa kanila.

" Dahil hindi ka kasali sa away namin nayon, ayaw ka namin madamay--"

" anong ayaw madamay?! Leader niyo ko! Kaya kailangan alam ko lahat! Kasama niyo kong lahat!" Sigaw ko sa kanilang lahat "Emjae alam kong hindi lang yan ang dahilan mo. Sabihin mo sakin yung totoo. " Seryosong sabi ko kay Emjae

" Kase, mag kasama na ang Dalawang Grupo. Grupo na kinabibilangan ni Riann at Grupo na pinapangunahan ni Drake." Nagtataka akong napatingin sa kanya. Ano Connect non?! Bullshit! " Hindi ko pinaalam sayo, kase dadating yung araw na makakaharap natin silang lahat. At ayokong makita kitang masaktan sa makikita mo"

" Ano? Anong makikita?" Wala akong maintindihan sa sinasabi ni Emjae. " Can you please, straight to the point?"

" Because me and Emjae Feels that you still have feelings" sabad ni Athena na naglalakad papunta sa isang upuan. Sinusundam ko siya ng tingin hanggang sa makaupo siya.

" Then who?---"

" Kay Drake" sagot niya kagad.

" pinoprotektahan lang namin ang mararamdaman mo if makikita mo silang dalawa na mag kasama." Kalmadong dagdag pa ulit ni Athena.

" So what kung makita ko silang mag kasama? Natural nayon dahil I have two Eye--"

" Wag kang mamilosopo" bawal niya kagad sakin. " Wag ka ng mag deny, alam namin na kaya ka nag puntang Korea para makalimutan mo siya at para makapag move on. At nung dumating ka, akala namin okey ka na. But, hindi pa pala." Nakangising sabi ni Athena. " Dumating nga sa point na 'nang gago tayo sa kanila' at dun din namin nakita na, 'nasasaktan ka habang pinapanood mo sila' " sabi sakin ni Athena.

" But!---"

" Don't deny it Iah. Wala kang dalang salamin non kaya hindi mo makita kung ano itsura mo non. Lumong lumo ka that time kaya pinahila ka sakin ni Emjae" dagdag pa niya. Totoo ba?

" Iah, Forget him. Paano pag nalaman nila na you still love Drake? Pagtatawanan ka nila kahit sikat ka pa, at malaking issue yon for sure. Kase nagpaka layo layo ka pa para makalimutan siya, pero wala lang din napala." Nakikipag titigan lang ako kay Athena habang sinasabi niya sa mismong harap ko yon.

" tumahimik ka na. Wala kayong alam sa nararamdaman ko, kaya pwede ba wag niyo kong pangunahan? Kung nakikita niyo na nasasaktan pa 'din' ako kay Drake. Sa Paningin niyo lang yon. Oo nanlumo ako ng makita ko silang dalawa na tinitilian ng mga tao. Kase, sinaktan ako ni Drake, 'dati'. At tulad nga ng sinabi ko sa inyo, affected pa din ako kase nag iwan siya ng peklat dito" turo ko sa puso ko " na kahit anong gawin ko, hindi na matatanggal" Hindi sila nakasagot sa sinabi ko at ilang minuto ang nakalipas at wala padin nag salita kaya ako nalang ulit.

" So ngayon na alam ko na, what's the Plan? Ano? O baka gusto niyong mag patalo na tayo--"

" Iah don't be so Hard. Wag kang ganyan mag isip" singkit na matang nakatingin sakin si Emjae habang sinasabi yon. "Hintayin natin silang mag simula chaka lang tayo gagalaw. Kase kung tayo ang mangunguna hindi natin malalaman kung ano gagawin nila." Seryosong sagot ni Emjae kaya napangiti ako

" Ayan, ganyan ka sana lagi. Pumalya ka sakin ng isang beses eh. Hindi mo kagad kasi sakin sinabi" mapaklang sabi ko sa kanya

" Edi Sorry!" Hiyaw niya sakin

" Wow ganyan ka talaga mag sorry?! Ang sincere ah?! Letseee" bulong ko. "Sige na aalis na ako! Late na ako sa pangalawang Klase ko! Ang panget niyo kase!" Hiyaw ko sa kanilang lahat sabay tatakbo palabas.

Emjae point of view

Nung nakaalis na si Iah. Naging tahimik kaming lahat. Panatag nako dahil mabilis lang nawala ang galit ni Iah kanina.

Tama siya sa sinabi niya kanina.

Wag namin siyang pangunahan sa nararamdaman niya. Dahil lingid na mas alam niya yon kesa samin. Masyado lang talaga kaming Weird kaya naging ganon ang dating samin. Kasi naman eh! Mang-gagago nga tapos siya nakabusangot! Sinong hindi mag hihinala don?!

Pero ngayon, promise kung makikita kong ganon si Iah hindi ko nalang yon paghihinalaan pa. Ayokong nag iisip ng kung ano anong ako lang ang nakakaalam

Tulad niyan, akala ko may feelings pa din siya kay Drake, pero wala na pala. Pati si Athena kumagat sa maling hinala ko.










The Girls Revenge  (Book ll)  COMPLETEDWhere stories live. Discover now