Chapter 43: Presscon

166 2 0
                                    

Iah point of view

After 5 days

Nakaupo na ako ngayon sa harap ng maraming mga taong may mga hawak ng sari-sariling Camera.

Hindi ko mapigilan na kabahan sa pwede nilang maitanong sakin mamaya.

" Miss Iah, maaari ba namin malaman kung bakit aalis ka na sa Grupo mo?" Tanong sakin ng isang Reporter. Ito na yung isang mahirap sagutin.

" Aalis ako sa Grupo na'to dahil alam naman natin lahat na mahihirapan lang ako at pati nadin sila Noona, pag sa Korea na ako tumira pero kasali pa din ako sa Grupo. Mahirap para sa amin yon dahil malalayo ako sa kanilang lahat. Kaya naisipan kong umalis nalang sa Grupo" pag kasabi ko non ay animoy mga batang malulungkot ang mga nasa dulo. At ayon ay ang mga Fans ko. Hindi ko din sila gustong iwan, pero kakayanin ko.

" Pero bakit ka nga ba mag mi-migrate sa Korea?" Tanong pa ng isang reporter

" Para mag bagong buhay---"

Pinigilan akong mag salita ng staff at sinabi sa Reporter na masyadong personal na ang itinatanong.

" So maiba ang usapan. Maari ba natin payagan ang mga Fans mo na mag tanong sayo? Kahit na sa huling araw mo lang ngayon?" Tanong sakin ng isang Reporter. Tumango naman ako at ngumiti.

May isang Fans na pumunta sa harap at binigyan ng Mic at hinayaan mag salita

" Iah, kelan mo balak bumalik sa Pilipinas at sa Grupo? " malungkot na tanong sakin ng isang Fan.

" After many years, babalik ako sa Pilipinas. Pero hindi na sa Grupo, Sorry" sagot ko. Nakita ko naman na umiyak ang Fan na nagtanong sakin. Parang may kumurot sa puso ko ng makita kong umiiyak ang isa sa mga umiidulo sakin.

Nilapitan ko ang Fan ko at hindi pinakinggan ang Staff na pumipigil sakin.

Pagkalapit ko sa kanya ay pinunasan ko ang luha niya at inakap ko.

" Salamat sa mga suporta at pagmamahal na pinaramdam niyo sakin. Na-apprciate ko yon. Tandaan niyo 'to, kahit na wala na ako sa mundo ng Kpop o kabilang sa mga iniidulo niyo, wag niyong kakalimutan mahal na mahal ko kayong lahat."

" Mamimiss ka namin Iah" umiiyak na sagot sakin ng Fan ko. Napangiti nalang ako ng mapait.

" Patuloy niyong suportahan ang BlackMovers kahit anim nalang sila ah?" Tanong ko sa Fan ko

" Promise. Mahal na mahal ka namin" inakap ko ulit siya.

Pinabalik na ako ng Staff sa upuan ko at sumunod naman na nagtanong ay lalaki.

" Ate Iah, nabasa ko po sa Social Media na isa sa dahilan mo sa pag alis mo ay para kalimutan si Drake, totoo poba?"

" H-hindi po totoo yon. Isa lang po ang dahilan ko at yun ay ang mag simula ulit ng panibagong buhay. " ngumiti naman sa akin ang Lalaki at nag bow

" Salamat sa pagsagot Ate Iah" ngumiti siya sakin at umalis na.

*******

" Ano ang gusto mong sabihin sa mga Umiidolo sa inyo?" Tanong sakin ng isang babae

" Sa mga Fans namin na walang sawang sumusuporta at nagmamahal samin, maraming salamat sa inyo. Sana patuloy niyo parin suportahan ang BlackMovers kahit na anim nalang sila. Kahit na umalis ako at mag migrate sa Korea, hinding hindi ko makakalimutan lahat ng taong nakilala at nakasama ko. Specially sa mga Die hard Fans diyan, sa Staff, kay Manager, kila Noona. Hindi ko kayo makakalimutan at mamimiss ko kayo ng sobra. Mahal na mahal ko kayo. " Habang sinasabi ko yon kitang kita ko kung paano umiyak at mag makaawa ang mga Fans ko sa dulo.

The Girls Revenge  (Book ll)  COMPLETEDWhere stories live. Discover now