Chapter 58: Tago

200 6 0
                                    

Klint point of View

Gabi na at natutulog na lahat ng kasama ko sa bahay. Pero ako, eto hindi pa din makatulog. Ewan ko ba, parang gusto ko lang makita si Danielle dito.

Kanina ko pa tinititigan ang bahay nila at inaabangan kong sumilip o lumabas lang siya kahit saglit sa pinto nila. Pero wala, wala akong makita ni anino man lang niya.

Hindi ko alam pero lalo ko siyang namiss at hinanap hanap.

Sana pala, hindi ako pumayag na iwan niya ako. Sana pala hindi ko nalang siya binaliwala at iniwasan nung panahon nayon. Kung hindi ko lang siguro ginawa yon, baka matatag pa din kami hanggang ngayon. Siguro kasama ko siya ngayon.

" Tulala sa Bahay nila Danielle whooooo" biglang bumanat si Zeann sa likod ko. Saan niya ba nagaya yung lintek na tono nayon. Ang sakit sa pandinig.

" Kakanta ka nalang ang panget pa" komento ko sa boses niya

" Siyempre hindi ko naman inayos eh, bobo ka talaga." Ako pa talaga bobo, nice.

" Mas bobo ka. Bakit ka ba nandito?" Tanong ko sa kanya

" Wala lang, kanina pa kita sinisilip sa binatana ko eh." Letseng lalaking 'to. Gusto talaga laging nakakakita ng Pogi eh.

" Lonely...oh Mr. Lonely..." Kumanta na naman si Kumag.

" Pwede ba wag ka nalang kumanta, nandidilim yung paningin ko sayo eh. Umalis ka nalang." Pigil na inis na sabi ko sa kanya

" Hahahaha kinakantahan na nga kita para lalong malungkot yung dating mo tapos magrereklamo ka pa?"

" Wala naman akong sinabing kumanta ka! Feeling Singer ka din minsan eh!"

" Hoy Tukmol! Singer naman talaga ako ah!"

" Kaya pala mukang sirang plaka boses mo"

" Durog Durog naman sayo!" Tsk parang bata, ayaw mag patalo.

" Bakit ba kasi, nandito ka? Gabi na ah." Biglang seryosong tanong niya.

" Alangan naman sa araw ako tumambay dito, gusto mo bang masunog ako?" Tanong ko sa kanya

" Hinde, ibig kong sabihin, bakit nandito ka pa nga eh, gabi na?"

" Hindi ako makatulog eh--"

" Kasi may iniisip ka na naman."

" Y-yun nga" sagot ko. At si Danielle yon.

" Si Danielle no?" Tumango nalang ako.

" Ayan kasi, nag sisisi ka ngayon kung bakit mo siya iniwan. Ano ka ngayon? Nganga ka at hanggang tingin nalang sa kanya." Lalo akong nagu-guilty sa sinasabi sakin ni Zeann.

Grabeng pag sisisi...

" Ang yabang mong mag salita ah, parang hindi ka din nag sisi sa pangiiwan mo kay Denice Noona!"

" Shh wag ka ngang maingay diyan! Gusto mo bang may makarinig satin?" Bawal niya sakin.

" Alam mo Hyung, kahit ihiyaw ko naman, okey lang. Kasi totoo naman diba?--"

" Oo dati yon, h-hindi na ngayon."

" Muka mo Lokohin mo wag ako!" Simungaling siya! Hindi na daw ngayon?! Utot niya

" Oo na, nag sisisi na ako. Eh ano gagawin ko? Nakakapag sisi naman talaga." Seryosong sagot niya.

" Buti ka pa nga eh, kasi si Denice Noona walang Boyfriend, at ikaw pa din ang huli niyang nakarelasyon. Eh ako? Malala yung akin, kasi may bago ng karelasyon si Danielle. It means, -nakalimutan n-niya na talaga a-ako--" magiging ma-drama na naman ako ngayong gabi. Letse

The Girls Revenge  (Book ll)  COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon