Chapter 40 - Broken Heart

Start from the beginning
                                    

  

Nung nakadaan na siya sa akin, tinitigan ko siya. At sa gulat ko, lumingon siya. Kryshll, bakit ka lumingon? Sana, hindi ka nalang lumingon. Anong ibig sabihin ng paglingon mo? Please, sabihin mo. Sobra na akong nasasaktan ngayon.

  

 Ako nalang, please? Pwede mo bang ibaling ang atensiyon mo sa akin? Please, wag lang sa isang matalik na kaibigan. Hindi ko kakayanin na makita kayo araw-araw na masayang magkasama. Kryshll, ikamamatay ko.

Tama na po yan, Sir Chris. ” sabi nung lumapit na singer na hindi ko makilala. 

Kilala mo ako? ” tanong ko. 

Yeah. Sa isang school lang tayo pumapasok. ” sabi niya. 

Oh, I see. ” sabi ko na nga ba. Kaya pamilyar siya. Pero sino ba ito? Argh! 

Do I know you? ” tanong ko. 

Oo. Hindi mo nga lang siguro napapansin. Pero, kilala mo ako. ” Sabi niya. 

Bakit ka naglalasing? ” tanong niya. Hindi ako sumagot. 

Kung heartbroken ka, hindi po yan ang best way para makalimot. Sabihin mo sa babaeng mahal mo ang nararamdaman mo. ” sabi niya. Teka--- pano niya! 

Paano mo--- ” pero pinutol niya ako. 

Nalaman? ” tumango ako. 

Halata naman eh. Hindi magmumukmok ang lalaki kung hindi babae ang dahilan. ” sabi niya. 

Bakit ikaw? Naranasan mo na ba ang masaktan? ” tanong ko. 

Dati, hindi. Pero ngayon, oo. ” sabi niya.

Sige, aalis na ako. ” pahabol niya tapos umalis na. 

Anong ibig niyang sabihin na dati hindi pero biglang ngayon, oo? Ang gulo rin talaga ng mga babae! Ayoko na talaga! Dagdag pa itong kakikilala ko lang na babae. Sino ba siya? Bakit hindi ko maalala.

Tapos, bigla siyang nagsalita dun sa mic.

Ang kanta pong ito ay para sa mga may pinagdadaanan sa kanilang pagibig. Sana maging masaya na kayo. 

Song Playing: Hate that I Love You 

Ayun, kumakanta na ulit siya habang nag-gigitara. Actually, duet yun. Habang kumakanta, nakatitig lang ako sa kanya. Sino ba talaga siya? Tapos, nakikita ko rin siyang sumusulyap sa area kung nasaan ako. Bakit kaya kilala ko siya pero hindi ko maalala? Chris! Tama na, wag mo ng isipin yun! Ayun, nakatapos ulit siya ng isang kanta. This time, ako na ang lumapit sa kanya.

 

Hi ulit. Pwede ka bang makausap? ” Ewan ko pero parang gusto ng paa ko na lumapit sa kanya. Parang may gustong iparating na kausapin ko siya. At ginawa ko naman.

Sure. ” sabi niya. Parang siya lang ang matinong makausap ngayon. Nasa isa kaming table.

 “ Bakit? Kailangan mo ng comfort?” sabi niya sabay tawa. 

No. I just want to talk to you. Parang andami mong alam sa akin. ” sabi ko.

 “ Marami ba? Hindi naman. Oh, eto, coffee ng mahimasmasan ka muna. Para mabawasan ang pagkalasing mo. ” sabi niya.

Hindi pa naman ako lasing. ” sabi ko.

 “ Yan ang sinasabi ng lahat ng lasing. Bakit pala? ” sabi niya.

 “ Hindi kasi kita naintindihan kanina. Sabi mo, hindi mo pa naransan masaktan tapos biglang ngayon, nasaktan ka na. Anong ibig mong sabihin? ” tapos ngumiti siya. 

Ah. Yun ba? Schoolmate ko rin siya. I’ve known him eversince. Pero siya, nakilala lang ulit ako last year. ” sabi niya. 

Tapos? ” tanong ko.

 " Tapos nalaman ko nalang, may mahal na pala siyang iba. I don’t know who she is pero napakaswerte nung babaeng yun. Sana, ako nalang siya. ” sabi niya. 

 I’m sure, ikaw ang dapat sa lalaking yun. ” sabi ko. 

Sana nga. Teka lang, ikaw nga ang nagmumukmok jan, bakit napunta sa akin ang issue.” sabi niya.

Let’s forget about it. Masakit pero kakayanin ko. Para sa pagkakaibigan. ” sabi ko 

Pagkakaibigan? Sinong kaibigan mo? Yung babae o lalaki? ” tanong niya. 

Yung lalaki, matalik kong kaibigan. Yung babae, kaibigan ko rin naman. Pero ako ang unang nakakilala dun sa babae.  It’s so unfair. ” sabi ko. 

Unfair? May ginawa ka ba para masabi mong unfair?

Yun nga eh, wala. Ang tanga tanga ko kasi. ” sabi ko.

Then it’s not unfair. Ginawa lang ng kaibigan mo ang makakaya niya para mahalin din siya nung babae. At ikaw, hindi. ” Oo nga naman, tama siya. 

 Kaya nga ayoko ng gulo kaya pipilitin ko nalang na makalimutan siya. ” sabi ko. 

Good. ”sabi niya sabay ngiti. 

Pero teka, kilala mo ako diba? At sabi mo, kilala rin kita. Pero bakit hindi ko maalala? ” tanong ko. Nawala yung ngiti sa labi niya ng saglit pero ngumiti ulit. 

Lasing ka kasi. ” sabi niya.

I’m not. Who are you?” sabi ko.

 “ You’ll find out soon. ” Tumayo siya at ngumiti.

 “ Yes, you are. I have to go. Bye. ” Tapos ngumiti siya at umalis na. 

Wait lang! ” pero hindi ko na rin siya nahabol.

Tapos, may natapakan ako. Isang kwintas. Actually, personalized necklace ata. Peak kasi ng gitara ang pendant. Tapos, may letter K sa gitna ng peak. ‘K’ siguro ang first letter sa pangalan niya. Sa kanya siguro ito.

Tapos, bigla akong nahilo. 

Sino kaya siya? Bakit feeling ko, kilalang kilala niya ako. Kilala ko daw pero hindi ko maalala ang mukha o pangalan man lang. Shit, sino kaya siya? Nakakainis talaga! Nadagdagan nanaman ang iniisip ko! Argh! Pero nung kausap ko siya, parang ang gaan gaan ng loob ko. It’s like I’ve known her for years. Or from childhood. But I really can’t remember who she is.

Dare to Play a Game Called Love? [COMPLETED]Where stories live. Discover now