Chapter 82: Triggerd

Start from the beginning
                                    

Wala naman akong magawa sa bahay kaya nag laro nalang ako ng 4pics 1word. Nandito lang ako sa Garden.

Kanina pa ako nandito at kanina kopa napapansin yung lalaking na nasa hindi kalayuan. Nasa garden lang kasi at dito pa talaga nakaharap sa gawi ko.

Hindi ba siya naiilang? Ako kanina pa ako naiilang.

" Tangina, ano ba sagot sayo?" Bulong kopa. Lahat kasi ng tao parang naiinis o nagagalit sa picture. Ewan ko kanina kopa nilalagay yung angry ayaw naman. Mahina pa naman ako sa Englishan na'to. Lalo akong nag mumukang boploks. Kakahiya

" Pwedeng makiupo?" Tanong ng boses lalaki. Tiningala ko naman siya at si Zeann lang pala.

" Pwede." Sagot ko nalang na hindi tumitingin sa kanya.

Oras talaga na masagot ko'to mag papaparty ako

" Ano bayan?" Tanong niya sakin.

Feeling close..

" Cellphone 'di mo nakikita?" Tanong ko sa kanya. "Ayan oh" sabi ko at pinakita kopa sa kanya ang Cellphone ko. Tumawa naman si Gago

" Alam kong cellphone, anong laro?" Natatawang tanong niya

"For Genius Game'' sagot ko. Ewan ko kung tama yon. Basta matatalino lang nag lalaro nito.

Except lang sakin, naligaw ako ng Laro.

" 4pics 1word" sabi niya.

" Alam mo?" Tanong ko sa kanya

" Siyempre, I'm genius" nakangising sabi niya.

" Talaga lang ah? Baka bobo kasi iniwan mo'ko" bulong ko. Biro lang yon, pero pwede din na totoo. Iniwan niya kasi ako! Tangina niya

" Narinig ko yon" seryoso pero nakangiting sabi niya. Kinabahan at nahiya naman ako. Anong muka ihaharap ko dito? Namumula o namumutla?

" You need to know, everything." Sabi niya at bumuntong hininga.

Parang kinabahan ako sa sinabi niya, ano yung kailangan kong malaman? Tungkol saan

" About what?" Tanong ko

" Everything" ow sabi ko nga.

" Kung pwede, wag mo munang ipagsabi 'to. Gusto ko ikaw lang muna ang makaalam." Dagdag pa niya.

" Wag kang mag seryoso ng ganyan. Kinakabahan ako sa pag mumuka mo" seryosong sabi ko sa kanya

" Seryoso 'tong usapan nato, kaya seryoso ako."

B-bakit parang maiiyak ako sa sasabihin niya? Wala pa naman...

" S-sabihin mona" nanginginig na sagot ko.

" Naalala mo paba 3 or 4 years ago? Iniwan kita nung mismong Anniversary natin?" Tanong niya na ikinadurog ko kagad.

" Malamang, makakalimutan kopa ba yon? Eh sobrang lupet non nung araw nayon?" Sarkastiko pero may inis na sabi ko sa kanya.

Kusa na naman tuloy bumabalik yung galit at inis ko sa kanya na nawawala na ngayon. Bakit ba kasi pinaalala pa niya?

" Its part of my plan, ang iwan ka." Sagot niya. Napanganga nalang ako sa kanya

" P-plan? Halata naman na plano yon eh, kase may iba ka ng mahal non. At yon si Missy! Yung tanginang Missy nayan--"

" Wala na kami."

" Kahit na, hindi padin mababago yung pag iwan mo sakin dahil sa kanya" naiiyak na sagot ko

" Makinig ka muna, please." Nanlulumong sabi niya.

" Lumapit sa Kompanya natin ang Manager nila Missy, which is Drop Entertainment. Nakipag partnership siya sa Tito niyo, at siyempre hindi naman tumatanggi si Manager, pumayag siya. Sa pakikipag kasundo nayon, naging part ang the core at the generation. Pinag partner nila kaming lahat, proweba... na mag partnership talaga silang dalawa. Nag aalinlangan kaming lima nung una, dahil may relasyon kami sa inyo at ayaw namin gumawa ng ikaseselos niyo. Sinabi namin yon sa Ceo ng Drop Ent. Nagulat pa siya at nagalit, ang sabi niya para tapos, hiwalayan at iwan namin kayo. Sa sinabi niyang yon, lalo kaming umayaw at nagalit. Specially Drake, muntik na siyang makapanakit. Hindi kami pumayag sa gusto nila na iwan namin kayo, pero tinakot nila kami... Hawak nila ang mga Papel at Kontrata niyo. Susunugin nila yon at sisirain nila ang buhay niyo pag hindi namin ginawa yung sinasabi nila. Nag blangko ang utak ko non, hindi makagalaw, hindi makaimik. Lutang ako kakaisip kung bakit napunta sa kanila yon. Sinabi pa nila na aalisin nila kayo sa Kpop Industry, sisirain nila kayo mapa personal na buhay man. Natakot kami don, kaya ginawa nalang namin. Iniwan nga kita, dahil don. Ayon ang plano ko, ayon ang ibig sabihin ko."

Tumulo nalang ang luha ko sa sinabi niya, sakit, galit at inis ang nararamdaman ko.
Bakit niya ginawa yon? Ano naman kung sirain nila kami

" Bakit mo pa din ginawa?"

" Dahil mahal kita, mahal na mahal. At ayokong sirain ka nila. Ayokong masaktan ka nila"

" Kaya mas pinili mong ikaw nalang ang manakit sakin"

" Sorry, ayon lang ang paraan na alam ko kaya ginawa ko. Pero maniwala ka, hindi ko ginusto yon, dahil mahal na mahal kita. Nung gabing iniwan kita kagad sa Garden nayon, umiyak ako dahil sa galit sa sarili ko. Sinugod ko yung Drop Ent. Galit na galit ako non sa kanila dahil inutos pa nila yon. Maniwala ka, ikaw yung mahal ko..."

Kitang kita ko sa mata niya ang lungkot, halata din sa itsura niya na nag papakatotoo siya.

Tumayo ako at akmang lalabas ng Gate pero huminto ako.

Hindi ko kayang umalis dito...

Nilingon ko siya at nakaupo pa din siya pero nakayuko na siya.

Yinakap ko siya ng dahan dahan sa likod niya.

" Naniniwala ako sayo, pinapaniwalaan kita. Tinatanggap ko yung dahilan mo. Alam kong ginawa mo lang yon para sakin, salamat." Bulong ko sa kanya.

Hinawakan naman niya ang kanay kong nakayakap sa kanya. Dahan dahan niyang tinanggal yon sa pag kakayakap ko sa kanya at tumayo siya at humarap sakin, ng hindi binibitawan ang dalawang kamay ko.

" Sorry for what i've done. Hindi ko gustong iwan ka nung panahon nayon, pero kailangan. Kailangan kang maligtas. Dahil isa ka sa Sisirain nila." Sabi niya sakin at inakap ako ng sobrang higpit.

Namiss ko tong dwende na'to promise...

" Mahal na mahal kita  Montez, until now." Bulong niya sakin na nag pakabog ng puso ko.

Dahan dahan siyang umalia sa pag kakayakap ko at dahan dahan inilapit ang muka niya sa muka ko.

Hanggang sa mag kadikit na ang labi namin. Tinugon ko yon ng walang pag aalinlangan.

" Denice?" Boses babaeng tawag sa pangalan ko.

_________________________________
Dont forget to VOTE AND COMMENT

MALAPIT NAAAAAAAA

MALAPIT NA ANG NAGAGANDAHAN KONG PART

The Girls Revenge  (Book ll)  COMPLETEDWhere stories live. Discover now