Umandar muli ang kotse nang mag-green ang traffic light.

“Hindi ako nagsisinungaling.” Sambit ko. Sa tono ko ay imposibleng paniwalaan niya ako. Lumabas kasi ang mga salita sa bibig ko ng sarkastiko at tila hindi totoo. Kinagat ko ang aking labi nang tingnan niya ako at napatunayan kong hindi nga siya naniniwala sa akin.

“All I need is his damn contact number and address. Bakit ba hindi niyo mabigay sa akin 'yon? Kayong buong pamilya, wala kayong ginawa kundi itago sa akin kung nasaan si Ivan.” Aniya. Bakas na ang inis sa kanyang pananalita.

Umigting ang bagang niya nang tinikom ko lang ang bibig ko. Humigpit ang kapit niya sa manibela at nakikita ko na ang pamumuti ng gitna ng mga daliri niya.

Kung hanapin niya ang pinsan ko ay parang napakahalaga nito sa kanya. Gagawin niya ang lahat malaman lang kung nasaan ba talaga sa Japan si Ivan. Halatang hatala na sa mukha niya ang galit dahil sa paglilihim namin sa kanya. Tinama ko ang sarili ko. Hindi ako naglilihim dito. Totoong wala akong alam. Sila Iris at Tita Nora lang ang naglilihim sa kanya. Hindi ako.

Ngunit tumalim pa rin ang mga tingin niya sa akin nang isang beses siyang sumulyap. Of course he doesn’t know the truth. Ang alam lang niya ay asawa ko si Ivan at dahil asawa ko siya, na siya lang ang nag-iisip, dapat alam ko ang kung nasaan siya at paano makakausap.

Panay ang pag-igting ng bagang niya at ang kamay niyang wala na ngayon sa manibela ay nakakuyom na sa hita niya.

Kinabahan ako. Natakot ako sa pinapakita niya ngunit wala na akong magagawa dahil nakakulong ako sa loob ng kotse niyang umaandar. Hindi ako maaaring tumalon na lang dito. Baka masagasaan at mamatay ako.

Pumitik ang puso ko sa isipin. Maybe I want to die. Pero hindi ngayon. Gaya ng sabi ko, matagal pa dapat akong mabuhay para sa pamilya ko. Yes, I want to be with Christopher right now pero ang mamatay sa gitna ng kalsada sa hindi tamang oras ay hindi pwedeng mangyari.

Hinigpitan ko ang kapit ko sa pintuan. Sumulyap si Terrence doon na parang may inaasahan na gagawin ko.

Magsasalita  sana siya nang may tumunog na cellphone. Hindi iyon sa akin.

“Yeah?” tanong ni Terrence sa kabilang linya matapos niyang sagutin ang tawag. Hawak niya ang cellphone sa kanyang tainga gamit ang kanang kamay. Ang isa ay abala at nasa manibela.

Tumingin ako sa daan.

“What!” nagsalubong ang kilay ko sa tono ni Terrence. Galit at gulat ang boses niya. “The fuck! Ano nang nangyari? Nag-resign din siya?” Aniya sa hindi makapaniwalang tono. Umiling siya at napapikit.

Tumingin akong muli sa daan. Baka bigla na lang kaming makabangga sa kanyang ginagawa. Halatang wala na sa pagda-drive ang atensyon niya.

“Then find another one! 'Wag mo nang habulin 'yan.” sigaw niya na ikinatalon ko mula sa aking inuupuan. Umalingawngaw sa buong sasakyan ang boses niyang nanggigigil.

Hiram Na Pag-ibig (Formosa Series #2)Where stories live. Discover now