EPIDEMYA

63 17 1
                                    

"ANAK? May cupcakes diyan galing sa Baranggay hall. Libre, may namimigay kasi niyan. Mga doctor na galing sa ibang bansa. Mga dayo sila na dumating dito sa atin at may medical mission raw sila rito." Mahabang saad ni Mama. Galing siya sa meeting ng baranggay namin. Tumango lang ako at nag smile. Kasama ko si Ryan, boyfriend ko. Kakainin sana namin kaso ang pangit ng amoy ng cookies. Nag decide kaming manood nalang ng movie.

Nakapatay ang mga ilaw sa salas at ilaw lang ng TV ang nagtatanglaw nito. Nanonood kami ng boyfriend ko ng isang romantic movie. This is so perfect talaga, siya at ako... nanonood ng aming paboritong movie. Para kaming nasa sine.

Bigla nalang nag vibrate ang phone ko sa couch. Hindi ko iyon pinansin at nilakasan pa ang volume. Hanggang sa ilang minuto ng vibrate nang vibrate ang phone ko at nadidistruct na kami pareho. Inis na inis kong kinuha ito. Sus, yung ex beast este bestfriend ko pala, si Nica. Ayaw niyang tumigil, vibrate nang vibrate pa rin ito sa mga kamay ko kaya binitiwan ko ang cp ko.

"What's wrong Rika?" tanong ng katabi ko na mukhang iritado na rin.

"Si Nika, hindi niya ako tinitigilan. Lagi niyang tinetext na magkita raw kami sa gate nila para humingi ng sorry. Tsk! If I know alam ko na naman gagawin niya. Baka magsampalan na naman kami." Mahabang litanya ko.

Tumahimik naman sandali yung boyfriend ko bago sinabing, "tara?"

"Huh?" takang tanong ko.

"Tara na. Ime-meet natin siya at sabihin nating tigilan na niya ito. She's some sort of a pathetic bitch!" saad niya at hinila niya ako palabas ng bahay.

"T-Teka yung TV!" Babalik sana kami kaso biglang sumulpot si Mama at sabi niya siya na daw bahala.

"Umuwi kayo agad. Mukhang masama ang panahon. Ang itim ng kalangitan." Sigaw ni Mama kasi nasa labas na kami.

"Opo!" sabay naming tugon.

Habang binabaybay namin ang daan parang may kakaiba kaming nararamdaman. Not the usual. Parang may something talaga. Kakaiba yung lamig, it gives me chills. Walang mga batang naglalaro sa daan though 4:30 pa lang ng hapon pero ang nakaka shock sa lahat ay ang mga nakabaliktad na mga sasakyan. Bakit? May nangyayari bang hindi namin alam?

"Ryan, kailangan na nating bumalik. It's not a good idea na tumuloy pa tayo. We dunno kung anong nangyayari dito," kinakabahang saad ko, "sa tingin mo bakit ang gulo ng labas at bakit nagkukumpulan ang mga sirang kotse? Tara na, uwi na tayooooo."

"Hindi, pagod na pagod na ako kay Nica na lagi ka nalang ginagambala. Kailangan na nating tapusin ito, Rika!" matatag na saad nito pero nanginginig naman ang mga kamay. Bakit ba kasi kailangan pang magpretend na hindi natatakot eh.

"Mapapahamak tayo dito sa ginagawa natin eh." Reklamo ko. "Alam na nga nating kakaiba na ang nangyayari pero patuloy pa rin tayo sa ginagawa. Ganitong-ganito ang namgyayari sa mga biktima ng horror movies!"

"Rika, malapit na tayo sa bahay nila at kung babalik pa tayo ay baka nga may makasalubong pa tayong alien doon." Sukat dun ay natahimik ako pero imposible naman ang alien na pinagsasabi niya, nakakaloka.

Kusang kumulog at may mga pumapatak nang ulan mula sa kalangitan. Binilisan namin ang paglalakad hanggang sa nakarating kami sa gate nina Nica. Nasa labas rin siya kasama ang kapatid niya na si Niña. Hindi pa ako nakapagsalita nang sinugod ako ni Nica. Itinulak niya ako at pumaibabaw siya sa akin at hinablot ang mga buhok ko. Shit ang sakit. Parang matatanggal ang anit ko.

"Kung hindi dahil sa iyo ay hindi sana ang suspendido sa school!" Pagwawala nito sa ibabaw ko. "Napaka tabil ng dila mo at napaka sipsip mo sa Dean."

Nakabawi naman ako. Pumaibabaw ako sa kanya at pinagsusuntok ang pagmumukha niya. Hayop siya. Dumudugo na ilong niya kaya hinablot ako ni Ryan palayo sa kanya. "Hindi pagiging sipsip iyon. Tanga ka ba ha? Totoo lang akong nagmamalasakit sa iyo dahil ayaw kong masira ang buhay mo dahil lang sa druga!"

The Creepy TalesTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang