SECRET ADMIRER

179 31 64
                                    

AKO si Hera. 20 years old na ako at lumipat kami ng bahay dito sa Manila kaya naninibago pa ako sa new environment. Laking probinsiya kasi ako at hindi ako sanay makisalamuha sa mga taga-syudad. Pinapasok nila ako sa isang malaking unibersidad dito sa Quezon City. 3rd year college palang ako sa kursong BEED major in Filipino kasi nga pahinto-hinto ako ng pag-aaral dahil sa kawalan ng pera. Nag-iipon muna ako bago ipagpapatuloy ang mga semesters ko. Ngayon naman ay namomroblema ako dahil nalipat kami ng bahay at pati paaralan ko kailangan ko pa tuloy na mag adjust ulit.

Hindi ko pa naman gusto doon. Oo, malaki ang school at maganda ang kanilang mga facility at magaling magturo ang kanilang mga professors pero kasi hindi ko kaya ang mga ikinikilos ng mga babaeng estudyante sa school. I mean, ibang mga girls doon. I'm not generalizing but majority of the girls are spoiled brat.

Halos karamihan sa kanila ay may mga kasintahan na, nakikipaglandian kahit saan-saan, ang kakapal pa ng mga kolorete na akala mo color book ang mukha. Nahiya ako sa sarili ko. Sobrang napaka inosente ko sa bagong lipunang napasukan ko. Ako? Simpleng-simple lang at walang kaarte-arte. Ni hindi nga yata ako ka attract-attract sa mga lalaki dito sa campus. Ni hindi ko pa naranasang magka boyfriend. Kapag kasi may lalaking nagpapapansin sa akin feeling ko may binabalak siyang paibigin lang ako tapos kapag mahulog na ako ay iiwan rin ako at maiinis lang ako sa kanya.

Hanggang isang araw sa locker ko ay may natagpuan akong white small card na may purple heart sticker na naka attach dito. Nagtaka ako kaya binasa ko ang laman ng card. "Sa paningin ko ay napakaganda mo."

Napangiti ako. Nakaka touch 'yun promise. Napakasimple lang ng mensahe pero nagdulot iyon ng kasiyahan sa akin. It was my first time na nakatanggap ng sweet card mula sa unknown person. Nakakapagtaka man kung kanino iyon galing dahil wala namang naka attach na name ng sender pero inipit ko iyon sa libro ko.

Habang naglalakad sa hallway ay iniisip ko kung kanino iyon galing. Hindi kaya galing iyon sa isang gwapong kaklase ko sa Sociology na laging nagpapahiram sa akin ng ballpen? Pwede rin yung cute na lalaking kaklase ko sa English na kapag ngumingiti sa akin ay parang wala nang bukas. Pwede rin yung lalaking katabi ko minsan sa Filipino time na feeling close. Natuwa ako kasi sa lahat ng mga lalaking nagpapapansin sa akin ay itong sender lang ang naiiba dahil sa approach niya. Iba pa rin ang feeling na makatanggap ka ng love letter o card kaysa sa chat o text lang. Para sa akin mas sweet at genuine ang mga ganitong approach.

Excited akong makilala ang may-ari ng card na ito. Parang napuno ako sa daydreaming at sa sinasabi nilang puppy love. Kapag nalulungkot ako tinitignan ko lang ang card na iyon at mawawala na ang kalungkutan sa akin. Sana ay makilala ko rin siya. Ano kaya ang itsura niya? Gwapo kaya siya? Hindi na bali kung hindi, basta mabait siya ay okay lang sa akin.

Dalawang linggo ang nakaraan at may card na naman sa locker ko. Excited na binuksan ko ito. "Napakaganda mong babae," sabi niya.

Napapikit ako sa kilig. Gusto kong magsisigaw na finally may nagkakagusto na rin sa akin, pero I need to shut up. Besides walang nakikipag close sa akin dito sa campus. Baka isipin pa nila na nababaliw na ako pero aaminin ko na sobra-sobra ang kilig na yumakap sa akin.

Nagtataka na rin ako kung sino ba talaga ang secret admirer kong ito. Bakit ba kasi ayaw pa niyang magpakilala sa akin? Wala namang masama kung magpakilala nalang siya. Mas matutuwa pa ako.

Hanggang dumating ang araw na sunod-sunod na ang mga cards na pinapadala niya sa akin:

"Ang sexy mo kahit napakasimple mo lang manamit."

"Sobrang ganda mo."

"Lagi kitang naaalala."

"Di ako makatulog sa kaiisip sa'yo"

Dahil dito kinain na ako ng kilig. Nawala na ako sa focus sa pag-aaral. Lagi kong naiisip ang mga sinabi niya sa akin. May isang araw rin na hiyang-hiya ako sa buong klase dahil tinatanong pala ako ng Professor namin sa Filipino pero hindi ako nakinig. "Hindi siya nakikinig. In love ka na yata Miss Mariano." Komento ng prof namin at pinagtatawanan naman ako ng lahat. Humingi ako ng tawad kay prof dahil sa hiya.

Kinabukasan ay may bagong card na naman akong natanggap. Agad ko namang binasa ang laman ng card. "Gusto kitang matikman." Nanindig ang balahibo ko doon. Parang double meaning kasi. H-Hindi ko alam kung anong ibig niyang sabihin. Pero mas nakakatakot ang kasunod na card. "Lagi kitang pinagmamasdan." Imbis na kiligin ay parang nagising ako sa katotohanan. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Parang may mali na at hindi ko na ito nagustuhan pa.

"Gusto ko, akin ka lang!" ani ng kasunod na card na nasa mga kamay ko.

Sa puntong iyon ay hindi na ako kinikilig. Bagkos ay kinakabahan na ako. Secret Admirer ko ba talaga siya o Stalker? Omg! Huwag naman sana. Lumipas ang ilang linggo nagsimula nang dumami ang mga nakakatakot na nakasulat na card sa locker ko na umabot na sa punto na kapag bubuksan ko na ang locker ko ay tumatahip ng mabilis ang tibok ng aking puso.

Sa CR naman pumasok ako saglit sa cubicle para umihi. Paglabas ko humarap ako sa salamin para maghugas sana ng kamay pero may napansin akong card na nakadikit sa salamin. Sigurado ako na wala iyan dito kanina at wala akong narinig na taong pumasok dito sa cr. Nagpalinga-linga ako at napayakap sa sarili. I feel something is going on around me.

Kada may makita akong card kahit saan ay natatakot na ako. Wala akong mapagsabihan. Wala namang pakialam sa akin sina Tatay at Nanay at wala akong mga kaibigan dito kaya, I suffered in silence. Umiiyak ako ng palihim at nahihirapan sa sitwasyon ko ngayon. Ano na ang gagawin ko? Paano na ako nito?

Hanggang sa dumating sa point na para akong tinutukan ng baril sa ulo nang umuwi ako sa bahay at may nakita akong card na nakadikit sa pintuan namin. Medyo may kalakihan ang isang iyon. Nanginginig kong inabot ito. Kinakabahan at natatakot ako. Ngayon ay alam na niya kung saan ako nakatira.

Nang binuksan ko ito may nakita akong nakadikit na picture ng isang lalaking towel lamang ang tanging saplot sa katawan at sa kaliwang kamay niya ay may hawak na kutsilyo. Naka selfie ito pero blurred ang mukha. May note rin na naka lagay sa card. "Siguro ang sarap ng mga dugo mo. Para yata iyang apple jam."

Napasigaw ako sa takot. Pero may napansin rin ako sa picture na nagbigay sa akin ng kilabot. Blurred nga ang mukha ng lalaking may katandaan na ngunit nalimutan niya yatang takpan ang nasa likuran niya. May isang picture frame doon na kuha mula sa graduation at kilalang-kilala ko ang lalaking nasa larawan na iyon.

...ang aking Filipino Professor.

The Creepy TalesWhere stories live. Discover now