TAKAS SA PRESO

55 14 0
                                    

MAAGANG umalis ng bahay ang mag-asawang Villarico para pumasok na sa trabaho. Ibinilin nila ang bahay at mga maliliit na kambal sa nakakatandang anak nila na si Jericho.

Nung paggabi na ay hindi pa rin dumating ang kanilang mga magulang kaya naman ay nag lock na sila ng pintuan at bintana. Habang nilo-lock ni Jericho ang pintuan ay biglang nag ring ang telepono. Hindi niya alam na hindi nag lock ang pinto sa front door. Hindi niya napansin kasi mas nag focus siya sa tunog ng telepono. Patakbo siyang pumunta at sinagot ang tawag.

"Hello po?" Pakiramdam niya ay parang may something pero hindi nalang niya inisip yun.

"Nakikita kita." Bulong ng kabilang linya. Napaismid si Jericho sa pag-aakalang prank lang iyon.

Matapos nilang kumain ng hapunan ay pinatulog na niya ang kanyang mga nakababatang kapatid. Agad naman siyang bumaba at nanood ng TV. Hanggang sa may nag flash na news na may presong nakatakas. Kaya kailangan mag lock daw ng mga pinto kung sakali at baka mambiktima raw ito. Nagwawala raw kasi ito at kasalukuyan na itong pinaghahanap ng mga otoridad.

Napatayo bigla si Jericho nang bumukas ang pintuan. Walang sabi-sabing tumakbo palayo sa pintuan si Jericho nang marinig ang mga yabag na tila hinahabol siya. Agad siyang napatakbo sa kwarto ng mga kapatid. Sobrang dilim. Nilocked niya ito.

"Twins! Gising!" Sigaw niya at ini-on ang ilaw. Napasinghap si Jericho nang makita ang dalawang kapatid na nakabitin sa ceiling fan gamit ang lubid, may gilit sa leeg at halos mapuno ng dugo ang buong kwarto.

May sulat naman na nakalapag sa higaan ng kambal na puno ng dugo. Binasa niya iyon. "Huwag kang lumingon kahit anong mangyari." Nanginginig si Jericho at namilog ang mga mata. Napaiyak nalang siya at nanigas sa kinatatayuan nang marinig na nag click ang pintuan.

12:26 pm
1.31.19

The Creepy TalesWhere stories live. Discover now