ENRIQUE SALVA REYES JR.

86 19 8
                                    

This story is dedicated to Mistery_one
__

"PAANO mo nagagawang magsugal sa ganitong sitwasyon natin ngayon ha?" Galit na sigaw ni Gng. Evelyn sa asawang si G. Ricky.

"My god! Evelyn, isang gabi lang 'yun at nagkakasayahan lang kami. Bakit ba sa akin mo binabato ang tungkol sa problema natin sa pera ha?" galit na tugon rin ni G. Ricky sa asawa.

"Kapag umaga wala sa bahay, 'pag uwi naman sa gabi laging nag-aaway." Umiiyak na tinakpan ni Xyrellie ang kanyang dalawang tainga. Naririnig na naman niyang nagtatalo ang Mommy at Daddy niya. Hindi na niya kinaya. Halos mag-iisang buwan nang ganito ang samahan ng dalawa at pakiramdam niya ay naiipit siya sa gitna ng mga ito kaya ang plano niya ngayon ay lumayo muna sa gulo ng mga magulang.

Lumabas siya ng bahay upang 'di na mapakinggan ang nakakasawang sagutan at bangayan ng kanyang Mommy at Daddy. Naglalakad-lakad siya sa kahabaan ng kanilang village.

"Ang sarap ng simoy ng hangin," ani Xyrellie sa sarili, "kakaiba ang gabing ito, napakaganda pero sa bahay 'di ko dama."

Sa paglalakad-lakad niya hindi niya namalayang nasa madilim na siya na parte ng kalsada. Patay na ang ilang mga ilaw sa bahay at ang street lights naman ay ayaw pang gumana.

Ang kanina'y kaginhawaan na nadarama niya ay biglang napalitan ng takot at kaba. May sumusunod kasi sa kanya. Lakad-takbo ang ginagawa niya hanggang sa napagod siya dahil sinusundan pa rin siya nito. Dahan-dahan siyang lumingon at sisigaw na sana siya pero nag "ssshhh" ito.

Tinitigan niya ang batang nasa harap niya ngayon. Nakangiti pero parang hindi. Masaya pero parang malungkot. Yung aura niya ay kakaiba. Ang gulo hindi ba?

"Ako si Enrique Reyes, call me Rik-rik." Pagpapakilala ng batang kaharap niya.

"Paano mo-"

"Pwede na ba tayong magpatuloy sa paglalakad?" Agad niyang putol sa sasabihin ni Xyrellie.

Hindi niya alam kung anong nangyari basta tumango nalang siya sa sabi nung Enrique. Nagkwentohan sila. Nakalimutan niya saglit ang problema niya sa bahay. Masarap kakwentohan si Enrique at hindi niya na namamalayan ang oras.

"Naku, Quarter to one na. Kailangan ko nang umuwi. Mapapagalitan ako nito," nag-aalalang wika niya kay Enrique.

"Ihahatid na kita sa inyo," tugon nito. Tumango nalang siya. This time walang kwentohang namamagitan sa kanilang dalawa. Naglalakad lamang sila na hindi nagkikibuan.

Nung nasa tapat na sila ng bahay ay may binulong si Enrique. "Huwag ka nang lumabas ng bahay na mag-isa sa gitna ng gabi."

Nagulat siya at magtatanong pa sana ngunit nakalayo na ito agad. Naalarma siya sa likod ng batang lalaking iyon. Hindi niya napansin na puno iyon ng dugo. Tatawagin na sana niya si Enrique nang biglang sumulpot ang Mommy niya sa bungad ng kanilang gate kasunod ang Daddy niya na hindi na maipinta ang mukha.

"PUMASOK KA NA SA LOOB!" Utos ng Daddy niya sa kanya.

"Saan ka ba nanggaling bata ka at mag-isa ka lang lumabas? Delikado ang panahon ngayon. Paano kung may mangyari sa iyo, ha?" Sermon naman ng Mommy niya. Tanging sorry lamang ang nasagot niya sa mga ito at tuloy-tuloy na binaybay ang sariling silid. Tinawag siya nito para maghapunan pero wala siyang gana.

KINABUKASAN, sa hapag-kainan tanging kubyertos at pinggan lang ang maririnig sa buong kabahayan. Walang pakialam ang Mommy niya at parang may sariling mundo ito. Ang Daddy niya naman ay nagbabasa ng pahayagan na nakabusangot.

"Oy, ikaw. Alam mo ba ang nangyari kagabi?" Tawag sa kanya ng Daddy niya at umiling lang siya. "May isang bata na kaedad mo lang ang namatay dahil pinagtutulungan 'di umano ng mga bullies."

"Po?" shock na saad niya.

"Ang pangalan niya ay Enrique Salva Reyes Jr." tugon ng kanyang Daddy, "kaya sa susunod ay huwag kang basta-basta umaalis ng bahay, naiintindihan mo ba?"

Sunod-sunod ang tango niya sa ama. Hindi rin siya makapaniwala. Si Enrique, siya ang kasama at kausap niya kagabi. Ang lungkot ng kanyang mga mata, ang bulong ng pagpapaalala, ang dugo sa kanyang likuran- ngayon ay nagkaroon na sa kanya ng linaw. Napatungo siya upang itago ang bumabalisbis na masaganang luha mula sa kanyang mga mata.

- W A K A S -

The Creepy TalesWhere stories live. Discover now