SALAMIN, SALAMIN

72 16 4
                                    

May isang babaeng naka roba ng kulay itim. Nakapaa lamang siya. May mahabang mga kuko, may mapupulang mga labi, maputlang balat, matalim na mga mata, malamig na mga tingin at mga galaw na nakakakilabot. Nakatalukbong siya kapag lumalabas sa gabi at may dala-dalang makinang at matalas na patalim. Laging naglalakad sa tamang direksiyon. Alam na alam niya kung saan siya pupunta at kung ano ang pakay niya. Siya si Crutos, tawag sa kanya ng karamihan.

Pumapasok siya sa panaginip ng biktima at dun niya ito papatayin. What a perfect crime, hindi ba? Hindi siya makukulong o mahuhuli ng kahit na sino kahit isang napakagaling at ekspertong mambabatas at mga alagad ng batas. Lumalabas na bangungot ang nangyari sa mga biktima kaya ito binawian ng buhay subalit ang totoong nangyari ay napakasaklap sa loob ng panaginip na iyon.

Ngayon ay may orasyong ginagawa si Crutos. May boses siyang nakakatakot na pakiwari mo'y galing sa kailaliman ng daigdig. Nag-iisa siyang naninirahan sa nakakatakot na mansiyon. Puro kadiliman at mga itim na kandila ang naroroon. Ito ay tinagurian niyang palasyo. Nababalot ito ng kadiliman subalit ang kanyang kaharian ay payapa at matiwasay.

Sa harap ng mahiwaga niyang salamin ay nagtungo siya. Nakakatakot ang lumang salamin na ito, puno ng alikabok at sobrang labo ng iyong anino sa tuwing haharap ka dito. Tila may pwersang humihigop ng iyong enerhiya sa tuwing haharap ka sa kanya. Napangisi si Crutos sa harapan ng salamin at may binanggit siyang latin at umilaw ito ng kusa.

"Anong maipaglilingkod ko sa kamahalan?" wika ng salamin.

"Salamin, salamin
Ipakita mo sa akin
Sino ang aking susunod na papaslangin?"

"Salamin, salamin
Ipakita mo sa akin
Sino ang aking susunod na tatagain?"

"Salamin, salamin
Ipakita mo sa akin
Sino ang buhay na aking sasayangin?"

"Salamin, salamin
Ipakita mo sa akin
Sino ang ulong susunod na puputulin?"

"Salamin, salamin
Ipakita mo sa akin
Sino ang taong nararapat na puksain?"

"Kamahalan, sa isang napakagulong syudad na may sinag ng araw ang sumisimbolo, ay may isang pinunong gahaman na nagmamanipula sa syudad. Mga walong kilometro mula rito ang nasabing syudad. Ginagawang alipin ang mga kawawang mamayan kaya marapat lang na siya'y iyong parusahan," wika ng salamin. Napangisi si Crunos. Naghanda na siya para sa paglisan.

"Tikman ninyo mga mangmang ang malupit na kapalarang nakasulat sa inyong mga palad. Isa kayong salot sa lipunan at nararapat na kayo'y parusahan." Nakakakilabot ang mga halakhak nito.

"Nawa'y mag-iingat ang kamahalan sa paglalakbay at bumalik siya ng matiwasay sa kanyang munting tahanan," wika ng salamin.

"Hindi ako magtatagal at ako'y babalik agad. Naghihintay lang ako ng tamang pagkakataon sa paglisan." Uminom ito ng katas ng ubas at ngumisi ng nakakatakot.

"Maghihintay ako sa pagbabalik ng kamahalan," saad ng salamin.

Eksaktong tumunog ang lumang orasan. Nagpapahiwatig na alas dose na ng umaga. "Ito na ang tamang pagkakataon." Agad siyang tumayo't humayo na sa patutunguhan.

2:44 pm
1.30.19





Ngayon ka mag-isip kung anong klase siyang nilalang. Good luck nalang HAHA !

The Creepy TalesKde žijí příběhy. Začni objevovat