KARNE

56 13 0
                                    

IKINULONG kita sa isang malawak na silid. May anim na mga katawang wala ng buhay ang nakaratay sa sahig. Malansa ang amoy ng paligid at nakakadiri. May iniwan akong baso, malaking plato, kutsilyo, kutsara at tinidor sa isang maliit na lamesa. May sulat rin akong iniwan na itinupi ko sa ibabaw ng silya. "Kainin mo lahat ng karne na nasa loob ng silid na ito at wala kang ititira kahit na isa." Iyan ang nakasulat.

Hinanap mo ang mga karneng sinasabi ng sulat subalit wala kang mahanap maliban nalang sa CCTV na nahagip ng mga mata mo sa kaliwang bahagi ng kwarto. Bigla kang napatingin sa mga patay na katawan ng tao at biglang nasuka sa naisip mo.

"Kakainin mo ang mga karne o papatayin kita gaya ng ginawa ko sa mga bangkay riyan?" malakas na wika ko mula sa labas ng pintuan.

"P-Pakiusap huwag mong gawin sa akin ito." Pagmamakaawa mo.

"Nakikita kita." Pagbabanta ko. Dahan-dahan mong kinuha ang mga kubyertos at umiiyak na lumapit sa matabang babae na nakabulagta sa sahig at wasak ang bungo. Kumuha ka ng kunting karne mula sa kanyang braso. Nagdadalawang-isip ka pang isubo ito pero dahil pinagbantaan kita ulit ay agad mo itong nginuya. Naduduwal at diring-diri ka sa kinakain mo pero wala kang magagawa.

A killer like you deserves to be trapped in a lion's den. It looks like the demon itself has fallen. Ibinabalik ko lang ang nararapat sa iyo. After killing my family because of lust and power, matapos mo ring ipalapa sa mga mababangis na aso ang sanggol ko, here you are now, pleading and begging? I'm paying you what you deserve. Karma is really a bitch and look, it hits you in tge most painful and disgusting way.

Makalipas ang sampung oras ay naubos mo ang mga bangkay. Tuwang-tuwa ako at abot hanggang langit ang halakhak ko. Nanghihina kang kumatok sa pintuan. "T-Tapos ko nang kainin lahat ng karne. W-Wala akong itinira." You're bloated to death, halos hindi ka na makakilos sa kabusugan at suka ka rin ng suka. Kahit anong gawin mong pagsuka ay walang mangyayari, nilamon mo na ang mga nakakadiring bangkay sa paligid mo.

"ANG SABI KO LAHAT NG KARNE SA LOOB AY UBUSIN MO!" Pagwawala ko. Nagimbal ka at takot na takot. Umiiyak kang napaluhod sa tapat ng pintuan.

"A-Ano pa bang gusto mo? Ginawa ko na lahat ng pinapagawa mo!" Nanghihina mong wika. Naglikot ang iyong mga mata at parang hindi mapakali. "W-Wag mong s-sabihing pati a-ako?"

What a brilliant demon. Tama ka nga, kainin mo ang sarili mong karne. Nakangisi ako habang papalayo sa silid na pinagkulungan ko sa 'yo. "Kung pagbalik ko hindi ka pa tapos sa utos ko, ako na mismo ang tatapos sa iyo at ang karne mo ang ibibigay ko sa mga buwayang alaga ko."

The Creepy TalesKde žijí příběhy. Začni objevovat