♥Extra Chapter♥: Coincidence or Destiny?

Start from the beginning
                                    

“Nako! Mahanap ko lang talaga siya makita ng mag asawa na yan! May ibubuga rin ako! Humanda sila.”

“Haha, sinong kaaway mo?” napatingin ako sa nagsalita.

Isang matangkad na gwapo ang nasa harap ko... si Chanyeol.

“Laya ka na pal-“ napatayo ako tinignan siyang mabuti.

Nakacheckered polo, may cap na kulay red nakamaong pants rin at…

Haha, wala siyang t-shirt! So hindi siya so sad, kala ko pa naman siya na.

“Hello? Diyan ka pa?” kinawaykaway niya ang kamay niya sa mukha ko at tinabig ko yun.

“Buhay pa naman ako. As I was saying laya ka na pala. How was your prison life?” yan ang hello greeting ko sa kanya.

“To, banal na banal na. Lagi ba namang nagpraprayer meeting.” Sabay tawa.

Kaso agad namang nawala ang ngiting yun.

“Kamusta na sina Kyungsoo?” napatingin siya sa langit at halatang malayo ang iniisip.

“Masaya na ang buhay niya wag mong sabihin guguluhin mo nanaman sila?”

“Nagtanong lang ako, yan na agad nasa isip mo? Hindi mo ba alam na kapag nakulong ang isang tao talagang magbabago na sila.”

“Hindi lahat nagbabago.” Singit ko.

“Well, ibahin mo ko sa kanila.” Hay, natalo ako.

“Kdot!” sigaw ko sa kanya sabay cross arms.

“Tsaka may iba na ko.” Nabalik agad ang tingin ko sa kanya.

“Ano?! So puppy love lang yung kay Kyungsoo?!” umiling siya.

“Hindi, pero nung nasa prisinto ako… hindi siya ang nasa isip ko… dun ko lang narealize kung gaano kaimportante sakin yung taong laging nasa tabi ko.” May kahulugan yung sinabi niya sakin.

T-Teka? A-Ako ba yun? Ako lang naman ang laging dumadamay sa kanya kapag naheheartbroken siya kay Kyungsoo… P-Pero imposible no! Friends lang kami! .. Friend nga lang ba? Ewan!

Tumingin ulit ako sa kanya at napansin ko kanina pa pala siya nakatitig sakin.

Yung mata niya may pinapahiwatig sa mga mata ko. Ano kaya yun?

“Napatulala ka? Natameme ka sa kagwapuhan ko no.” pinitik niya ko sa noo.

“Aray naman! Hindi no! Never!” pagkasabi ko nun may naramdaman akong malamig na kung ano na tumulo sa ulo ko.

“Shit! Umuulan!” napatayo kaming parehas sa kinauupuan naming bench.

“May payong ka ba?!” tanong ko, shit ayaw kong magkasakit.

“Tatanong ko rin sana yan sayo!”

“So wala ka ring payong?!” Anak ng deputang ina yan.

“Teka.” sabi niya sakin at pinagmasdan ko lang siya.

Tinanggal niya yung polo niya at iyon ang nagsilbing payong namin.

Dun ko lang napagtanto na meron pala siyang t-shirt.

“Oh? Natameme ka nanaman diyan? Tara na! Nababasa na tayo.”

Doon sa t-shirt niya may nakaprint na isang number…

Number…

 

 

“Six…”

Love Slave♥ (Kaisoo)Where stories live. Discover now