♥Chapter 46♥: Who will be KILLED?

5K 260 28
                                    

Sehun’s POV

11 years ago

Tanda ko pa nun umiinom ako ng bubble tea nung bata ako, yun kasi ang pasalubong sakin ni papa nung umuwi siya.

Dahil nga detective si papa bihira lang siya umuwi dahil sa sunod sunod na kaso na kailangan lutasin, anong magagawa ko eh magaling ata tong papa ko. At saka siya na lang ang bumubuhay samin dahil eksatong pagkaanak sakin ni mama nawalan na siya ng buhay.

“Bakit ganito ang grades mo?! Dati naman kasama ka sa top!” kapag sumigaw na si papa cue ko na yan para umakyat sa taas, dahil mag aaway nanaman sila ni kuya.

“Bakit! Mabubusog ba ko ng grades na yan?!” sagot naman nung isa, dapat kasi hinahayaan na lang ni kuya magsalita si papa para tapos agad ang usapan.

“Sa tingin mo mabubuhay ka kapag hindi ka nag aral?! Sa tingin mo san ka pupulutin ha?!”

“Oo! Mabubuhay ako kahit hindi ako nag aral, porket kasi matalino ka hindi mo na alam ang salitang DISKARTE! Bakit sa talino lang ba nakakakuha ang pera? Bakit si Nora Aunor grade 2 lang ang natapos niya pero ano siya ngayon? Mayaman at iniidolo ng masa!” Boom basag!

Sinarado ko na ang pinto ng kwarto ko at nanood na lang ng cartoons.

Sanay na ko sa ganitong sitwasyon, lagi namang ganto.

Nagkaaway sila nung gabing yun bago pa ulit umalis si papa dahil may bago nanamang naghain ng kaso.

Akala ko kasama lang to sa mga dating pangyayari yung tipo na mag aaway sila tapos kinabukasan bati na agad silang dalawa tapos maglalambing na si kuya kay papa at sasabihing ginogoodtime lang kita pa, to naman di mabiro taas kaya ng grades ko.

Pero hindi…

Akala ko lang pala yun…

Nabalitaan na lang namin sa partner niya na bago pa niya ilabas ang ibedensya sa prisinto napatay na agad siya.

Nandito kami sa libing ni papa, tanging kami na lang dalawa ang naiwan dito.

“Kuya, tara na.” yaya ko sa kanya.

“Magbabayad sila…”

Yan lang ang narinig ko sa kuya ko nung araw na yun.

Love Slave♥ (Kaisoo)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon