♥Extra Chapter♥: Coincidence or Destiny?

8.3K 343 80
                                    

A/N: sesegwey lang ako, My Badass Boyfriend (HunHan) is now publish.

Baekhyun’s POV

11 years past

“ARAAAY!!!!!!” lintek na bata yan oo!! Sa lahat ng sasabunutan ako pa talaga!

“Nako! Baby say sorry to your tita.“ suyo naman ng ina nitong bata, sino pa ba eh di si Kyungsoo.

“Bakit ba favorite niyang anak mo ang napakaganda kong buhok! Di ba niya alam na ilang hibla na ang nalalagas dito?!” talak ko sa mag ina sabay hawak na rin sa ulo ko.

“Pagpasensyahan mo na yung bata gusto lang naman niya maglaro.” Sabay eksena nung kumag na ama.

“Che! Ansatingin niyang anak niyo palamuti tong buhok ko?!” sabi ko sabay walk out.

“Tignan mo hubby oh! Pustahan pupunta ulit siya sa park!” rinig kong sigaw ni Kyungsoo.

“Tapos magwiwish nanaman siya sa wishing well at hindi nanaman iyon matutupad!” sabaw tawa ng malakas.

Magkakaroon rin ng araw tong mag asawa na to sakin.

Pero tama sila pumunta ako sa lagi kong pinupuntahan pagkatapos kong bisitahin si baby Kyungmin…

Tong park na may wishing well. Ewan ko ba kung ba’t nilagyan ng wishing well hindi naman tinutupad ang mga kahilingan ko ubos na nga ata lahat ng barya ko dito.

Ako ata si Byun Baekhyun hindi nawawalan ng pag asa! Kaya keribels pa rin.

Kahit isang dekada pa ko dito, mahanap ko lang ang lucky guy ko.

Bigyan mo naman po ako ng kahit man lang sign na siya na nga ang the one ko.

Gusto ko nakacheckered polo, may cap na kulay red tapos nakamaong pants at may t-shirt sa loob na merong number 6.

Yan lang naman ang hinihingi kong sign, sige na po please.

Pagkatapos kong sabihin yun naglaglag na ko ng piso.

Buntong hininga here buntong hininga there, sana eto na ang day para makilala ko na siya. Tagal ko na rin talagang naghihintay, nag iinggit na nga sakin yung dalawang Kim na yun.

Love Slave♥ (Kaisoo)Where stories live. Discover now